Epilogue

1.2K 41 6
                                    

Isang buwan na ang nakakalipas simula ng mangyari ang insidente sa pagitan nila Trisha at William. Wala na ang dean dahil nanglaban ito sa mga police kaya napilitan silang patayin ito.

Ngayon ay nasa sementeryo si Trisha at naluluhang hinahawakan ang pangalan ng lalaking mahal niya. It's been years pero parang kahapon lang nangyari.

"I miss you so much," sambit nito at tuluyang tumulo ang luha niya na kanina pa niyang pinipigilan.

"Sana bumalik ka na papa miss na miss ka na namin nila mama. Mas lalo na ngayong araw sana andito ka dahil birthday ko eh, sana kasama kitang hihipan ang kandila sa aking cake." Bumuntong hininga siya at tumayo na. 

"Babalik ako bukas papa, kailangan ko lang pumunta sa bahay at hinihintay ako ni Jarell." Pagharap nito ay agad siyang napahawak sa kaniyang dibdib, kumabog ng mabilis ang kaniyang dibdib dahil sa gulat.

"Ba't ka ba nanggugulat?!" naiinis nitong tanong, natatawa naman ang lalaki saka niyakap si Trisha.

"Sabi ko hintayin mo na lang ako sa bahay."

"Namiss agad kita eh kaya pumunta na ako rito, at mayamaya rin andito na ang mama at ate mo." Ngumiti naman si Trisha at niyakap ng mahigpit ang lalaking mahal niya, ang lalaking nagligtas sa kanya 1 month ago.

Hindi niya akalaing mamahalin niya ng todo ang dating lalaking inaasar niya lang at hindi niya makasundo pero ngayon halos lumabas ang puso niya tuwing kasama niya ito, sino bang mag-aakalang siya ang mamahalin ni Trisha?

"Happy Birthday, Trisha," bulong nito, napangiti naman ang babae saka sumubsob sa dibdib ng lalaki.

"Salamat Jarell, you're the best gift for me simula ng dumating ka sa buhay ko, salamat sa lahat Jarell." Bahagyang bumasa ang gilid ng mga mata ng babae kaya umiwas siya ng tingin pero hinawakan ni Jarell ang kanyang baba saka ito pinaharap sa kanya.

"You're welcome my Trisha."

"Oh, oh, ano 'yang kalandian na 'yan?!"

"Oh oh anong kabitteran 'yan? Hahaha." Pang-aasar naman ni Jarell, lagi silang ganiyan tuwing magkikita ang magpinsan na ito.

"Whatever, insan." Sabay irap ni Crizell.

"Happy Birthday bestfriend!" Niyakap niya ng mahigpit si Trisha at yumakap din naman ito.

"Oy huwag mong durugin 'yang babaeng 'yan." Sinamaan ng tingin ni Crizell si Jarell.

"Anong gusto mo ikaw lang yumayakap sa kanya? No way!" Nagsimula ng mag-asaran ang magpinsan kaya natawa na lamang si Trisha.

"Oo akin 'yan eh, akin lang. Palibhasa wala kang boyfriend kaya ka ganyan." Binatukan naman siya ni Crizell saka ito dumila.

"Oh tama na yan!" Pagsasaway ni Trisha sa magpinsan.

"'Yan kasing boyfriend mo masyado—" Agad sumingit si Jarell kaya naputol ang sasabihin ni Crizell.

"Masyadong gwapo." Sabay ngiti nito.

"Ang hangin." Pang-aasar ni Trisha, tumawa naman si Crizell
'yong tawang nang-aasar.

"Namiss ko na ang Montville Academy," wala sa sariling sambit ni Trisha, isang buwan din kasi itong sarado dahil sa nangyari ngunit bukas ay balik eskwela na naman sila.

"Me too."

"Me three."

"Hahaha!"

**********

So 'yon nga guys, dito na nagtatapos ng kwento ng buhay ni Trisha at Jarell. I hope nagustuhan niyo ang kwento. Iloveyou mga readers.

Ps. May book 2 pa mga siz! HAHAHA

 May book 2 pa mga siz! HAHAHA

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

•••••

Hiii! May bago akong mystery story, ang title niya ay Our Downfall. Sana ay basahin niyooooo❤. Shalamat, mga cakes!

Montville Academy (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя