Surprise

3.3K 104 0
                                    

Bukas one month na kami ni seb, wala pa akong nabibili na regalo para sa kanya tapos may pasok pa ako bukas at late na matatapos ang klase ko.

"Ano naman ang problema mo dyn bessy? Sinusulusyonan mo ba ang traffic sa edsa?" Nandito kami sa dining kumakain ng lunch.

"Gaga! Wala pa kasi akong nabibiling gift for seb. Ano bang dapat kong ibigay?"

"Hmmm dapat something personal. Aha! Diba you used to paint? Why not paint him then?"

"Sobrang tagal ko ng di nag papaint. Pwede ko subukan pero magugustuhan nya ba yon?"

"Oo naman bessy! Kahit ano namang ibigay mo for sure magugustuhan ni papa seb."

"Okay okay sabi mo e samahan mo nalang ako mamaya sa bookstore bumili ng gamit pang paint."

"Sureness!"

---

Pumunta agad kami sa mall after namin kumain wala kaming inaksayang oras. Pagbalik namin ng condo sinimulan ko na agad mag paint. Natapos ako ng 11pm ng gabi. Mukha lang ni seb ang pinaint ko pero hinati ko sa apat na part at bawat part ibat ibang kulay. Pinakita ko agad kay jen nung natapos ako.

"Jen, what do you think?!"

"Oh my ang ganda bessy ikaw na! Im sure sobrang magugustuhan ni seb yan!"

"I hope so!."

"I know so! gel ipaint mo nga din ako bet ko ang nude painting!" Nalukot ang mukha ko sa sinabi nya.

"Kadiri ka naman di ko kaya ang nude! Imoral!"

"Grabe ka naman makapag salita gel art kaya ang tawag dun! Sige na ireregalo ko kay gab."

"Mas lalong ayoko! Ang halay mo talaga dapat paliguan ka ng holy water e!"

"Para mo namang sinabi na makasalanan ang buong pagkatao ko!"

"True!"

--

Sa school.

Naghihintay ako ng next subject ko nagpapasukan palang ang ibang classmates ko galing ng break meron pa kaming 30 minutes, bumalik ako agad para makausap ang iba kong ka group sa duty. Napatingin ako sa may pinto dahil nakita ko si jen na kumakaway, ano problema nito? Pumasok sya at umupo sa tabi ko.

"Bat nandito ka?"

"Ah makiki sit in ako wala kasi kaming prof e!" Nakangiting wagas ito.

"Bat di ka nalang tumambay sa labas?"

"Ayoko ngayon sa labas e. Cr muna tayo bessy!" Pag aya nya.

"Bat di kana nag cr kanina?"

"Ehhhhh tinatamad ako! cr na tayo!" Tumayo ako at sinamahan sya. Nagtataka ako dahil ang tagal nya sa loob akala ko nga na flush na. Pag balik ko ng room wala na kahit na isang classmate namin.

"Asan sila? Wala din ba kaming prof?"

"Meron yan! Baka may binili lang sila!" Wow as in lahat sila sama sama? Hinila nya ako at pinilit paupo. Wala pang 1 minute ng isa-isang pumapasok ang classmates ko at di lang yon isa isa silang nag aabot ng red rose. Takang taka naman akong tumitingin kay jen dahil para syang kinikilig na ewan. Ang ikaw 51 na rose ang pinaka ikinagulat ko dahil si seb mismo ang nasa harap ko at inabot ang rose naka shades naman sya. Pagkatapos iabot sakin ang rose pumunta sya sa gitna.

"Thank you sa cooperation guys!" Sabi nya sa classmates ko tapos tumingin sakin.

"Babe, where do I start? Hmmm well both of us know that the first time we've met we dont like each other. No scratch that we hated each other but, at times went by I started liking you who wouldn't like you? Especially that smile? Because of you I now agree in the saying that... The more you hate the more you love. I can't promise that I wont hurt you but I'll try my best not too. Hindi ko na pahahabain to ang gusto ko lang naman talaga sabihin sayo ay mahal na mahal kita, happy monthsary babe" pagkatapos ng speech ni seb sabay-saby na naghiyawAn ang classmates ko.

NOT your FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon