2

1.3K 99 56
                                    

Trisha's POV

'Pagkabell ay lumabas na ang mga teacher namin at dali-dali namang nagsitayuan at nagsi-ayusan ng gamit ang mga kaklase ko. Base sa kilos nila ay dapat bago magdilim ay makalabas na sila dito sa school, parang mga hangin sa bilis walang sinasayang na oras.

"Joy tara na dali"
"Oo eto na"
"Tara na dalian mo"
"Dali mag aala-syete na"
"Sh*t yah yah wait"

At parang bula na naubos lahat ng kaklase ko dito sa room, ako naman ay lumabas na rin ng room at lumingon lingon sa paligid halos lahat ng estudyante ay nasa baba na at nag-uunahang makalabas sa gate. Napailing na lang ako dahil sa mga inaasta ng mga tao. Nakababa na ako sa second floor ng makasalubong ko 'yong lalaki na nakasalubong ko rin kanina.

"Bat hindi ka pa umaalis dito?" nakangisi niyang tanong sa'kin, habang nakahawak sa libro na dala niya.

"Gusto kong magpahuli, ayokong makipagsiksikan sa mga students na naguunahang lumabas," nakangisi ko ring sagot sa kan'ya saka humakbang pababa naramdaman ko din naman na nakasunod siya sakin.

"Wala ka pa talagang alam," iiling- iling siya habang sinasabi 'yon kaya napaharap ako sakanya.

"May dapat ba akong malaman?" nakataas ang isang kilay na tanong ko sakanya.

"Malalaman mo rin, ingat ka." At nagpauna na siyang maglakad sa'kin, kagaya kanina medyo natulala ako, dahil sa bawat salitang nalabas sa kanyang bibig ay may malalim na ibigsabihin.

Umihip ng malakas na hangin at nakarinig ako ng tili ng isang babae pero agad ding tumigil, hinanap ko kung saan iyon galing pero wala naman akong makitang ibang tao, madilim na rin kasi at ala syete na. Dahil sa curious ako ay bumalik ako sa building namin dahil d'on ko narinig ang tili. Pero hindi pa ako nakakahakbang paakyat ay may humila na sa akin palayo.

"Hey, let me go!" Saka ko hinila ang wrist ko sa lalaking humila sa akin.

"Bat ba hindi ka pa umuuwi babae?" inis niyang tanong sa'kin.

"Dahil ayoko pa at may titignan ako doon." Sabay turo ko sa building namin.

"Umuwi ka na." Umiling ako at naglakad ulit pabalik sa building pero muli niya akong hinila pabalik.

"Hey, what's your problem ba?" inis kong tanong sakanya habang nakapamey-awangan.

"Umuwi ka nalang."

"Ayoko pa nga, and I don't know you baka masama kang tao." Saka ako bahagyang umatras na kinangisi naman niya.

"Hindi ako masamang tao pero kung ayaw mo pang umuwi makakakita ka ng masamang tao." Dahil sa sinabi niya ay nagsitaasan ang mga balahibo ko lalo na ang nasa batok ko, bumilis din ang tibok ng aking puso.

May narinig kaming kaluskos palapit samin base sa kaluskos na iyon ay may hawak itong kutsilyo at pinadudulas sa hawakan ng hagdan. Rinig na rinig ko ito dahil alam kong 'yong hagdanan ng building namin nanggagaling ang kaluskos na iyon.

"Sh*t," bulong ng lalaking nasa harap ko at hinila na ako palabas ng school. Nang makalabas kami sa gate ay hinila ko na ang wrist ko sa kan'ya.

"Kanina mo pa ako hinihila!" sigaw ko sa kan'ya kaya tinakpan niya ang bibig ko.

"Huwag ka ngang maingay, babae," bulong niya sa tainga ko, kaya medyo nakiliti ako. Muli kaming may narinig na kaluskos kaya bumulong sa'kin ang lalaki na huwag akong mag-iingay.

"Naaamoy ko kayo swerte niyo lang at nakalabas kaagad kayo!" sigaw ng lalaki na nasa gate lang at may hinahanap. Hindi ko maaninag dahil madilim pero alam kong lalaki dahil sa boses nito pero parang binabago niya ang boses niya para hindi siya makilala. 

Umalis na ang lalaki kaya pinalo ko na ang kamay ng lalaki sa aking bibig.

"Umuwi kana." Saka siya naglakad at iniwan ako, tamong lalaki 'yon hihilahin ako tas bigla akong iiwan, hays. Mga lalaki nga naman ang hilig mang-iwan!

Dahil sa walking distance lang naman ang bahay namin ay naglakad nalang ako. First day ko palang kung ano ano na kaagad ang nalaman ko pero kakaiba dahil hindi karunungan ang nalaman ko kundi kababalaghan.

--------------------

VOTE, COMMENT, FOLLOW

Montville Academy (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu