Ligaw

2.2K 57 0
                                    

Para akong may tinatakasan na malaking kasalanan sa bilis kong pag baba ng kotse nya. Feeling kriminal!

"Angel wait!" Rinig kong sigaw nya. Lalo kong binilisan ang lakad ko. Lakad lang para di masyado halata.

"Angel!" Sigaw ulit si Stephen. My gad! Tama na ang kahihiyan ko kanina wag mo na sagarin. Di ko na nga alam kung pano ko sya haharapin kanina ko pa gustong maglaho nalang. Akala ko di na nya ako sinusundan pero bigla nalang may humapit sakin paharap.

"Bat mo ba ako tinatakasan ha?" Kunot noong tanong nito sakin. Ay shit ang puso ko para nakikipag unahan. Sobrang lapit nanaman kasi ng mukha nya.

*PAK!*

"Aray! Bat mo ako sinampal?!" Bakas sa mukha nito ang pagkagulat at sakit sa natanggap nyang sampal.

"Ikaw kasi ang lapit lapit mo masyado!"

"Brutal ka rin talagang babae ka no?" Tumalikod na ako at naglakad ulit ng hapitin ulit nya ako.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako." Buong lakas ko syang itunulak at sa awa ng kampon ni Barbie nagtagumpay ako.

"Akala ko ba ako ang gusto mo? Then why are you acting like this?"

"Oo Stephen inaamin ko naman na gusto kita." Pero hindi tulad ng iniisip mo. Gusto ko sanang sabihin.

"Then what's holding you back?" Tumitig ako sa kanya.

"Hindi parin ako handa. Nakikita mo ba ako? I am mentally and emotionally unstable basta tungkol sa ganitong bagay. I just might hurt you."

"Pano kung handa akong masaktan mo? Papayag ka na bang ligawan kita?" Napapailing nalang ako na parang di makapaniwala sa sinasabi nya. No mali yun.

"Mapapagod ka lang din Stephen, sinasabi ko sayo."

"Papatunayan ko sayo na handa ka na."

"Bat mo ba to ginagawa?"

"Come on... Dont tell me you dont know. We have this connection Angel. Dont you feel it too?" Hinaplos nito ang mukha ko. Oo Stephen meron nga tayong connection. But not in that kind of way. bayan para naman akong teenager nito kung maka arte.

"Pero di parin ako nakukumbinsi." Yun nalang ang tanging nasabi ko.

"Mapapapayag rin kita."

• • • • •

"Nakanaman Gel sino ba itong nagpapadala ng mga bulaklak at isang linggo na atang ginagawang flower shop ang station natin." sabi ng kasama kong nurse na si Arnold. Nandito kami sa nurse station at nag checheck ng mga chart. Tama, 2 weeks na ngang nagpapadala si Stephen ng bulaklak. Di naman sya nagpapakita sakin. Ganyan lang ang ginagawa nya.

"Malapit na bang malusaw ang nag yeyelo mong puso?" Singit ni Gino.

"Naku! Baka natunaw na ang lahat ng yelo sa North pole pero ang kay Gel buong buo parin." Sabi naman ni kurt.

Sabay sabay silang nagtawanan. Yan din ang gawain nila lagi tuwing may dumadating na bulaklak. Ang pagkaisahan ako. Sinipa ko ang upuan ni Kurt kaya lumagapak ito sa sahig kaya natigil sila sa pagtawa.

"May sasabihin pa kayo? Baka gusto nyong sa lamay nyo mapunta ang mga bulaklak na yan." Inis na sabi ko.

"Ay rounds na muna ako!" Agad na umalis si Gino.

"Ako rin pala!" Sumunod si Arnold na kumaripas ng takbo.

"Sandali! Aray! Hintay!" Sigaw ni Kurt sa dalawa na nakahawak pa sa likod nito at paika ikang lumakad.

"Mga bwisit talaga ang tatlong yun! One of these days itatali ko sila sa mga puno dito at gagawing parol!" Nanggigigil ako sa tatlong tukmol na yun.

NOT your FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon