8

857 63 17
                                    

Trisha's POV

Isang linggo nang nakakalipas simula ng makaharap ko ang killer. I thought iyong araw na iyon ang aking katapusan pero hindi. Mabuti talaga't may tumulong sa akin. Thanks to Xandra. At ngayon walang pasok dahil sabado ako lang mag-isa dito sa bahay. Boring nga eh.

Binuksan ko ang TV at agad nakuha ng aking atensyon ang binabalita. Isang babae na patay sa tapat ng Montville Academy. Pero hindi teacher o estudyante ang babae dahil ang suot nitong uniporme ay parang pang-opisina

Possible bang 'yong killer ang pumatay sa babae na 'yan? Pero 'di ba sa loob lang siya gumagawa ng kaniyang kalokohan baka nagkataon lang na sa tapat lang talaga ng University nangyari ang pagpatay sa kaniya. Ang historical ng Montville Academy.

Biglang nagvibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha sa glass table sa aking tapat at agad na nangunot ang noo ko ng makita kong hindi nakaregister ang numero na tumatawag sa akin.

"Hello."

"Hi, bestfriend," masiglang wika nang nasa kabilang linya. Tumaas ang isa kong kilay at napatango ng dalawang ulit.

"Saan mo nakuha ang number ko, Crizell?"

"Sa I.D mo."p Pagkasabi niya non ay agad na may kumatok sa aking pintuan. Lumapit ako doon at pinagbuksan kung sino mang kumakatok.

"Crizell?"naguguluhang tanong ko. Nginitian niya naman ako at niyakap. Tinigil ko na ang tawag.

"Nasasakal ako, ano ba," naiirita kong sabi saka pinalo ang kaniyang braso. Kumalas naman ito sa akin kaya nakahinga ako ng maayos. 

"Nabalitan mo ba 'yong nangyari sa tapat ng university?"

"Yeah, kanina ko lang nalaman sa balita." Pumasok ito at dumiretso sa sofa para maupo, gano'n din naman ang aking ginawa.

"Ba;t ka ba andito?"

"May pinabibigay kasi si insan sa iyo." Nagtataka akong tinitigan siya habang may kinukuha sa kaniyang pouch bag. Gucci pa nga, yayamanin.

"Eto oh." Sabay bigay niya sa 'kin ng papel.

Ano naman kayang nakasulat dito?

"Sige, dumaan lang talaga ako dito para ibigay sa iyo 'yan." Tumango ako at sinamahan siya hanggang sa makasakay siya sa kaniyang kotse. Mabuti pa siya may kotse ako wala. Pumasok na ulit ako sa loob ng bahay at umupo sa sofa.

Ano bang nakasulat dito?

Pumunta ka sa rooftop ng university mamayang 6:30.

Ang laki ng papel tapos 'yan lang ang nakasulat, bakit hindi na lang niya pinasabi kay Crizell. Saka anong gagawin namin sa rooftop mamaya. Pupunta ba ako? 6:30 eh 30 minutes na lang nun ay killing time na. Sira ba siya? Bakit hindi na lang ngayong umaga? 

Bakit kailangan sa rooftop pa ng univeristy kung pwede naman sa isang coffee shop!

*****

VOTE and COMMENT! :>

Montville Academy (COMPLETED)Where stories live. Discover now