Dont smile

4.6K 147 5
                                    

Meron ngayong photo shoot si Sebdemonyo kaya pag katapos ng klase ko dumiretso na agad ako sa location nya indoor naman kasi. Wala manlang talagang konsideresyaon, di manlang inisip na pagoda na ang lola nyo! Sagad sagaran na ang pang aalipin nya sakin.

Pumasok ako sa kwarto ni impakto kung san sya inaayusan.

"Ito na po ang kape nyo Master!" Nakasimangot at padabog kong nilagay ang kape nya sa table sa tapat nya. Tinignan naman nya ako mula ulo hanggang paa.

"Why are you in your uniform?" magkasalubong ang kilay nito.

"Galing po kasi ako sa school Master! Baka po kasi nakakalimutan nyo bukod sa alipin nyo ako estudynte rin ako." Tumawa naman ang make up artist nya.

"May nakakatawa ba Mama Lu?" tanong ko.

"Ay teh ang sungit? May dalaw ka ba? At bat wagas ka makasimangot? Tatanda ka agad nyan sayang ang ganda!" sabi ni Mama Lu.

"Sabi kasi ni Master Seb bawal daw ako ngumiti."

"Wag ka mag alala Mama Lu, wala namang masasayang wala naman kasing ganda yan." sagot ni Seb kaya lalo akong napasimangot.

"Kayo talagang dalawa ang cute nyo lagi pag magkasama."

"Ewwwww! Dont say bad words." sabi ko.

"Ikaw pa talaga ang nag ew nahiya naman ako sayo!" Sabi ni Seb na umiinom ng kape.

"Alam mo Gel diko alam bat ang sungit sayo nito ni
Seb mabait naman tong bata kahit sa iba." sabi ni Mama Lu habang busy sa pag aayos ng buhok ni Seb.

"Syempre mapag panggap kasi yan, sakin nya lang napapakita ang tunay nyang ugali. Hirap na hirap na kasi sya. Ako ang ginagawa nyang outlet ng pag papanggap nya." sabi ko at ngumisi.

Naupo ako sa isang mini chair. Sa wakas nakaupo rin! makakapag pahinga na ako.

"Loka loka kang bata ka dapat nga ngayon magkasundo na kayo kasi mas madalas kayong magkasama. Bagay pa naman kayong dalawa! Mas bet kita kysa sa mga nakakapartner nitong ni Seb."

"Yuckness overload naman ang mga pinag sasabi mo Mama Lu. Over my dead body! Baka mag snow muna dito sa pinas bago ako magka gusyo dyn!" Nagulat kami pareho ng biglang tumayo si Seb at humarap sakin na busangot ang mukha.

"Ikaw babae ka sumosobra na yang bunganga mo! Masama pala ha! Sige tumayo ka na dyn tapos dalhin mo yang mga damit na ipampapalit ko bilisan mo! Sumunod ka sakin!" Sigaw nya.

"Nangyari? Walk out ang drama ng Lolo mo?" Tanong ko kay Lu.

"Ikaw kasi e ginalit mo sinaktan mo ang damdamin kaya ayan tuloy! sumunod ka na dali!"

"Sabi ko sayo halimaw talaga yon! Bye Mama Lu" sabi ko sabay kuha ng mga damit.

-----

Antok na antok na ako habang pinapanood ang photo shoot nya. Gano pa ba karami ang kukuhaan sa kanya? Wala pa akong masyadong tulog dahil sa pagrereview para sa mga quiz. Bat ba ako nagkaron ng ganitong amo.

Sa kakapanood at antok nakatulog na pala ako. At isang malakas na sigaw at pag alog ang nagpagising sakin.

"Hoy babae!!! Gumising ka dyn!!! Ayos ka rin no habang ako nag tatrabaho ikaw natutulog lang dyn!" Kailangan ang harsh mang gising? Kaasar ha!

"Hoy ka rin!!!! Hindi ako bingi para sigawan mo!!!!" Sigaw ko rin sa kanya. Sabi nga nila mag biro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising na puyat at maraming iniisip.

"Sumasagot ka pa! Bilisan mo na dyn dalhin mo ang mga gamit ko sa sasakyan!" Di agad ako tumayo kaya bigla nya ako hinila.

"Kung maka hila to! Eto na naka tayo na!"

"Susunod ka rin pala ang bagal bagal mo!" Napatingin naman ako sa mga tao sa set nila lahat nakatingin samin. Kaya ngumiti ako at humingi ng pasensya sa kanila.

"Ah hehe pasensya na po kayo sa ingay namin ito po kasing amo ko nakakainit ng ulo." bigla naman lumapit ang photograper sa,in, I mean sakin at sinipat ang mukha ko.

"Alam mo... Maganda ka... Gusto mo..." Diko na narinig ang sinabi nya dahil kinaladkad na ako ni Seb. Naiwan tuloy yung mga gamit nya.

"Ano ka ba bat mo ako hinihila? Hobby mo ba yan? Naiwan tuloy ang gamit dun." reklamo ko ng bitawan ako nito.

"Forget it! Ipapakuha ko nalang sa iba. Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sayo! Diba sabi ko wag kang ngingiti! Isaksak mo dyn sa utak mo okay? Kung meron man! Pasok!" pabalya nya akong pinasok sa loob ng sasakyan nya. Sadista ang langyang to!

"San po tayo pupunta Master?" tanong ko after five minutes at nakalayo na kami, medyo kumalma na ako at natakot rin naman sa kanya kaya kailangan ko na ulit magpakabait.

"Iuuwi na kita!" bakas parin sa boses nito ang inis.

"Ano?! Bakit?"

"Anong bakit?" Sandali nya akong tinapunan ng tingin at binalik ulit sa daan.

"Bat mo ako iuuwi? Dun naba ako titira sayo?" Ako naman ang natulala this time. Imagination ko lang ba yun o nakita ko syang ngumiti?

"Tanga! Iuuwi na kita sa inyo." Sinapak sapak ko ang sarili ko.

"What are you doing to yourself?" Tanong nya.

"Wala, sobrang kulang na ata ako sa tulog kaya kung ano ano nakikita ko."

"What do you mean? Di ka ba natulog ng maaga?"

"Hindi e, nag review pa kasi ako." pag amin ko habang kumakamot sa ulo.

"Ngayon makakatulog ka na ng maaga, wag ka ngang mag pupuyat masyado." napangito ako.

"Naks! Master concerned?"

"Ambisyosa, nakakatakot lang baka lalo ka pang pumanget!" tinalikuran ko nalang sya. Ayokonh ma bad vibes ulit sa mga panglalait nya.

Pag ka hatid nya sakin walang pasabing bumaba ako agad ng sasakyan nya, pero tinawag nya ulit ako.

"Babae!" nilingon ko sya.

"Bakit? Ay pwede ba tawagin no ako sa pangalan ko! Gel okay?!" Parang di naman nya narinig ang sinabi ko. Nakatingin lang sya sa harapan nya.

"Pwede kang ngumiti." Ako ba ang kausap nya o may kausap syang di ko nakikita?

"Ano?! Ang gulo mo. Sabi mo di pwede?" nalilitong tanong ko sa kanya.

"Pwede kang ngumiti... Pag ako lang ang kasama mo." Pag kasabi nya nun bigla nya nalang pinaandar ng mabilis ang kotse nya. Samantalang ako nakatulala parin.

Nabingi na naman ata ako.

NOT your FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon