18

704 39 0
                                    

Trisha's POV

Kagaya ng dati sa tuwing may namamatay walang pakialam ang mga teacher basta sila magtuturo sa amin. Sa ngayon ay pababa kami at patungo sa field, P.E kasi namin ngayon. Tatakbo raw kami hanggang sa malagutan ng hininga. Yeah, parang gano'n na nga dahil tatlong ikot lang naman ang aming gagawin, hindi naman nakapapagod 'di ba?! 'Di ba?

Pinapila kami at pinagready. Unahan kasi ito, kung sino ang mahuli. 75 sa PE! Magaling eh! Sabihin niya lang kung gusto niya kaming malagutan nang hininga, uunahin na namin siya. Just kidding.

Lima kaming nakapila, lahat kami ay babae at mukhang kaya ko namang manalo, ngayon palang kasi parang hinihingal na sila eh. Haha very bad ayoko na ngang magyabang.

Pumito na ang aming teacher kaya nagsimula na kaming tumakbo, sari-saring cheer ng aming kaklase ang aking naririnig at ang ibang students din ay nanonood at nagche-cheer.

"Go Layla."
"Miya, dalian mo."
"Trisha, kaya mo 'yan"
"Alice unahan mo sila dalian mo wooooooo."
"Eudora faster!"

Napailing na lang ako, grabe sila. Binilisan ko pa ang aking takbo ng malaman kong nagiging pangatlo na ako syempre ayokong magka-75. Nakadalawang ikot na kami at isa na lang malalagutan na ako ng hininga grabe nakahihingal at nakapapagod. Kung titigil man ako ay sigurado na ang 75. Kaya ko ito.

"Yeah, ang galing mo Trisha," sari-saring bati ng aking mga kaklase, yup ako ang nauna. Bigla namang pumito ang teacher namin kaya nagulat ako, nakakabwesit talaga ito.

"Ano?! Pumila na ang kasunod, tutunganga na lang kayo?!" Agad namang nagsipila ang susunod na limang tatakbo. Ako naman ay habol-habol ang hininga, hindi ko pa naman dala ang tubig ko dahil agad-agad kaming pinababa ng gurang naming guro. Nakaiinis.

Bigla namang may water bottled na tumapat sa aking mukha at dahil nakayuko ako at nakapatong ang dalawang kamay sa tuhod hindi ko makita kung sino ang nag-aabot sakin. Inhale Exhale, saka ko tinignan ang nag-aabot sa 'kin ng tubig.

"Miles?" nakakunot noo kong tanong pero nagkibit balikat lang it. Anyway, kinuha ko na ang tubig at agad ininom, natapunan pa nga ako dahil para akong ngayon lang makakainom ng tubig. Inabutan niya ako ng panyo kaya nagtaka akong tumingin sa kaniya.

"Aanuhin ko 'yan?"

"Pamunas sa pawis mo." Saka siya naglakad paalis sa aking harapan. Nagpout na lang ako at nagkibit balikat. Pinunasan ko ang pawis ko sa aking mukha at leeg. Lalabhan ko na lang ito at saka ibabalik sa kaniya maliban na lang kung gusto niyang amuyin ang pawis ko. Hahaha.

Nang-matapos ang lahat ay pinabalik na kami sa aming classroom at alam niyo bang muntik akong mapamura sa pagmumukha ng gurang naming teacher ng sabihin niyang hindi naman daw totoo ang paglalagay niya ng 75 sa PE. Lahat daw kami pasado huli ka man o nauna. Arghh, tumakbo ako ng mabilis at pinilit mauna dahil ayokong magka 75 tapos hindi pala totoo. Ano lokohan?!

"Nakakainis talaga yung gurang na 'yon!"
"Ya nga!"

Oh 'di ba? Pare-parehas kaming naiinis sa gurang na iyon, pasalamat siya at gurang na siya kung hindi baka mas maging gurang pa siya!

Sandali lang akong nagbihis at bumalik ulit sa room dahil may isa pa kaming klase bago magbreaktime.

*****
VOTE and COMMENT!❤

Montville Academy (COMPLETED)Where stories live. Discover now