New boss

7.7K 175 3
                                    

Tumawag sakin kanina si Tita Kath pinapapunta nya ako sa office para sa trabahong kailangan ko. Pambihirang buhay to, di pa nga ako nakakagraduate trabaho na agad ang hanap ko. Ito kasing si Mama ang daming drama sa buhay buti nalang nung magka-usap kami at nagalit sya dahil ayokong sumunod sa kanya di nya ako masabunutan dahil basa pa ang nail polish nya. Haha swerte! Anyway... Si Tita Kath, Tita talaga sya ni Jen nakiki Tita lang din ako.

Oo nga pala, ako si Angelica De Castro, Gel lang ang tawag sakin ng mga tao dahil yun ang gusto ko. Ew kasi ang Angelica di naman bagay sakin. Nag ambisyon ata ang parents ko na mag ka anak sila ng angel kaso wala naman akong pakpak nung lumabas! Si Jen Dianne Mendoza, or Jen ang best friend ko. High school palang di na kami mapag hiwalay kaya tignan nyo naman mag kasama parin kami kahit nakakaasar na talaga minsan ang kalandian nya, umaapaw kasi lagpas pa sa Anggat dam.

Habang naghihintay ako dito sa office ni Tita Kath napasilip ako sa labas, may pinagkakaguluhan kasi ang mga tao, kaya lang wala naman akong makita kaya umupo nalang ulit ako. Bumukas naman ang pinto.

"Hi Angel nandito ka na pala!" Masiglang bati sakin ni Tita Kath.

"Tita naman eh... Gel lang po." nahihiyang sabi ko.

"Okay Gel na kung Gel, mas type ko pa naman ang Angel. Di bale... tigan nga kita. Naku ang ganda mo parin! Ang tagal nating di nagkita ha." sabi nya at umupo sa swivel chair nya.

"Kayo nga po Tita parang di manlang kayo tumatanda ano pong secret nyo? Para mashare ko rin kay Mama, masyado atang na sstress sakin." Natatawang sabi ko.

"Ang bolera mo talagang bata ka kaya gustong gusto kita. Kung nagka anak lang sana ako gusto ko tulad mo rin!"

"Wag na po Tita baka magaya ka lang kay Mama halos isumpa na nga po ako nun."

"Di lang siguro kayo nakakapag-usap ng maayos. Oh sya mapunta tayo na tunay na pakay mo dito. Okay lang ba sayo ang maging P.A.?"

"Oo naman po, kahit ano po yan ako pa ba ang choosy! Basta kayo ang nag bigay okay na okay."

"Edi maganda, mabait naman tong boss mo medyo maarte lang kaya walang nagtatagal, sana pagtiisan mo."

"Kakayanin ko yan Tita!"

"May pasok ka ba ngayon?!"

"Wala po."

"Okay sakto nandito sya ngayon ipapakilala na kita sa kanya. Let's go?" Sumunod ako sa kanya bumaba kami ng isang floor at pumasok sa isang kwarto. Nakita ko agad ang taong nakaupo sa swivel chair na naka taas pa ang paa sa table pero nakatalikod ito samin kaya di ko pa sya nakikita.

"Iho, nandito na ang bagong mong P.A. this is Gel."

"Tita Kath pwede po bang mamaya nalang?" sabi nito pero di parin humaharap.

"No, you need to meet her now may meeting ako sa davao at 2 days yun."

"Her? Mamaya isa na naman yan sa patay na patay sakin." Bakit parang ayaw ko na syang humarap? Ang yabang ha!

"I'm pretty sure she's not one of them."

"Alright!" Binaba nito ang paa at dahan-dahang humarap samin. Sabi ko na nga ba sana di nalang sya humarap!

"IKAW?/YOU?!" Sabay namin sigaw.

"Tita! Baka meron pang ibang tao kahit na sino! Wag lang yang impaktong yan!" May halong pagkasuklam na reklamo ko.

"Huh? Why? Do you know each other? Gel wala ng akong ibang maibibigay sayo. Madali lang naman ang trabaho mo sa kanya mabait si Seb." Takang tanong ni Tita, nakita ko namang ngumisi si Sebdemonyo.

"Iyan mabait? Yang pag mumukhang yan na parang kapamilya ang mga impakto?! San banda ang mabait?" Tinuturo ko pa si Seb, nawala naman ang ngisi nya at naging seryoso ang mukha.

"Bakit? Natatakot kang mag trabaho para sakin? Siguro natatakot ka kasi baka wala pang 1week isa ka na rin sa fans ko no?" maangas na tanong nya.

"Sinong nagsabi?! Di ako takot! Tita tuloy natin!"

"Okay bumalik tayo sa office ko para sa kontrata mo Gel" Ay? Wala ng tanong tanong si Tita? Ganun lang? Nauna na si Tita lumabas. Sumunod naman ako. Malapit na sana ako sa pinto ng humarang si Seb.

"So? Isa ka na sa mga malas na taong mag tatrabaho para sakin? Yon ang sabi mo diba? Tignan natin kung gano ka kamalas." nakangisi na naman tong hayop na to. Inapakan ko ang paa nya at madaling lumabas.

"Ouch! Fuck! Bwisit ka talagang babae ka! Humanda ka sakin." Sigaw nya. Whatever! As if matatakot nya ako.

---

Umuwi ako sa condo ni Jen na nanlulumo. Napasubo ako dun sa impaktong yon ha naisahan ako ughhhhhh! Padabog kong isinara ang pinto.

"Aba bessy dahan dahan naman sa pinto, kung makasara ka parang may personal na away kayo ng pinto ko!" Salubong sakin ni Jen.

"Lecheng buhay to makasalanan ba akong tao sa past life ko para malasin ng ganito?" Sabi ko sabay salampak sa sofa.

"Anyare sayo? Kamusta ang bago mong amo? Cute ba? Pogi? Yummy?" Sinamaan ko sya ng tingin. Diba ang landi talaga.

"WALANG HIYANG BUHAY TALAGA TO OHHHHHH!!!!!" Nagpapapadyak ako sa inis. Natigil ako ng hampasin ako nito sa ulo ng magazine.

"Ano to? Exorcist? Tatawag na ba ako ng pari para sayo? Nakakaloka ka!"

"Kasi naman Jen eh!!!! Sa lahat ng tao bakit sya pa?!!! Bakit?!!!!!" Napahilamos nalang ako sa mukha ko.

"Sino ba kasi?!"

"Si Sebdemonyo!"

"Ha? Sino yun?"

"Edi yung Seb na kinababaliwan mo!"

"WHAT?!! SEB AS IN SEBASTIAN MONTEVERDE?!!!!!!" Sigaw nya sakin at niyugyog pa ako.

"Yeah." walang ganang sagot ko.

"OMG!!!!! ANG SWERTE MO NAMAN BESSY!!!!! Kung ayaw mo ako nalang! Pag sisilbihan ko sya, ako pa ang kusang magpapaligo at magbibihis sa kanya, ang mag pupunas ng pawis nya, ang magluluto para sa kanya, bibigyan ko na rin sya ng anak kung gusto nya!" This time ako ang pumalo sa kanya ng magazine.

"Nawawala ka na naman sa sarili mo! Kung pwede lang basta basta umalis ginawa ko na. Kung pwede lang talaga."

"Ano bang iniemote mo dyn kung ako yun magpapasalamat na ako sa lahat ng santo e."

"Kung alam mo lang Jen..."

NOT your FanWhere stories live. Discover now