Bad news

4.4K 134 2
                                    

Di rin nagtagal si Celine, namatay rin sya after a week. Joke! 1 week lang kasi ang nakuha nyang bakasyon kaya kailangan nya na ulit bumalik ng states. Kaya nandito kami ngayom ni Seb para ihatid sya sa airport. Pinapatahan ko sya kasi iyak sya ng iyak.

"Umayos ka nga Celine para kang tanga ano ba naman ang iniiyak iyak mo dyn!" Inis na singahl ni Seb sa kanya.

"Tse! Wag ka nga! Huhuhu Gel ha mag chat tayo lagi balitaan nyo ako ni Jen wag nyo ako kalimutan." umiiyak nyang sabi.

"Oo naman, tumahan ka na pano ka namin makakalimutan. Eto nga pala ang regalo namin sayo ni Jen sorry daw di sya pwede ngayon duty kasi e."

"Ay! ang sweet nyo nakakatouch mamimiss ko kayong dalawa." niyakap nya ako ng mahigpit di na ako makahinga.

"Oh tama na yan, di na makahinga si Angel." pinaghiwalay nya kami.

"Bat ba nandito ka di ka naman kailangan dito!" Pagtataray ni Celine dito.

"Wala tong utang na loob pagkatapos kitang ihatid!"

"Hehehe halika nga dito pa hug rin mamimiss din kita syempre, ingatan mo si Gel ha."

"Di mo na kailangan sabihin."

Pagkatapos umalis ni Celine tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Ang awkward awkward naman dapat pinilit ko nalang sumama si Jen e. Ngayon nalang kasi kaming nakapag solo.

"Hoy babae." untag nito.

"Bakit?"

"Kanina pa kita tinatawag bat lutang ka ata."

"Hindi ha may iniisip lang ako".

"Ako ba yan?" Tanong nya.

"Wow fil-am ka pala."

"Anong fil-am?"

"Feeling na ambisyoso pa." akala ko maiinis or magagalit na naman sya kaya nung natawa lang sya laking gulat ko talaga. Kanina ko pa kasi iniisip na ngayong wala na si Celine balik na naman ang ugali nito sa dati.

"Puro ka kalokohan. Anyway, Let's have a serious talk... I really want to court you, wag mo muna ako hindian pag isipan mo muna pwede?" Ano daw? Court? As in ligaw? Nanlalake ang mata ko ng tignan ko sya.

"Liligawan mo ako? Hindi kaya naliligaw ka na ng landas dahil dyn sa naiisip mo?"

"Hindi kita pipilitin, pumunta ka nalang mamayang 6pm sa address na itetext ko sayo kung payag ka, kung di ka pumunta di na kita kukulitin pa tungkol dito." Seryosong sabi nya.

-----

Hindi parin ako makapag decide kaya kanina pa ako di mapakali dito sa condo.

"Jen!!! Ano bang gagawin ko? Di ko alam kung pupunta ba ako o hindi! Nakaka baliw naman!" napapasabunot sa buhok kong sabi.

"Pumunta ka na bessy! Ano pa bang inaarte arte mo type mo naman ang tao halikana aayusan na kita!" bago ako makatayo nakatanggap ako ng isang text galing kay kuya Gab. Ang kapatid ko.

Kuya Gab: Dad's in the hospital.

"Hoy bessy ano nangyari sayo at na statue ka na dyn?"

"Shit Jen kailangan ko umuwi samin na ospital daw si Dad" dali-dali akong pumunta sa kwarto at kumuha ng mga gamit.

"What?! Ano daw nangyari kay Tito wait sasama ako!"

"Wag na Jen may pasok ka pa bukas diba babalitaan nalang kita! Gotta go! Bye!"

------

PANGGASINAN

Nang makarating ako ng ospital hinanap ko agad ang kwarto ni Dad, nakita kong natutulog sya kaya si Kuya lang ang nadatnan ko.

"Kuya kamusta si Dad?" lumapit ako sa kanya at yumakap tapos deretso sa tabi ni Dad at hinalikan ito sa noo.

"Okay na sya stress lang sa work lagi kasing pagod."

"Mabuti naman. Asan si Mom?"

"Lumabas lang, ihanda mo na ang tenga mo pag nakita ka nun di ka titigilan nun. Kamusta ka?" Natatawang sabi nya. Pinagdadasal ko na wag muna dunating si Mom.

"I'm fine kuya. Maganda parin." di ata narinig ang dasal ko dahil bumukas ang pinto at nakita ko ang Nanay ko.

"Aba ang magaling kong anak akalain mong magpapakita ka pa pala pagkatapos mo akong suwayin tignan mo ang itsura mo bat nangayayat ka ata?! Sinasabi ko na nga ba di mo kakayanin yang pag mamatigas mo!" Tumayo ako at lumapit sa kanya sabay kiss sa pisngi nito.

"Hello din Mom namiss rin kita ang ganda mo parin at mukhang lalo kang bumata effective talaga ang pag yoyoga mo!" napahawak naman sya sa mukha nya.

"Ay sha nga? Marami nga ang nakakapansin kahit ang mga amiga ko sinasabi sakin yan. Teka dinadaan mo na naman ako sa pambobola mong bata ka! Ikaw talaga!" Pinalo palo ako nito.

"Aray masakit ha!Kuya help!" Reklamo ko, ang kuya ko tinatawanan lang kami.

"Andrea, wag mo namang bingubungangaan agad ang anak ko baka umalis agad." Napatigil si Mom sa pananakit sakin.

"DAD!!!" Lumapit agad ako at niyakap sya.

"Dad, bat naman kayo nagpagod ng bongga! Sabi naman sayo hayaan mo na si Kuya sa lahat! Ang tanda tanda na nyan dapat nga nag aasawa na yan!" Sabi ko habang nakayakap.

"Hoy! Sinong matanda ang sinasabi mo!" Sigaw ni kuya. Di ko sya pinansin.

"Wag ka mag alala Dad ako ang mag-aalaga sayo ako ang personal nurse nyo!" Nakangiting sabi ko.

"Ang sweet naman ng anak ko ang swerte ko talaga sayo!"

"Nagawa nyo pang mag moment dyn! Kayong dalawa ang dahilan nitong wrinkles ko! Kailan mo ba titigilan ang kalokohan mong yan Angelica!"

"Mom naman ilang beses ko ng sinabi sa inyong di kalokohan ang maging nurse! Marami akong matutulungan at maliligtas na tao! Bat di nalang si Kuya ang problemahin mo pag asawayin mo na yan!"

"Wag mo nga akong dinadamay dyn nananahimik ako dito." singit ni Kuya.

"Pare-pareho lang kayo! Bantayan mo yang Daddy mo may aasikasuhin lang ako." lumabas sya at sabay sabay kaming nagtawanan.

"Namiss ko kayo." sabi ko.

Di nag tagal kailangan ring umAlis ni Kuya dahil kailangan raw sya sa office.

"May problema ka ba anak? Bakit parang ang lungkot mo?" Hinawakan nya ang kamay ko.

"Wala naman Dad iniisip ko lang yung isang tao."

"Lalake ba to? Magseselos na ba ako dahil may iba ng lalake sa buhay mo bukod saming dalawa ng Kuya mo?"

"Dad naman e..." umiwas ako ng tingin.

"Bakit ka nga malungkot? Nag away ba kayo? Boyfriend mo na ba?"

"Hindi ko po boyfriend. May usapan po kasi kami dapat na pag sumipot ako papayag na akong manligaw sya."

"Pero hindi ka nakapunta dahil nandito ka kaya nalulungkot ka? Dapat ba pupunta ka?"

"Isa pa yun Dad ang totoo di ko po alam kung pupunta ba ako dun."

"Gusto mo ba sya?" Tanong nya.

"Ata.. Di ako sigurado." pagkikibit balikat ko.

"Hayaan mo malalaman mo rin ang sagot anak tignan mo nga naman dalaga na talaga ang anak ko."

NOT your FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon