24

685 35 0
                                    

Trisha's POV

Napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin. Mabuti naman walang nangyari sa kanila, dahil kung meron hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"Ayos lang kayo?" Tumango naman sila pero hindi maalis ang tingin ni Crizell sa lalaking wala ng buhay.

"Kung hindi ko ginawa baka ako 'yan," nakayuko kong sambit.

"Alam ko," nakangiti niyang sabi. 

"Pasensya, nalate ako." Nangunot agad ang aking noo at tinignan kung sino 'yon. MILES?

"Huh?" nagtataka kong tanong. Lumingon naman ito kay Jarell na ngayon ay nakatingin lang din sa kanya.

"Pinapunta ako dito ni Jarel"

"Jarell, ba't mo pa siya pinapunta paano kung mapahamak siya?" naiinis kong tanong. Nagkibit balikat lang ang loko.

Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng tatlong palakpak. Sabi na eh, andito lang siya.

"Oh, ba't ka pa bumalik? nakaalis ka na nga bumalik ka pa," nakangising tanong ni Jarell pero mas lalo ring ngumisi si William.

"Clinton, Clinton, magkapatid talaga kayo ni Aiden." Agad akong napalingon kay Jarell dahil biglang sumama ang timpla ng mukha nito. Galit na galit.

"Anong ginawa ng kapatid ko sayo?!"

"Wala naman napagdiskitahan ko lang masyado kasing maraming nalalaman ayan napatay ko tuloy, gano'n din 'yong ibang students akalaing mong malaman nilang drug lord ako haha." Susugod sana si Jarell pero agad ako siyang pinigilan.

"Huwag ka ngang sumugod. alam mong mahirap lumapit sa kalaban lalo na kung demonyo ito."

"Matalino ka rin kagaya ng mama mo." Sila mama asan nga pala? 

"Si mama at ate asan?!" Sumenyas siya ng 'wait lang'  tapos may bigla nagsilabasang mga sanggano. Kung ako papipiliin may okay 'yong una naming nakalaban keysa ngayon. At ang pinakahuli ay may hila hilang babae. Ate ko. Si ate.

"Ate!" naluluha kong sigaw. Tumingin naman ito sa akin at nginitian ako kahit alam kong nahihirapan na siya. Mayamaya lang ay nakita ko na si mama hawak-hawak ng isang lalaki. Mama.

"Trisha," she mouthed. Kitang kita ko sa kanyang mata ang pananabik. Pananabik na mayakap ako at mahagkan. Ako rin gustong gusto ko na silang mayakap. Basta namalayan ko na lang tatakbo na sana ako palapit sa kanila pero may kamay na humawak sa aking braso. Si Jarell.

"Pupuntahan ko sila!" naiiyak kong sigaw, umiling lang siya sa 'kin at niyakap ako. Nagpupumiglas ako pero ayaw niya akong bitawan. Nang maging okay na ako ay binitawan na niya ako.

"Ang drama naman sabing huwag mag-alala magkikita-kita kayo sa langit." Sabay cross-arms nito. Kating kati na ang kamao ko na sapakin ang bakla nato slash drug lord pa.

"Huwag mo ng idamay ang dalawang anak ko rito ako na lang. Sa 'kin ka naman may galit 'di ba?!" sigaw ni mama.

"Oo, sa 'yo ako galit. Kaso ano ako tanga. Edi kung pinatakas ko itong mga batang ito edi magsusumbong 'yan sa mga pulis at mahuhuli ako, don't me," maarte niyang sambit sabay irap. Bulagin ko 'to eh!

"Nga pala congrats sa inyo natalo niyo ang mga wala kong kwentang bata. Huwag mag-alala meron pa," sarcastic niyang sabi habang pumapalakpak. Timang na siya.

Pumalakpak siya ng lima at may lumabas na pagkadami-daming sanggano. Ang dami, kaya ba namin 'yan.

"Pakiusap huwag mo na silang idamay,"umiiyak na pakiusap ni mama. Ayokong nakikitang nakikiusap si mama sa demonyo. Ayoko.

"Ma, huwag kang makiusap sa demonyo!"

"Anak ko, Trisha.".Muli na naman akong naluha hindi ko akalaing nagalit ako sa kaniya at halos isumpa ko na silang dalawa. 

"William, ano bang nangyari sa 'yo?" tanong ni mrs. Joyce.

"Joyce, malay ko hahaha!"

"Magkakaibigan naman tayo 'di ba? Bakit ka nagkaganiyan?" Usapang magkakaibigan na ito labas na muna kami.

"Jarell, tumawag na ako sa mga pulis kaso ayaw nilang maniwala," rinig kong bulong ni Miles kay Jarell kaya napalingon ako rito.

"Ba't ayaw nilang maniwala?" Impossible.

"Tawagan mo kaya tito mo," suggest ko kaya agad naman niyang tinawagan ang tito niya. Ilang tawag pa ay may kausap na ito.

"Dalian niyo po."
"Salamat."
"Opo, opo."
"Sige po."

"Naks, ang bait naman ni mr.? Hahaha."

"Ano?"

"Papunta na sila." Nakahinga naman ako nang maluwag.

"Kayo magkakaibigan pero ako hindi niyo na kaibigan simula ng malamang niyong bakla ako!"n Naagaw na naman ng atensyon ko ang sagutan ng tatlo, nababakas ang sakit at lungkot sa mga mata ng dean.

"Hindi! Iyan lang ang akala mo."

"Hindi ako bobo!" sigaw niya saka siya pumikit. Pagkamulat nito ay wala ka ng mababasang emosyon, wala na ang sakit at lungkot na nababakas kanina.

"Sabi ko sa sarili ko maghihiganti ako at ngayon ang araw na iyon." Agad kaming naalarma ng biglang magsisugudan ang mga kalaban.

*****
VOTE and COMMENT!❤











Montville Academy (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora