10

846 55 25
                                    

Trisha's POV

Lunes na naman so alam may pasok na ulit. Ngayon andito na ako sa hallway naglalakad papunta sa room ko. Lumilipad ang isip ko dahil sa pinag-usapan namin ni Jarell noong sabado, kung 'yong killer ang pumatay sa babae, bakit? Bakit niya ginawa iyon? Juice ko naman hindi pa nga nasasagot ang isang bakit ko may bakit na namang sumunod.

"Ms. Moretz." Muntik akong mapatalon ng biglang sumulpot ang isang teacher sa aking harapan.

"Yes, mrs.?" Hindi siya sumagot at sumenyas lang na sumunod ako sa kaniya.

Tumigil kami sa tapat ng library pero hindi ito ang library na pinupuntahan ko dahil ito ay luma na at wala na talagang napasok na estudyante. Tumingin sa 'kin si mrs. at nginitian ako, biglang nagsitaasan ang aking balahibo dahil sa kaniyang ngiti para bang may nakakubli.

"Tara," aya niya pero nagdadalawang isip ako kung susunod ba ako. Pano kung may gawin siya sa akin, pano kung siya ang killer, pano kung kasabwat siya ng killer. Napapitlag ako ng bigla niya akong hawakan sa braso.

"Kahit ako ay natatakot na baka isang araw ako naman ang isunod ng killer," malungkot niyang wika habang nakatitig sa aking mga mata.

"Po?" naguguluhan kong tanong.

"Alam kong iniisip mo na baka ako ang killer, pero sa maniwala ka o sa hindi parehas lang tayong gustong makilala ang killer at mapatigil siya kaniyang ginagawa."

"Pasensya na po mahirap na kasing magtiwala lalo na't hindi mo alam kung sinong kalaban." Kahit kaibigan mo ay maaaring mag-traydor. Wala ng mabibigyan ng buong tiwala kundi ang iyong sarili.

"Alam ko pero sana maniwala ka sa 'kin, tara samahan mo ako at may ipapakita ako sa iyo." Nginitian niya ako at nauna ng maglakad wala naman din akong nagawa kung hindi ang sumunod.

Pagpasok ko pa lang ay agad na sumalubong sa 'kin ang kakaibang amoy. Dahil sa sobrabg luma ng library na ito at ang baho na. May mga sapot sa aking dinadaanan at patigil-tigil na rin ang ilaw mabuti na lang ay naliwanag sa labas kaya kahit papaano hindi madilim dito sa loob.

"Ms. Moretz ito tignan mo." Agad akong lumapit kay mrs. at tinignan ang kaniyang hawak na libro.

Kulay brown na ang mga pages at maalikabok pero nababasa pa din ang mga sulat.

"Lahat ng late lumabas ng university ay mamamatay," basa ko sa nakasulat sa libro. Napalunok ako at agad kinilabutan.

"Maari po kaya—"

"Oo, maaring ang killer ang sumulat niyan." Nilipat niya ulit ang pages.

"Aiden," muli kong basa. Pangalan ba 'yan? Oh baka palaman na Eden? Mahilig pala sa eden ang killer eh.

"Pangalan po ba 'yan?" nakakunot noo kong tanong tumango naman si mrs.

"Kilala mo po ba ang Aiden na ito?" Lumungkot ang kaniyang mukha at tinitigan ang pangalan na nakasulat sa libro.

"Bakit po?"

"Si Aiden ay napakabait na bata at maganda. Matalino rin siyang bata pero isang araw na lang nakita namin ang kaniyang bangkay sa tapat ng library na ito." Napalunok ako at napatingin sa paligid, nakatatakot.

"Alam niyo po ba kung sino o paano siya namatay?" Umiling siya at pinunasan ang nagbabadyang luha.

"Matagal na din nangyari 'yon."

"Ano po pa lang connect ni Aiden sa killer?" Naguguluhan ako. May dadagdag na namang bakit sa aking isip. Fvck, may bakit list na ako.

"Ang pamilya ni Aiden ay galit na galit sa university na ito dahil hanggang ngayon hindi pa rin nabibigyang hustisya ang pagkamatay ni Aiden."

"Ah, hindi ko po maunawaan," iiling iling kong sabi habang nakakunot ang noo. Ang pagong ng aking utak, ang bagal makapag-pick up.

"Namatay siya dahil late siyang pinauwi ng isa niyang teacher. May pinagawa kasi ang teacher na iyon kay Aiden at 'yon pala may balak na masama sa bata."

"Sino po ang teacher na iyon?" tanong ko.

"Ang dean." Napalunok ako. Kung 'yong dean ang dahilan kaya namatay si Aiden maaring ang killer ay isa sa kapamilya ni Aiden at balak nitong maghiganti. Pero bakit hindi pa rin nabibigyang hustisya?

"Kung ang dean ang huling kasama ni Aiden maaring siya ang dahilan kaya namatay ito."

"Ang dean talaga ang dahilan kaya namatay si Aiden." Ang gulo gulo mas magulo pa ito sa kwarto ko.

"Ba't hindi po ito hulihin ng mga pulis?"

"Masyadong malakas ang dean, kulang na kulang sa ebidensiya ang pamilya ni Aiden." Taena, anong ebidensiya ang gusto nila? Ano, gusto nilang magmulto si Aiden tapos sasabihin niya kung sino ang pumatay sa kaniya?

"Baka nga po ang killer ay isang kapamilya ni Aiden, ano po bang apelyido ni Aiden?"

"Clinton." Biglang nangunot ang aking noo, parang narinig ko na ang apelyidong iyon. Hindi ko lang maalala kung saan, kanino at kailan. Pero sure akong narinig ko na. Sh*t. Siya nga ba?

"Ma." Napalingon kaagad ako dahil sa tumawag. Xandra?

"Anong ginagawa niyo rito?" tanong niya sa amin.

"Sinabi ko sa kaniya ang aking nalalaman."

"Mag-ina kayo?" tanong ko kaya napangiti naman si mrs.

"Yeah, ako si Xandra Allenor and this is my mother Joyce Allenor." Napatitig ako sa kanilang mukha, ngayon ko lang napansin mag-kamukha sila.

Clinton. Clinton. Clinton, siya ba? Siya ba ang killer?

*****

VOTE and COMMENT!❤







Montville Academy (COMPLETED)Where stories live. Discover now