That kind of day

2.2K 54 0
                                    

Pinapunta ako ni Barbie sa bahay nya, nandun na raw si Jen. Ang sabi nito mag girl bonding raw kami. Bonding? Kala mo tagal naming di nagkita e nung nakaraang linggo lang naman yun. Kung ano-ano nalang ang naiisip ng dalawang yun.

Nasa labas palang ako ng pinto ng bahay ni Barbie pero dinig na dinig ko na ang tawanan at tili ng dalawa. Pag pasok ko nakita ko silang nasa sala at nanonood ng Magic Mike. Kaya naman pala nagwawala ang mga ito pinagnanasaan sila Channing Tatum. Ang dami ring pagkain nasa mesa, may pasta, pizza, donut, shawarma, tacos at marami pang iba. May balak atang mag bigti ang dalawang to after.

"Hoy mga malalande! Yung boses nyo dinig mula dun sa kabilang kanto. Mahiya naman kayo." Pumwesto ako sa gitna nila pero wrong move dahil parang mga demonyo ang dalawang nagtinginan sabay pinagpapato ako ng unan.

Sarap makipagbiruan sa kanila(sarcastic). Yung tipong hahampasin ka nila ng unan tapos sila hahampasin mo ng upuan.

"Pag di kayo tumigil pagbubuhol

buhulin ko ang mga bituka nyo." Mabuti nalang at marunong matakot ang dalawang ito.

"Ito kasing baklang to ang pasimuno e. Inutusan nya ako kanina bago ka pa dumating!" Tinuro pa nya si Barbie na parang batang nagsusumbong.

"Paninirang puri na yan ha!" Depensa ni Barbie

"Bakit meron ka ba non?" Tanong ko sa kanya.

"Ouch. Ang hard mo naman teh di ako naka ilag."

Pinagpatuloy na ulit namin ang panonood. Kumuha ko ang isang box ng donut at kaming dalawa ang nagtuos. Busy na ako sa panonood habang ang dalawa maya-maya tumitili. Bigla ko naisip si Matthew, asan kaya yun? Hmm siguro may ka date yun or di kaya kasama nya yunh sinasabi nyang girlfriend.

"Ang sarap siguro pagmasdan naglalakad ang mahal mo na may kasamang iba. Habang umuulan ng Bato, Semento, Bakal, Yero, Bomba at Kutsilyo." Wala sa sariling sabi ko, madalas talaga akong wala sa sarili kaya madalas rin na kung ano-ano nasasabi ko. Natigilan ang dalawa. Sabay humagalpak sa tawa, Galak na galak?

"San mo naman nahugot yan teh? May pinagdadaanan ka? Di naman romance ang pinapanood natin." Tanong ni Barbie.

"Wala." Nanahimik na ulit ako. San nga ba galing yun?

"My gosh! Ang hot hot nila malapit na matunaw ang panty ko." Sabi bigla ni barbie na kulang nalang mag laway dahil sa mga abs nila Channing.

"Ew! Nagpapanty ka ba?" Sabi ni Jen. Natawa ako pero patuloy parin akong kumakain ng donut. Inabot ko ang tubig dahil nanunuyo na ang lalamunan ko kakakain.

"Minsan! Hahaha. Ang sarap nila teh! Ang laki ng katawan, ang laki rin siguro ng anez nila." May halong panggigigil na sabi ni Barbie.

"Sira wala yan sa laki, nasa performance yan." Sabat naman ni Jen. Sakto ang pag inom ko ng tubig dahil naibuga ko yun kay Barbie. Parang slow motion itong napatingin sakin, may mga bakas pa ng donut ang naibuga ko. Nag peace sign nalang ako. Si Jen tawa lang ng tawa, gumulong gulong pa nga sa sahig dahil sa nangyari.

"Yuck! Gel bat naman sa face ko pa napili mong mambuga?! My goodness!" Sabi nito at tumakbo sa kusina nya at nag hilamos. Hinintay ko sya makabalik bago sagutin ang tanong nya.

"Ang babastos nyo kasi!" Sabi ko sa kanya.

"Ay pa virgin?"

"Virgin pa talaga ako!" Si Jen ayun di parin makarecover.

"San banda?"

"Sa lahat!"

"Weh? Para namang di ka pa nakakakita ng ANO bessy, diba nagkakabit ka rin naman ng catheter?" Singit ni Jen nung napagod na syang magpagulong gulong.

NOT your FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon