4

1K 77 48
                                    

Trisha's POV

"Ahhhh," tili ko dahil sa bagay na sumalubong sa akin. Agad na may humawak sa balikat ko kaya napalingon ako sa kan'ya, nanglalaki ang mata ko at ang bilis ng pintig ng puso.

"Mukhang target ka na rin ng killer." Hinarap niya ako sa kaniya at hinagod ang dalawa kong balikat, ang kaba ay ayaw mawala sa sistema ko. Muntik na ako, muntik na akong mamatay dahil sa kutsilong sumalubong sa akin. Nilingon ko ang kutsilyo na nakatarak sa pinto ng library at ngayon ko lang din napansin na ang mga estudyante kaninang nasa loob ng library ay nagsisilabasan na. Kinuha nang lalaki ang kutsilyo saka pinalo palo sa kaniyang palad.

"That damn curiousity of yours can kill you." Nilingon ko ang lalaki na nakatitig sa akin, tumingin ako sa kaniya habang nagtataka.

"Ang gusto ko lang malaman ay kung bakit ganito ang university na ito." Tumango-tango siya at nagcross-arms.

"Slow ka ba?" tanong niya na kina-amang ng labi ko, saka siya sinamaan ng tingin.

"Just answer–"

"Of course not." Tatango tango na naman siya at parang may iniisip.

"Slow ka, miss."

"Hindi nga eh."

"Slow ka dahil–"

"Sabing--"tinakpan niya ang bibig ko kaya pinalo ko ang kamay niya. Close ba kami para mang-ganyan siya. Tsk.

"Let me finish, slow ka dahil kung gusto mong malaman kung bakit ganito ang university edi parang inalam mo na rin kung sino ang killer." Bumuka ang bibig ko pero wala namang salita ng gustong lumabas.

"Ang gusto ko lang naman malaman ang history ng school na ito eh." Bwesit, ayoko talaga ng history pero dahil sa may kung anong nangyayari ay bigla akong nagkainteres.

"'Yon na nga eh, kaya wanted kana sa killer." Nangunot ang noo ko at tinitigan siya.

"So, maaari na akong mamatay dahil sa gusto ko lang malaman ang history?"

"Oo," maikli niyang sagot. Two letters lang pero sapat na para maghabulan ang pintig ng puso ko at mag-unahang magsitayo ang mga balahibo ko.

"Kung gano'n mag-iingat na lang ako at paninindigan ko ang paghahanap ko ng sagot sa mga tanong sa isip ko." Ngumiti siya at nagkibit balikat.

"Wait nga lang, may alam ka ba tungkol sa history ng school na ito?" tanong ko, umiling ito habang pinaglalaruan ang kutsilyo. 'Pag ako natamaan ng kutsilyong iyan, promise kakatayin ko ang lalaking ito.

"Parehas lang tayong naghahanap pa rin ng sagot."

"So–" Taena, lagi na lang ba niya puputulin ang gusto kong sabihin!?

"Oo, wanted na rin ako sa killer, lucky lang talaga ata ako kaya buhay pa rin ako hanggang ngayon." Tumaas ang isa kong kilay, nangangamoy nagmamayabang.

"Parehas pala tayong wanted na eh, edi ituloy na natin 'to."

"Ano pa nga ba? Konsensya ko pa kapag may nangyari sa'yo." Tumaas ang isa kong kilay.

"At bakit naman?"

"Wala, wala, wala." I'm not deaf, para ulit ulitin niya ang pagsasabi ng wala.

Naglakad na kami palayo sa library na parang mga pulis, nagmamasid at hindi mapakali, lingon diyan lingon d'on.

"May klase ka ba?" Nilingon ko siya saka ko tinignan ang wrist watch ko, 30 minutes na akong late at tinatamad na rin akong pumasok.

"Late na rin naman ako, tatambay na muna ako rito." Sabay turo ko sa bench. Naglakad ako palapit sa bench saka umupo sumunod din siya sa akin at tinabihan ako.

"Ikaw, wala ka bang klase?" Ako naman ang nagtanong.

"Tinatamad din ako." Nakatingin siya sa may puno, kaya tinitigan ko ang mukha niya, maputi, matangos, medyo mahaba ang pilikmata.

"Baka matunaw ako niyan." Agad kong iniwas ang paningin ko sa kaniya.

"Titig na titig ka sakin ha, alam ko namang gwapo ako." Ang kapal kapal kapal ng mukha naman nito. BUT GWAPO NAMAN TALAGA SIYA EH.

"Ilang libro nakain mo at ang kapal ng face mo, ha?" natatawa kong tanong.

"May pagkain bang libro?"

"Mukhang meron kasi ang kapal mo eh."

"So sa ilang segundo mong pagtitig sanakin nalaman mo kaagad ang kapal ng mukha ko, nice," nakangisi niyang sabi habang nakaharap sakin. Napakurap ako at umiwas ng tingin.

"Ano palang pangalan mo?" tanong niya.

"Ikaw muna?" Nakatingin ako sa puno na medyo malayo sa pwesto ng kinauupuan namin. Naramdaman ko naman na nakatingin siya sakin.

"Jarell Clinton." Tumango ako.

"Trisha Moretz." Parang tanga kong sabi habang may inaaninag sa puno, sobrang kunot ang noo ko at halos lumuwa na ang mata para lang maaninag ang gusto kong makita sa may puno na iyon.

"Babe." Agad akong napalingon ng marinig ko ang matinis na boses na iyon, nang-aakit.

"Lexi!?" naiinis na saad ni Jarell saka tumayo at naglakad palayo, sumunod naman 'yong Lexi sa kaniya pero sinamaan niya muna ako ng tingin. Kuhain ko kaya 'yang mata mo, tapos gawin kong candy. Ibebenta ko ng pakinabangan ko naman.

Tinignan ko kung paanong landiin ni Lexi si Jarell, habang inis naman itong binubulyawan ng lalaki.

--------------------

VOTE and COMMENT!❤








Montville Academy (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ