Hold on

2.8K 87 0
                                    

Let's talk.

Yan ang text na natanggap ko galing kay seb, nakaramdam ako ng matinding kaba sa text nyang yan wala akong nagawa kundi ang makipag kita sa kanya. Pinuntahan ko sya sa bahay nya. Pag dating ko tahimik nya akong pinapasok at pinaupo sa sala.

"Anong pag uusapan natin seb?" Hindi ito makatingin sakin. Bumuntong hininga sya at saka nagsalita.

"Di ko na patatagalin pa to angel... Mag hiwalay na tayo." Natulala ako sa sinabi nya at parang biglang huminto ang mundo ko.

"nagbibiro ka ba seb? Ikaw talaga di nakakatawa ha!"

"Im serious angel." Mahinahong sabi nito.

"Bakit naman? Bakit biglang gusto mo ng makipag hiwalay sakin? May nagawa ba ako?"

"Wala. Naging mabuti kang girlfriend angel. Its just that... Ako ang may mali, akala ko noong nagkagusto ako sayo naka move on na ako kay france akala ko di ko na sya mahal. Nagkamali ako angel. Im so sorry." Hinawakan nito ang kamay ko at nilapit ito sa mukha nya.

"Hindi.. Baka nalilito ka lang seb diba ako ang mahal mo? Sinabi mo diba na mahal mo ako. Sabi mo di mo ako iiwan!" Naiiyak kong sabi.

"Im sorry angel kailangan na nating maghiwalay." Sabi nito na parang wala lang para sa kanya ang sinasabi.

"Ayoko! Siguro naguguluhan ka lang. Wag kang makipag hiwalay sakin okay lang kahit mag kita kayo. Hanggat di ka pa sure! Di kita pipigilan, di kita kukulitin, wala kang maririnig na kahit na ano sakin. Please seb wag mo ako iwan wag ganito." Pag mamakaawa ko sa kanya.

"Masasaktan ka lang."

"Nasasaktan narin naman ako ngayon may pinagkaiba ba yon? Hayaan mo na ako sa gusto ko. Kaya kung tiisin ang sakit. " Hinawakan nya ako sa mukha ko at inalis ang luha ko.

"Ngayon palang humihingi na ako ng patawad angel kung masasaktan kita ng sobra. Sigurado ka ba dito?"

"Oo seb! Sigurado ako."

Pagkatapos naming mag usap kailangan ko agad umalis dahil sa pupunta daw dun si france, bakit ganun? Para tuloy ako ang sabit sa relasyon nila. Tama ba ang ginawa ko? Habang wala ako sa sariling naglalakad sa mall may bigla akong nakabangga.

"Ay miss sorry okay lang ba? Teka gel?!" Napatingin ako sa nakabangga ko.

"Ikaw pala dave sorry ha" walang gana kong sabi.

"Wait, are you okay? Are you sick?" Nag aalalang sabi nito. Naiiyak nanaman ako.

"Okay lang ako una na ako."

"Hindi ka okay gel bat ka umiiyak? May nangyari ba? Come on kilala mo ako di kita tatantanan! Mag coffee muna tayo." Pumayag naman ako.

Pag dating namin ng coffee shop pinilit nya akong mag kwento, kaya kwinento ko kay dave lahat lahat.

"Are you sure about this gel? Kahit san mo tignan ikaw ang kawawa. Unfair to para sayo."

"Di ko sya kayang bitawan ng ganun lang dave iniisip ko palang nawawalan na ako ng gana sa buhay ko."

"Kung ano man ang mapag desisyonan mo nandito ako dadamayan kita. Tawagan mo ako agad pag kailangan mo ako. Wag ka mahiya kasi wala ka namang hiya." Natawa nalang ako sa sinabi nya.

"Thanks dave."

After nun umiwi na ako sa condo at syempre sino pa ba ang sasalubong sakin.

"Anong nangyari sayo gel? Bakit ganyan ang mata mo? Sino ang nagpa iyak sayo at gigilitan ko sa leeg! Mag salita ka! Sabihin mo!"

"Kumalma ka nga."

"Pano ako kakalma! Tignan mo nga itsura mo! Halika dun tayo sa sofa ikwento mo sakin lahat." Kwinento ko rin sa kanya ang nangyari.

"Nagawa ni seb yon? Ganun lang? Basta makikipag hiwalay nalang sya sayo na parang wala lang ang pinagsamahan nyo?sure ba syang mahal nya ang bruhang yon?nakakapikon ha pag yan nakita ko makakatikim ng flying kick sakin yan!" Gigil na sabi nito.

"You know what's sad about loving somebody? Its when you're not good enough because somebody else still occupies his mind and heart and you know you cant compete even a bit." Ang sakit sakit maisip na ganun nalang nya ako iwanan para sa babaeng yon para akong basura.

"Kung ganyan si seb dont you think it's time to let him go?pahihirapan mo lang ang sarili mo at sasaktan."

"I cant let him go jen parang ang dali lang sabihin ang hirap naman gawin, pero ang sakit sakit ng mga pinapakita at pinaparamdam nya sakin. Parang nawala na ang seb na nakilala ko." Naiiyak na sabi ko.

"There are time when goodbye is the best word to say bessy because goodbye may be hard to accept but it is harder to stay numb and pretend unaffected by coldness."

"You wanna know what's really hard jen? It's when you want to ask one simple question but, you are so scared of the funkin answer!" Gusto kong itanong kung totoong minahal manlang ba nya ako pero diko magawang itanong.

"Its wrong to keep on expecting bessy, especially if the situation tells you that things aren't just meant for you." Bakit tama lahat ang sinasabi ni jen, pinapaniwala ko lang ang sarili ko sa malabo na.

"Pucha! Ang sakit talaga jen pahingi nga ng valium, haloperidol or flurazepam itodo mo na sa morphine mawala lang tong sakit na nararamdaman ko."

"Gaga! Drugs agad ang sagot? Pwede namang alcohol muna? Hindi ka mamamatay sa ganitong klaseng sakit gel. Isang araw pag tatawanan mo nalang to." Niyakap nya ako.

"Bakit kasi ako iiwanan? Mas maganda naman ako sa babaeng yon diba? Itsura nun matangkad lang naman ng konti sakin."

"Sige okay lang maging bitter ngayon teh diba nga ang ibang gamot mapait pero nakakapag pa galing?"

Pano ko to kakayanin?yan ang tanong ko sa sarili ko.

NOT your FanWhere stories live. Discover now