12

778 49 0
                                    

Trisha's POV

"Dalian mo naman."
"Oo na."
"Ohh please bilisan mo."

Kaliwa't kanan ang sigawan dito sa loob ng room syempre ano pa nga ba ang dahilan magse-seven o-clock na eh. Napatingin naman ako sa corridor nang mahagip ng mata ko si Miles, nakatingin ito sa akin at ang mas nakakikilabot pa ay ang ngiti niya. Dahil sa hindi ko kayang makipag-titigan ako na ang unang umiwas ng tingin. Ang weird at creepy ng lalaki na iyon.

Ilang minuto pa ay lumabas na rin ako ng room dahil may usapan kami ni Jarell at Crizell. Pupunta ako sa bahay nila dahil may titignan ako. Baka sakaling may malaman akong magiging daan para makilala namin ang taenang papansin na killer.

Bumaba na ako at mayamaya rin ay pababa na rin ang mag pinsan.

"Bestfriend!" sigaw ni Crizell, napaka energetic nitong babae na ito. Tapos 'yong pinsan naman niya parang walang energy. Tumango ako nang nasa harapan ko na sila.

"Tara na," excited niyang yaya saka niya ako hinila, nagpahatak na lang din ako. Nakasunod naman sa amin si Jarell.

"Insan, asan ba 'yong kotse mo rito." Sabay kamot niya sa kaniyang ulo, andito kasi kami sa parking lot. Bumuntong hininga naman si Jarell at naglakad palapit sa itim na kotse. Napanguso naman ako. Sana talaga may kotse rin ako at ang kulay din sana ay itim.

"Sakay na." Hinatak na naman ako ni Crizell at tinulak papasok sa passenger seat kaya muntik akong sumobsob kay Jarell. Sinamaan ko nang tingin si Crizell na ngayon ay tawa nang tawa.

"Siraulo ka talaga, Crizell," ani Jarell habang nakatingin sa side mirror.

"Tsk, mag drive kana," natatawang sambit ni Crizell.

Kagaya ng sinabi ni Crizell nagdrive na si Jarell kaya namayani sa aming tatlo ang nakabibinging katahimikan, tanging busina lang ng mga sasakyan ang nagbibigay ingay. Ilang minuto pa ay tumigil na ang sasakyan sa tapat ng malaking bahay este mansion at alam niyo ba ang nangyari sa akin pagkababa ko ng kotse, speechless ako. Wow ang ganda naman, may fountain at saka napakaliwanag parang hindi uso ang gabi rito sa mansion.

"Annyeonghaseyo." Agad na bungad ng isang babae sa amin at anong sabi niya? Hindi ko naintindihan eh. Napatingin naman sa 'kin 'yong babae saka ako nginitian.

"Good evening manang," bati ng dalawa kong kasama. Nakaiinis naman hindi ko maintindihan sinabi ni manang.

"Good evening po," nag-aalinlangan kong sabi. Bigla naman akong hinatak ni Crizell.

"Geunyeoneun yeppeuda (She's pretty)," dinig kong sabi ni manang pero hindi ko naman maintindihan kong ano 'yon.

"Nega olh-a(You're right)," sabi naman ni Jarell kaya natawa si manang. 

"Anong language 'yon?" tanong ko sa aking sarili.

"Korean, gajang chinhan chingu (Korean bestfriend)." Nakahihiya naman oh hindi ko maintindihan, para tuloy akong walang pinag-aralan.

"Where are we going?" tanong ko.

"O jeogi iss-eoyo." Nagulat naman ako ng may magsalita sa harapan namin. Tumingin naman ako at agad namangha, ang ganda naman niya.

"Tita, annyeonghaseyo." So eto ang mommy ni Jarell at Aiden. Kaya naman pala may pinagmanahan ang dalawa.

"Annyeonghaseyo, ba't 'di niyo sinabing may bisita pala tayo?" Saka niya ako hinala. Ano ba tong pamilya na ito lahat nablang ba sila hihilahin ako?

Dahil nakahihiya naman kung kakalasin ko ang pagkakahila niya nagpahatak na lang ako. Hanggang sa makarating kami sa dining kung saan may nakaupong lalaki sa pinakadulo. Ang strict ng mukha nakatatakot.

"Dad," pagtawag ni Jarell kaya agad na lumingon sa amin ito at ngumiti. Ay akala ko naman masungit may iniisip lang siguro kaya strikto ang mukha nito kanina.

"Geunyeoneun nuguya?" Huhuhu, ano raw? Lumapit naman ako kay Crizell at tinanong kung ano yung sinabi ng tito niya. 

"Sino ka daw," sabi nito. Bakit ba hindi nila sinabing korean ang lenggwahe nila? Edi sana hindi na ako pumunta.

"Schoolmate namin ni Crizell," sagot ni Jarell kaya mas lalong lumapad ang ngiti ng daddy niya.

"Good evening po," nanginginig kong sabi. Ba't pa kasi ako pumunta dito eh.

"Ileum-i meo eyo? (What's your name?)." Sa akin siya nakatingin kaya ako ang kinakausap niya. Oh my god, anong isasagot ko eh hindi ko naman naintindihan. Napalunok naman ako at napakagat sa aking labi.

"Dad, magtagalog ka na lang," sabi ni Jarell ng wala akong maisagot.

"Anong pangalan mo, iha?" 'Yon pala iyon akala ko kung ano na, grabe.

"Trisha Anne po." Ngumiti siya at tumango, sumenyas naman ito na umupo kami. Kaya gano'n ang ginawa namin.

"Kumain ka, iha." Tumango ako at kumuha ng makakain.

********************
VOTE and COMMENT!💙

Annyeong nangyari sa ating dalawa?

HAHAHA

Kung mali man po ang mga korean words na 'yan si google translate na lang po ang sisihin niyo. HAHAHAHA. Thanks. LOVEU.

Enjoyyyy! Sorry sa mga mali.

















Montville Academy (COMPLETED)Where stories live. Discover now