21

664 37 2
                                    

Trisha's POV

Pagmulat ko pa lang ay sakit nang aking ulo ang aking naramdaman kaya hinilot ko ito. Ano bang nangyari?

"Ang sakit, anong nangyari?" sabi ko pero di ko akalaing andito kami sa library at ang dean ay nakaupo sa isang silya at nakangising nakatingin sakin. Nakakikilabot.

"Trisha, mabuti naman nagising ka na." Niyakap niya ako at gano'n din naman ang ginawa ko. Humiwalay agad ako kay Crizell ng makita ko sila Xandra sa kabilang sulok, nakatali sa upuan si mrs. Joyce at puro pasa, si Xandra naman ay nakaupo sa tabi ng kaniyang nanay. Si Dean, siya 'yong killer!

"Ikaw ano ba ginawa ng mga estudyante sa 'yo?!" dahil sa pagsigaw ko ay nagulat ang mga kasama ko pero agad ding nakarecover. Ang dean naman ay tumayo at nakapamulsang naglakad papunta sa akin. Nang nasa harapan ko na siya ay tumayo ako at sinamaan siya ng tingin.

"Ano bang problema mo?!"

"Wala." Nakakainis, parang may makukuha akong sagot dahil sa sagot niyang WALA.

"Ba't mo ginagawa ito?"

"Nakailang tanong na ba kayo niyan?" Saka siya umarte na parang nagbibilang sa daliri.

"Sige, sige, sige alam mo ba kung sino ako?" tanong niya sa 'kin na nagpakunot ng aking noo.

"Huh?"

"Ako si Willian Morrow—"

"Wala kaming pakialam sa 'yo at sa pangalan mo!" sigaw ni Jarell kaya agad siyang binaril nito sa binti. Ang bilis hindi agad ako nakapagreact. 

"Jarell," 'yan lang ang aking nasabi at hindi ko rin alam ang aking gagawin. Kinakabahan ako.

"Ayos lang ako," sabi niya sa 'kin sabay ngiti. Nakahinga naman ako ng maluwag, OA na kung OA ayoko lang ng may nasasaktan lalo na't malapit sa 'kin.

"Isa pang sagot, patay kayong lahat." Sabay tutok nito kay Crizell. Pero agad niya ring iniwas.

"Kilala ko ang iyong nanay at ang iyong tatay." Kilala niya ang babaeng y'yon at si papa? Sino ba siya?

"Naging magkakaibigan kaming apat." Napakunot ang aking noo.
Apat, sino ang isa?

"Ang isa ay si Joyce Allenor." Lumingon ito kay Mrs. Joyce na masama lang ang tingin sa kaniya. What the hell may mga koneksyon sila? Ba't 'di ko alam?

"Ito na makinig kayo! Si Joyce Allenor ay may gusto kay Roy ang iyong ama at si Jenny naman na iyong ina ay may gusto sa akin. Si Roy naman ay may gusto kay Jenny pero sabi ko nga sa 'kin siya mas gusto at alam niyo ba habang umaamin ang iyong ina sa akin na may gusto siya sa 'kin muntik na akong masuka," kwento niya habang ngingiti-ngiti. At ano masuka, bakit? Buntis ba siya sa mga oras na iyon?

"Alam niyo kung bakit? Ano ba akala ni Jenny papatol ako sa katulad niyang lalaki rin ang hanap." Nanglaki ang aking mata. Oh my, si dean BAKLA? Sakit naman sa ulo nito grabe.

"Oh ayan alam ko naman nahulaan niyo, yes, bakla ako," maarte niyang sabi. Nandiri akong tumingin dito hindi naman sa hate ko ang mga bakla etong isa lang na ito kakaiba. Tsk.

"Nangmalaman na nila ang aking tunay na kasarian ay kunti-kunting lumayo ang loob nila sa 'kin. Hanggang sa nalaman ko nalang na alis na ako sa pagkakaibigan naming apat, wala akong pakialam kung ayaw na nila sakin. Pero ang pagmamahal ko sa iyong ama ay hindi ko na maalis." Si papa mahal niya? Ba't hindi manlang nila sa 'kin sinabi 'to?!

"Pero ng malaman kong nagpakasal na ang iyong ina at iyong ama ay doon na ako nagalit. At pinangako ko sa aking sarili na gaganti ako!" galit nitong sigaw. Nakatatakot grabe.

*****
VOTE and COMMENT!❤

Montville Academy (COMPLETED)Where stories live. Discover now