Countdown

1.9K 49 1
                                    

3 weeks nalang mag bboard exam na kami. Nandito ako ngayon sa starbucks, wala kasi si Jen sa condo kaya para di ako tamarin umalis nalang din ako. Tinext ko si Carl na kung di sya busy pumunta sya dito, nag ring ang phone ko at lumutaw ang pangalang ni Seb. Tinatanong nya ako ng mga ginawa ko at kung nasan ako.

"Excuse me." Napaangat ako ng ulo. "Pwedeng paupo? Wala na kasing vacant kung okay lang may hinihintay lang ako." Tanong ng isang babae sakin.

"Sure upo ka lang" sabi ko tapos kinausap ulit si Seb.

"Sino yun?" Tanong ni seb.

"Ah nakikiupo lang wala na kasing ibang table."

"Lalake?"

"Babae!"

"Ah okay. Hanggang anong oras ka ba dyn?"

"uuwi din naman ako ng maaga kailangan ko lang nag review na di inaantok wala kasi si Jen e."

"Alright, text mo nalang ako. I love you."

"Same here."

"Anong same here?! Asan ang I love you too ko?" Napangiwi ako nakakahiya kasi di naman ako sanay pag nasa public place.

"Ehhh pareho lang yun! Nakakahiya sa babaeng nasa harap ko."

"Bat ka nahihiya?Nakakasakit ka ng damdamin ha I love you na nga lang pinagdadamot mo pa." Nagtatampong tono nito.

"Hay! Oo na I love you too!"

"Napipilitan ka lang ata."

"I love you too." Gamit ang malumanay kong boses.

"Yan ganyan.. Sige na babe di na kita kukulitin. Goodluck! Bye!" Ang adik talaga nun lakas trip.

"Boyfriend?" Tanong ng babae sa harap ko.

"Oo, kulit! Sarap kutusan."

"Ang sweet nga e." Nakangiting sabi nya ang ganda naman ng babaeng to. Mukhang mayaman kahit simple lang, ang ganda pa ng bag gucci.

"Ikaw? Boyfriend mo ba ang hinihintay mo?" Tanong ko.

"Hindi, friend lang. Wala akong boyfrend."

"Ha? Sa ganda mong yan wala? Imposible!Bakit naman?" Di makapaniwalang tanong ko.

Uh.. Thanks? you're pretty too you know. Anyway to answer you're question the guy that I like doen't like me. Ako na nga ang lumalapit masyadong pakipot, lagi akong pinagtatabuyan at ginugulo ko lang daw sya! Snob ang ganda ko." Di ako makapaniwala na sa ganda ng babaeng to may aayaw sa kanya, bulag ba sya?jusko!ang tanga naman ng lalake.

"Baka naman bading yun kasi kung lalake lang ako baka nagkagusto nako sa ganda mong yan."

"I like you na! Hahaha! Sana nga bading nalang sya para mas madaling kalimutan kaso hindi e masyadong busy sa work kaya ganun sya. Palibhasa gwapo sya kaya di nya problema ang babae!" Napainom ako sa coffee ko.

"So sumuko ka na?"

"Ewan! Basta gusto ko munang malayo sa kanya pero alam mo naniwala siguro yun na may boyfriend na ako."

"Bakit naman?"

"Kasi one time nag didinner kami ng friend ko bigla syang sumulpot sa harap namin. Gusto ko syang gantihan sa pag ssnob nya sakin kaya pinakilala kong boyfriend ang kasama ko." Natatawang sabi nya.

"Mukha bang naniwala?"

"Di ko alam. Umalis naman sya agad after ko sabihin yon. Galit na galit nga ang friend ko kasi ginawa ko raw syang tomboy! Bading kasi! Hahahahaha." Napahalakhak nalang din ako sa kwento nya.

NOT your FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon