19

675 38 0
                                    

Trisha's POV

"Sakay na uy," aya ni Crizell sa 'kin. Ayokong sumakay sa kotse ng pinsan niya. Bakit? Dahil ewan ko, ayoko lang. Pinapapunta raw kasi ako nila tita sa bahay nila at ayoko namang pumunta dahil pagod na ako pero ito si Crizell kanina pa ako pinipilit.

"Huwag ka ng umarte, panget. Sumakay ka na, baka iwanan kita diyan," pahina nang pahina niyang sabi. Tsk, tsk, tsk parang natatakot akong maiwan dito. Sanay akong mag-isa baka nakalilimutan niyo.

"Trisha, dali na baka magalit sila tita." Napabuntong hininga na lang ako, kung hindi lang dahil kila tita naglakad na ako palabas ng university. In the end sumakay na ako at katabi ko si mr. sungit. Parang naalibadbaran ako tuwing makikita ko ang pagmumukha ng lalaking ito.

"Alam kong gwapo ako huwag mo naman akong tignan." Nangunot ang noo ko dahil sa sinambit ng lalaking to. Ano bang pinagsasabi niya dyan?

"Excuse me hindi kita tinitignan." Narinig ko ang mapang-asar na tawa ni Crizell.

"Ahh, tinititigan lang pala," nakangisi nitong sambit.

"In your dreams," mataray kong sabi.

"Ikaw." Dinig ko pero hindi ko alam kung saan 'yon galing. Baka nay bumulong lang sa akin na anghel.

"May sinabi ka ba?" Nakatakas ang isang kilay ko at masama ang tingin sa kanya. Tinaas naman niya ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko.

"Tsk." Lumingon na lang ako sa dinadaanan namin. May mga puno at mga ilaw. 

Nasa kalagitnaan kami ng byahe ng biglang tumunog ang phone ni Crizell kaya napalingon ako sa kaniya. 

"Ohh, bakit Xandra?" sagot nito. Si Xandra? Ba't naman tumawag 'yon?

"Hello," muling sambit ni Crizell, mukhang walang sumagot sa kabilang linya. Napalingon naman siya sa 'kin, nagtataka rin naman ako.

"Xandra?" Ngayon ay nilaksan na niya ang volume para marinig namin pero sadyang wala talagang nagsasalita.

"Uy bat ka ba tumawag?" ako naman ang nagsalita.

"Tulo—" hindi pa tapos ang sasabihin ay inend na ang call. What's happening? Iba ang pakiramdam ko mukhang may nangyaring masama kila Xandra.

"Do you think may nangyayaring masama?"

"Mukhang meron balikan kaya natin sila." Sasabihin ko pa lang sana kay Jarell ng bigla na siyang umikot pabalik sa daan papuntang university.

Muling may tumawag at ngayon ay sa phone ko naman. Agad ko itong sinagot dahil si Xandra ang tumawag.

"Tulungan niyo kami, Trisha," agad na bungad nito. Saka mukhang binubulong niya lang ang kanyang sinasabi. Killer!

"Asan kayo?"

"Andito sa library"

"Library?"

"TALAGANG MAKULIT KA—!" naputol na ang tawag. Ang laki ng boses! Katatakot.

Ilang minuto pa ay nakapasok na kami sa loob ng university. Bumaba na kami at agad sumalubong ang malamig na simoy ng hangin. Agad naman akong napayakap sa aking sarili. Ang lamig.

"Tara na sa library"yaya ni Jarell. Tumango naman ako at sumunod kaming dalawa ni Crizell.

"Mukhang may action na mangyayari, ah." At mukhang excited ka pa?

"Excited ka?" Ako nga kinakabahan eh.

"Of course sa wakas magagamit ko na ang galing ko sa pakikipaglaban." Saka siya nagstretch. Eveready. 

Kakaibang babae, excited sa labanan.

*****
VOTE and COMMENT!❤


Montville Academy (COMPLETED)Where stories live. Discover now