22

708 34 0
                                    

Trisha's POV

"Sabi ko nga 'di ba maghihiganti ako, natatandaan mo ba ang dahilan kaya nawala ang aking Roy, ang iyong ama?" tanong niya sa 'kin kaya tumango ako.

"Dahil kay Jenny." Ayoko siyag tawagin ina, mommy or whatever na tumutukoy na siya ay aking ina. Simula ng nawala ang aking daddy wala na akong pakialam sakanila.

"'Yan ang akala mo, hahaha." Nangunot ang aking noo at nagtatakang tumingin sa baklang 'to.

"Ano bang sinasabi mo dyan?" Lumingon ako sa mga kasama ko na mga nakikinig lang samin at ang tama naman ng baril kay Jarell ay hindi na dumudugo. 

"Ang alam mo ay nawala ang iyong daddy dahil sa kalandiang ginawa ng iyong ina? Kaya ito nabundol ng truck? Tama ba?" Tumango ako.

"Pero ang totoo ay walang kasalanan si Jenny hahaha ang truck na bumundol sa iyong ama ay aking binayaran." Hindi agad pumasok sa aking utak ang kaniyang pinagsasabi. Totoo ba? Ang gulo.

"Plano ang lahat my dear Trisha, simula sa pakikipagkita ng iyong ina sa isang lalaki hanggang sa mabundol ang iyong ama ng truck." Agad kumuyom ang aking kamao. All this time sinisisi ko ang taong wala naman kasalanan. 

"Plano rin pala ang pag-iwan niya sayo. Dahil kung hindi niya gagawin ay papatayin kita." Napalunok ako at unti-unting uminit ang gilid ng aking mata. Mama.

"Ang sama mo!" Tumawa lang siya na parang demonyo. Ang sama niya. 

"Anong ginawa mo kila ate at mama?" Nagkibit balikat lang siya at tinalikuran ako pero agad ko siyang hinila sa buhok dahilan para humarap siya sa 'kin na nanlilisik ang mata. 

"ASAN SILA?!"

"Baka kasama na ng mahal kong si Roy." No, no, no, hindi!

"Hindi, totoo 'yan!" Nagkibit balikat ulit siya at tinalikuran na ako. Wala na akong nagawa ng maramdaman kong bumagsak na ang aking luha kaya napaupo na lang ako at umiyak na parang bata.

"Trisha," dinig kong bulong ni Crizell saka niya hinagod ang aking likod. Mama. Mama. Mama. Ang alam ko ay iniwan niya ako para sa kalandian niya pero ginawa niya pala ito para maiiwas ako sa kamatayan. Napakasama kong anak, wala akong kwenta.

"Napakasama ko. Ako na lang sana ang namatay para hindi na umalis sila mama sa bahay."

"Huwag kang mag-alala sabay-sabay kayong mamatay dito kasama 'yang mga magpinsan at itong mag-ina." Inayos ko ang aking sarili. Tumayo ako at lumapit sa kaniya.

"Huwag mong idadamay ang mga kaibigan ko! Fvck you!" sigaw ko. Halos maputol ang litid sa aking lalamunan.

"Oh, I'm scared." Arte niya. Nangangati ang aking palad. Gustong-gusto kong sampalin ang baklang ito! Iyong tipong dudugo ang pisnge niya.

"May papakita pala ako sa 'yo." Sabay pakita niya sa 'kin ng isang video kung saan ang makikita ay dilim lamang hanggang sa biglang lumiwanag. Naglakad ang may hawak ng phone at kitang kita ko na nasa isa itong lumang building. 

"Kamusta Jenny?" sabi sa video saka pinakita si mama. Si mama ba 'yan? Ang payat na niya at parang wala ng buhay kahit nahinga pa.

"Asan si Trissie?" tukoy nito sa aking kapatid. Asan nga ba si ate?

"Papunta na rito ang iyong anak, pagpasensyahan mo na kung mukhang pinagod ko ang anak mo." What the!

"Mama." Si ate. Pinakita naman sa video si ate na palapit kay mama. Ang payat ni ate at puro pasa. Punit punit din ang damit. Mama. Ate.

"Alam mo sawa na ako diyan sa panganay mo, siguro magpaalam kaya ako kay amo na iyong bunso mo naman." Agad na sumama ang mukha nila mama at akmang susugod si mama pero may putok ng baril at tumama sa kanyang binti.

"Huwag na huwag mong pupuntahan ang kapatid ko dahil sisiguraduhin kong mapupunta ka sa impyerno!"

"Talaga?" Natapos na ang video.

"Walang hiya ka." Akma ko siyang sasampalin ng maunahan niya ako kaya agad akong napaupo at nalasahan ko kaagad ang dugo sa gilid ng aking labi. Pinilit naman lumapit sa 'kin ni Jarell para tulungan ako. Alam kong nahihirapan na siya pinipilit niya pa.

"William!" Sabay-sabay kaming napalingon sa sigaw na iyon.

*****
VOTE and COMMENT!❤

Montville Academy (COMPLETED)Where stories live. Discover now