Going home

2.9K 80 0
                                    

Grumaduate ako na walang narinig na kahit na ano galing kay seb, di nakapunta sila mom and dad but I understand okay lang yon nandyn naman si kuya. 2 days after graduation nakapag decide akong umuwi sa amin paalis na sana ako nun ng dumating si seb, tinanong ako ni jen kung gusto ko raw syang maka usap. Pumayag ako last naman na yon. Inaamin kong parang nagulo nanaman ang isip at puso ko nung nakita ko si seb pero di ko pinahalata sa kanya ayoko na mag mukhang kawawa sa harap nya. At nung nag sorry sya at nag mamakaawa parang gusto ko na syang patawarin pero naalala ko naman ang mga ginawa nya sakin. Kaya sinabi ko ang dapat at iniwan sya dun. Habang nasa byahe di ko makalimutan ang sinabi sakin ni celine bago ako umalis dinalaw nya kasi ako.

"I guess once you love someone and admit it, there's no crossing back. It's a line that will forever stay embedded deep within your heart. Because once you have loved that someone, it doesn't go away. You're forced to care and though how much you wish to prevent it, deep inside you know that person will always be special." Totoo kahit anong gawin ng pag papanggap ko di ko na ata maaalis sa puso ko si seb. Kaya kailangan kong lumayo sa kanya.

--

Nakita kong nag aabang si mommy sa may pinto, nung nakita na nya ako tumakbo ito palapit sakin at sinalubong ako ng yakap.

"Congrats angel Im so proud of you, and Im sorry that you're hurting right now your kuya told me everything."napahagulhol nalang ako kay mommy.

"Ang sakit sakit mom..."

"Shhhh... I know baby... I know sa maniwala ka mat hindi naiintindihan ko. Hali ka pumasok tayo ipag hahanda kita ng dinner."

Ngayon ko lang ulit naramdaman ang pag aalala at pag mamahal kay mommy, hinayaan nya akong kumain , di sya nagtanong... Pagkatapos kong kumain dumiretso na agad ako ng kwarto pero dahil di ako makatulog nasa may terrace lang ako. Maya-maya may kumatok sa pinto ko.

"Anak? Gising ka pa? Pwede ba pumasok?" Rinig kong sabi ni mom.

"Nandito ako mom!" Sigaw ko.

"Oh! Drink up!" Sabi nya sakin habang inaabot ang isang baso sya rin may hawak na baso.

"Mom! Gusto nyo akong uminom? Pag ito nalaman ni dad!"

"Ano ka ba secret lang natin to... Masarap daw kasi uminom pang broken hearted ka." Sabi nito tapos umupo sa tabi ko.

"Basta sagot mo ako."

"Ako bahala, so... Kamusta ang puso mo?"

"tama ang sabi sabi nila mom..."

"Anong sabi sabi?" Tanong ni mom.

"If you wanna see hell in the most beautiful why just... Fall in love." Sagot ko.

"Love is really unfair huh? Sometimes you win sometimes you don't. But even if you dont win just keep on loving again angel because love is not a mistake it's a lesson for us to learn. Marami pang chance para mag mahal ulit."

"Haayyyy mom why is it that the world seems to be so empty even only one person is missing?"

"Cause he became a big part of your world angel"naging tahimik ang paligid namin pero bigla ulit nagsalita si mo.

"Malungkot ako dahil nasasaktan ka but at the same time masaya dahil natuto ka ng mag mahal anak. Alam mo di rin naman naging madali ang pag sasama namin ng dad mo nasaktan rin ako at iniwan, pero nung bumalik sya di ako nag dalawang isip na tanggapin sya." Nang dahil dun gulat akong napatingin sa kanya. Hindi ko alam na may ganung nangyari sa kanila.

"Nagawa ni dad sayo yon? At ganun lang sayo kadaling tanggapin sya?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Hindi naman ganun kadali anak pero binigyan ko sya ng second chance ganun kasi talaga minsan darating sa tao yung parang malilito sila, magkakasala at masasaktan ka ng sobra. Pero isa lang naman ang dahilan kung bat ko sya tinaggap. Dahil mahal ko ang dad mo angel, maraming reason noon kung bat di ko na sya dapat binigyan ng chance pero dahil sa isang rason na yon nakaya ko syang patawarin. Kaya tignan mo naman tayo ngayon diba? Masaya naman kami may dalawa pa kaming mabubuting anak."

"Nahihirapan ako mom. Parang kahit na gano karaming payo ang sabihin sakin ng mga tao para di matanggap ng utak ko."

"If you've fallen in love expect the fears, the pain and the unexpected cause love is not made to make life perfect but it helps life to be more worth living when it seems to be not. Sa ngayon siguro nahihirapan kang tanggapin tapos susunod ang what if's hay anak marami ka pang mararanasan sa buhay para isarado mo agad ang utak at puso mo."

"Lalo ata akong humanga sayo mom pano mo nalagpasan yon? Hindi ko alam na marami karin palang pinag daanan kay dad akala ko kayo yong one great love. Di pala." Di ko na namalayan na naka ilang baso na ako ng iniinom namin ni mommy kaya kinaumagahan diko na maalala kung pano ako napunta sa bed ko siguro nagpatulong si mom. Nagising akong sumasakit ang ulo na parang nadaganan ng kung ano mang mabigat na bagay.

-Sa almusal-

"Morning dad."

"Does your head hurts?"

"Yes dad like hell."

"Pasaway talaga yang mommy mo nakipag one on one pa sayo." Pailing iling nitong sabi.

"Oh nandyn ka na pala angel here para sa sakit ng ulo mo." Nakangiti nitong sabi sabay abot sakin ng gamot at tubig.

"Thanks mom."

Natapos ang almusal, pumunta ako sa garden para mag pahangin. Ilang minuto lang ang lumipas sumunod si dad at may dala dala pa itong libro.

"How are you angel?"

"Di mo alam dad kung ilang tao na ang nagtanong sakin nyan at sana iba na ang maisasagot ko sa inyo pero ganun parin dad masakit parin."

"Hindi ako magaling magpayo pag dating sa love anak dahil ako mismo nagkamali. Just rememer that if love becomes painful its time to let go and save yourself but, if love is true pain is never a reason to let go." sabi ni dad.

"I'll keep that in mind."

"Tabi ka nga sakin payakap naman sa angel ko! Nagka love life ka lang di ka na sweet sakin. Naseselos na ako ha." Lumapit naman agad ako at yumakap.

"Dad naman."

"Alam mo ba na may sinabi sakin dati ang mommy mo nung tinanong ko sya minsan kung pano nya naisip na bigyan ako ng isa pang chance."

"Ano sabi nya?"

"We love ourselves even after doing many mistakes then how can we hate others for their mistake?"

"Hmm true. Ang dami pala talagang alam ni mom."

"Yes... That's why I love her so much. Why dont you talk to him anak? Kagabi pa sya nasa labas at nag aabang." Nagulat naman ako nandito si seb?

"Im not ready yet dad."

"Then tell him... Kahit nasaktan ka nya maawa ka naman dun sa tao baka magkasakit ikaw din."

NOT your FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon