Batangas

2.6K 54 1
                                    

Si Barbie na ang pinapunta ko sa condo namin ni Jen para dito na kami sunduin ni Matthew. Kaya maaga palang nandito na si Barbie at nagrereklamo.

"Bakla, san ba tayo pupunta at biglaan naman ang pag invite mo sa beauty ko." Sabi nya habang nagpapaypay, ang init kasi tirik na tirik na ang araw nandito na kami sa labas ng building at naghihintay sa pag dating ni Matthew. Napatingin ako sa suot nitong sobrang ikling shorts na konti nalang ata pwede na maging underwear.

"Di ko alam e, basta ang sabi nya beach daw yun."

"Ganern?!Buti nalang marami akong nakaready na swim wear! Sa wakas maibabalandra ko na ang drop dead gorgeous body ko sa sanlibutan. Sayang naman ang pag ggym ko no." Exagerated na sabi nya na may kasama pang paghagod sa katawan nya.

"If I know lalandiin mo lang ang mga lalakeng makikita mo dun. Sumbong kita kay Anton!"

"Gaga! Wag mo na ako isumbong kahit ngayon lang, di ko naman sila itotouch bubusugin ko lang ang aking eyes sa mga abs ng guys dun! Asan na ba ang sundo natin so tagal naman? Im so excited na kaya."

"Parating na siguro yun, oh ayan na pala.." Tumigil sa harap namin ang kotse ni Matt.

"Wow ang yaman itey ang hot ng car infairness, ferrari! Siguro over hotness rin ang may ari." Bumaba ng kotse si Matthew. Nabingi ako sa tili ni Barbie ang sarap pasakan ng sili ng bibig nya.

"Iiiiiiihhhhhhhhh!!!!! Hindi lang pala over hotness! Super over over to the highest level hotness at yummy pala ang may ari girl!!! Nalusaw ata ang obaryo ko!!!" Pinagmasdan ko ang itsura ni Matthew na papalapit samin. Kahit simple ang hot nga nito sa suot nyang baby blue shirt, white shorts na lagpas lang ng tuhod, Fred perry na sapatos(oo alam ko yun kasi may ganung sapatos si kuya), at naka shades pa ito.

Para tuloy ginupit sa magazine ang itsura nito. Ang bango pa tignan at ang linis, woh!ang yummy nga? Sinabunutan ko nalang ang katabi ko.

"Manahimik ka nga at nabibingi na ako sa bunganga mo."

"Ay namimisikal agad teh?! Wag yung hair ko at mahal yan!" Inalis ko naman ang kamay ko sa buhok nya.

"Ready na kayo?" Tanong nya nang tuluyang ng nakalapit samin.

"Yes papa! Im Barbie nga pala at your service bukas bentekwatro oras! Pwede mo akong tawagan anytime any where pag ikay nalulumbay at walang magawa sa buhay." Dere-deretsong sabi nito na nakalahad ang kamay kay Matt. Akala ko di sya papansinin pero nginitian sya nito at nakipagkamay sa kanya. Ang bait ha akala ko pa naman maiilang sya kay barbie, di pala.

"Nice to meet you Barbie, Im Matthew."

"Kahit pangalan ang ganda pakinggan! See that teh?! Nginitian nya ako! At ang bango ng kamay amoy mayaman!" Inamoy amoy pa nya ang kamay na kaninang hawak ni matt. Di ko sya pinansin, kinuha ko ang backpack kong nasa sahig at with energy ko yung binuhat at sinuot kaya natamaan si Barbie sa mukha.

"Ano ba Gel naninira ka naman ng beauty! Pansin at ramdam ko na ang pananakit mo ha. Ayan kananaman sa attitude mo! Eksaheradang to napaghahalataan masyado!" Padabog itong pumasok ng kotse.

Tahimik lang ako buong byahe, halos si Barbie na nasa back seat lang ang nagsasalita at nagtatanong kay Matthew. Nang nakatulog si Barbie gusto ko na sanang sumigaw ng "May himala!" Kaso muka naman akong tanga nun.

"San ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Matt.

"Sa resort ng kaibigan ko." Nilingon nya ako sandali tapos nag focus na ulit sa pag ddrive.

"Pwede ko bang i-on ang radyo?"

"Sure, go ahead." I-non ko ang radyo. Pero ikinasikip ng dibdib ko ang kantang pinapatugtog sa radyo. Bumalik ang mga ala-ala at taong pilit ko kinakalimutan. Pambihira, dahil lang sa kantang to? Matinde ka talaga Sebastian.

NOT your FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon