Ethan (part1)

2.1K 53 0
                                    

Nung bumalik kami galing sa pangasinan noon ang alam ko dapat makikilala namin ang kapatid ni celine pero nacancel ang pag uwi nya dahil na rin sa busy nga ito at biglaan naman ang pagpapabalik agad kay celine kaya the next day bumalik na agad sya sa states.

Tinawagan ako ni seb na lalabas daw kami mamaya, ipapakilala nya daw ako sa isa pa nyang best friend. Sa ibang private bar daw ito na pag mamay ari nila celine. Isama ko rin daw si jen kung gustong sumama para makilala rin ito.

Nagpaalam kaninang lunch si jen na mag dadate daw sila ni kuya kaya ang gga nahyper nanaman. Parang akala mo first time parin nila mag date.

Nang dumating ito kitang kita mo na agad kung gano sya kasaya sa date nila, ayaw kasi mawala ng ngiti sa mga labi nito.

"Kamusta naman ang paborito kong bestfriend?" Tanong ko sa kanya.

"Diba ako lang naman ang bestfriend mo?"

"Ay oo nga pala edi ibahin. Kamusta naman ang maganda kong bestfriend?"

"Ito naman si bessy masyadong honest! Alam na alam ko na kaya yan kahit di mo na sabihin." Kapal talaga di manlang nagkunwari.

"Nahiya naman ang word na humble sayo."

"Mahirap ikaila ang totoo no! What's up? Tuloy ba ang lakad natin?"

"Yeah sunduin daw tayo ng 9 ni seb." Nilipat lipat ko ang channel ng tv, wala manlang magandang mapanood. Tumabi sakin si jen at inabutan ako ng chips.

"Sa wakas makikilala na natin sa personal at kuya ni celine! Sinasabi ko sayo baka maglaway ka dun bessy." Inirapan ko nalang sya.

"Whatever. Kasama din pala natin si barbie, inaya ko na gusto raw kasi makilala ang boyfriend ko."

"Ah bessy, di ka ba nahihirapan? Alam mo na di mo pwede sabihin sa kahit na sino lang na boyfriend mo si seb, tapos ang alam ng lahat single sya. Okay lang talaga sayo yun?" Seryosong tanong nya sakin.

"Okay lang, I trust Seb kahit konti lang ang nakakaalam ang mahalaga mga importanteng tao ang mga yon. Wala naman masama dun para naman sa career nya to. Wala akong pake sa ibang mga tao."

"Wow bessy, nag mature ka na ha. I like that new side of yours." Nginitian ko lang sya.

--

Pagkasundo samin ni seb dumiretso na kami sa club na sinasabi nya, maganda nga ang club at marami na agad tao. Wala pa si barbie dahil malalate daw sya ng dating. Maya-maya nagtext sya na salubungin ko sya sa labas, ang arte magpapasundo pa akala mo kung sinong babae. Nakita ko itong kalalabas lang ng kotse nya at di na ako nagulat ng nakita ko ang itsura nito. OA sa iksi ang damit at body hugging pa. Suot na nito ang binili naming sapatos.

Pag pasok namin ng club dumiretso kami sa table na kung asan sila jen at seb. Natulala ito ng tuluyan na kaming makalapit sa table.

"Sya ang boyfriend ko." Nakatingin lang ako kay barbie na nakatulala parin kay seb. Si seb naman di alam kung matatawa ba sya sa reaction nito.

"Oh my goodness!!!!!!! Bakla si Sebastian ang boylet mo? Anong pinakain mo sa kanya at nagkagusto sayo?! Ginayuma mo ba? San ka bumili at bibili rin ako super effective teh!" Tuloy tuloy na sabi nya habang inuuga ako.

"Ang kapal mo di ko yan ginayuma, sya nga ata ang nanggayuma sakin"

Ay ikaw ang makapal dear sya pa talaga ang ang gagayuma sayo? Eh mukha palang nyan tama na para mahumaling ka sa kanya!

"Ewan! Seb, ito nga pala si brandon high school friend namin ni jen." Agad akong hinampas ni bakla.

"Gagang to! Ayan ka nanaman! Its barbie okay?! Hiyang hiya ang red lips ko sa pag tawag mo saking sa pangalang yon! Like ew!"

"Ah sorry, barbie pala seb."

"Hiiii sebastian!!!! Alam mo bang fan na fan mo ako? As in super fan! Pwedeng pa hug and kiss isa lang? Pero kung gusto mo ng marami okay lang din! Hihihi!"

"Gusto mong paikutin kita na parang electric fan?"

"Aw.. Ang brutal mo girl. Para nag bibiro lang naman. Pero pwede nating totohanin sebastian!" Sinakal ko nga.

"Gusto mo totohanin ko rin."

"Accckkkk!! Ang sakit ha! Gusto mong isumbong kita sa bantay bakla!"

"Gusto mong ma soco?"

"Ito naman masyadong seryoso sayong sayo na si sebastian, mahal ko pa ang buhay ko sayang ang sexy kong body to die this early age. "Tumayo naman si seb at nakipag kamay kay barbie na lalong ikinakilig nito.

"Hi barbie nice to meet you."nakangiting bati ni seb sa kanya.-

"Ihhhhhhhh!!! Girl hihimatayin ata ako saluhin mo ako ha!"

"Saluhin mo mukha mo! Ang landi mo."

Nagpaalam ako na mag c-cr muna ako, sumabay rin sakin si barbie.

NOT your FanWhere stories live. Discover now