9

827 59 18
                                    

Trisha's POV

Kung hindi ako pupunta siguradong maghihintay doon ang mokong kaya napagdesisyunan ko na lang na pumunta baka kasi may mahalaga kaming gagawin o kaya may sasabihin siya na dapat kaming dalawa lang ang nakaaalam. Argh ano kaya 'yon? Curious na curious na ako sa totoo lang kaya wala pang 6:30 andito na ako sa rooftop. Oh 'di ba ganito ako ka excited.

Bigla namang humangin ng malakas kaya nayakap ko ang aking sarili, ang lamig. Nakababagot sa totoo lang at may takot din akong nararamdaman dahil ako lang ang mag-isa rito. Tumayo ako saka sinilip ang baba.  Napatingin ako sa gate kung saan nakahandusay ang babae kanina na binalita sa TV. May gumugulo sa aking isip 'yon bang hindi sila nagkakasundo dahil ang kalahati kong utak ay sinasabing hindi 'yong killer ang pumatay sa babae at ang kalahati naman ay sinasabing ang killer ang pumatay sa babae. Anong paniniwalaan?

May nahagip ang aking mata sa baba kaya agad akong kinabahan, anong oras na ba? Tumingin ako sa aking wrist watch at agad nagpapadyak. Ba't 'di ko nasuot ang watch ko? Nakalimutan ko nakaiinis ngayon ko lang hindi naisuot 'yon, hindi pa naman ako sanay ng wala akong watch sa aking wrist. Huhulaan ko nalang ang oras, 6:00 ako umalis sa bahay at naglakad ako ng 15 minutes so 6:15 ako nakarating dito sa university at 30 minutes na akong naghihintay dito shit 6:45 na asan na siya? Asan na ba ang mokong na iyon?

"Kanina ka pa?"

"Ay butiki." Ba't ba hilig nila akong gulatin mabuti na lang wala akong sakit sa puso. Saka nga pala ba't 'di ko napansin na andito na siya? 

Ngumiti naman ito saka ako tinabahan habang naka-patong ang dalawang siko sa railings.

"Ba't ngayon ka lang? Bakit mo ba ako pinapunta rito?" nakakunot noo kong tanong.

"May sasabihin ako sa 'yo." Mya binunot siyang kung ano sa kaniyang bulsa, kaya napatitig ako roon.

"Ano 'yon?" Excited na medyo kinakabahan ang aking nararamdaman. May pinakita siya sa 'king picture ng babae. Awtomatikong tumaas ang isang kong kilay sino naman ang babae na 'yan. Don't tell me kaya niya ako pinapunta dito para lang tanungin kung nakita ko ba ang babaeng 'yan dahil matagal na niyang hinahanap. Excuse me mukha ba akong hanapan ng taong tatanga-tanga kaya nawawala. Tsk.

"Sino ito?" tanong ko.

"Siya 'yong babae na pinatay sa tapat ng gate ng university." Napaamang ang aking bibig saka nahihiyang yumuko mabuti na lang sa isip kolang sinabi ang mga harsh kong salita tungkol sa babae. Ang judgemental ko, taena.

"Kilala mo siya?"

"Dati kong kaklase nang elementary bago nangyari ang pagpatay sa kaniya nagkita kami sa isang mall, nagka-usap at umamin din siya sakin na may gusto siya sakin. Iba talaga kapag gwapo." Seryoso akong nakikinig tapos bigla niyang isasali ang kalokohan niya.

"Yabang," bulong ko.

"Ano yon?" umiling lang ako at sumenyas na ituloy niya ang sinasabi niya.

"Sabi ko gwapo ka sana bingi nga lang," muli kong bulong.

"Huh?" Tumawa lang ako at muling umiling. Ang bingi nito.

"Base sa autopsy ay 5:00 AM siya namatay kanina lang umaga."

"Pano mo nalaman?"

"Pulis ang tito ko at isa siya sa may hawak ng kaso ng kaklase ko." Tumango-tango na lang ako, ano bang alam ko sa autopsy autopsy na iyan?

"Anyway, ba't mo sa 'kin sinasabi to?"

"May kutob ako na ang killer ang pumatay sa kaniya." Parehas pala kami ng iniisip.

"Sabi mo dati mong kaklase nang elementary, kaya bakit naman siya papatayin ng killer eh hindi naman siya rito nag-aaral."

"'Yon nga, pero sabi ko nga kutob ko lang 'di ba?" Oo nga, sabi ko nga. Taena nito.

Ang gulo naman. Kung 'yong killer nga ang pumatay sa kaklase ni Jarell. Bakit niya ginawa 'yon? 

*****

VOTE and COMMENT! :>



Montville Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon