Bonding

2.4K 50 0
                                    

seb's pov

3am na ng mapack up kami. Nagpaalam agad ako at dumiretso sa condo nila angel.

Kahit anong oras pwede na ako pumasok dito dahil binigyan ako ni angel ng susi.

Pag pasok ko ng kwarto nya bumungad sakin ang natutulog na si angel, lumapit ako at naupo sa kama nya, inalis ang sapatos ko at tumabi sa kanya.

Napangiti nalang ako ng nakita ko ang mukha nitong payapang natutulog. Hinaplos ko ang mukha nya, at gamit ang hintuturo ko pinadaanan ang mata nyang nakapikit, ang matangos nyang ilong, at ang mapula nyang labi.

"I missed you so damn much angel." Mahinang sabi ko.

I've been really busy wala manlang akong maibigay na oras sa kanya, kaya minsan naiisip ko kung bat naging sobrang swerte ko sa babaeng ito bat nya ako pinagtyatyagaan ng ganito. Hindi manlang ako nakarinig ng reklamo sa kanya, puro pag iintindi lang ang ginawa nito pag dating sa trabaho ko. Kaya naman lalo akong napamahal sa babaeng ito. Alam ko na nalulungkot sya dahil sa ilang promise ko na di ko natupad pero di din sya nagalit.

"I love you, angel." Inilapit ko ang mukha ko at binigyan sya ng halik sa labi. Naramdaman ko itong gumalaw at dahan-dahan nyang iminulat ang mata.

"Seb?" Mahinang sabi nito.

"Yes it's me babe."nakangiting sabi ko.

"Bat ka nandito?"

"Gusto ko e... Sige na go back to sleep."

"Pag gising ko ba nandito ka parin?"

"Yes... You'll see me when you wake up." Sumiksik sya at niyakap ako.

"Good night." Bulong ko.

--

8am gising na ako para ipaghanda sila ng almusal alam kong mamaya pa sila magigising dahil wala silang pasok.

Busy ako sa pagluluto ng bigla akong napatingin sa pinto ni angel dahil sa malakas na pagbukas ng pinto nito.

"Nandito ka?!" Parang di nakapaniwalang tanong nito, di manlang nakapag suklay. Natatawa nalang ako dahil sa itsura nya. Wala ng bago dun dahil di naman na coconcious si Angel sa itsura nya, confident sya sa kung ano man sya and that's one of the so many things why Im so in love with her.

"Oo, diba sabi ko naman sayo. Bat parang gulat na gulat ka?" Tinuon ko ulit ang atensyon ko sa niluluto ko.

"Akala ko kasi nananaginip lang ako kagabi." Agad itong yumakap sa likuran ko. Hay kung ganito ba naman ang umaga ko lagi akong good vibes, masayang masaya ako nung bumalik na ulit kami sa dati, nung sweet na ulit sya sakin. Nung una nga di pa ako makapaniwala kasi akala ko talaga wala na kahit anong gawin ko. Pero lahat pala talaga nadadaan sa tyaga.

"Silly, siguro gabi-gabi mo akong napapanaginipan. Teka bumitaw ka muna para matapos na ako dito." Humakbang ako para umabot ng pinggan.

"Ayokooooo... Dito lang ako! Baka bigla kang mawala!" Hinarap ko sya at mabilis na hinalikan sa labi.

"Ayan! Patunay na gising ka na at di ako panaginip kaya di ako maglalaho, okay?"

"Good morning world!!! Ay jusko ang aga naman ng nakikita kong pag loloving loving nyo. Di naman ako na advice." Nakahawak pa ito sa dib-dib nya at napapikit.

"Good morning Jen." Nakangiting bati ko sa kanya.

"Pwede ko na bang imulat ang mata ko? Di na ba rated SPG ang scene?"

"Gaga! Dumi mo talaga mag isip." Sabi ni angel.

"Asus! Nasa nakikita yan. Hahaha! Ang swerte naman natin bessy my super hotness tayong cook ngayong umaga. Kung ganyan ba naman araw araw gaganahan akong magising ng maaga." Naupo sya sa dining samantalang si angel e di umalis sa tabi ko.

NOT your FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon