17

701 44 3
                                    

Trisha's POV

Isang buwan na ang nakakalipas. Pero 'di ko pa rin malimutan, hindi na ako ganoong katamlay at bumalik na ako sa dati sadyang nagbago lang ang tiwala ko sa ibang lalaki. Ayoko ng lumapit sa mga lalaki lalo't na't hindi ko naman kakilala.

Sa ngayon kasabay ko si Crizell papasok sa school, simula ng araw na muntik na akong mapahamak ay lagi ko ng kasabay si Crizell. How lucky I am na meron akong bestfriend na kagaya niya.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa 'kin. Tumango ako at ngumiti.

"Si Jarell ba't hindi pumasok kahapon?" nakakunot noo kong tanong. Sandali niya akong tinignan at muling humarap sa kalsada.

"Miss mo na ba siya?" natatawa niyang sagot. Ba't ko mamimiss 'yon? Eh si mr. Sungit 'yon eh, paano ko mamimiss 'yon aber? 

"Miss agad? I'm just asking you know." Medyo tumaas ang isa niyang kilay at ngumiti naman siya. Ano nan aman nginingiti-ngiti nito?

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan, huh?" Umiling lang siya at nagdrive na lang. 

Bumaba na kami ng kotse dahil nakarating na kami sa university. Nagsimula na akong maglakad pero napansin kong hindi pa naglalakad si Crizell.

"Hoy, halika na."

"Sandali lang hintayin daw natin siya." Tumaas ang isa kong kilay saka nagkibit balikat. Umupo na lang ako sa kotse.

"Sino pala hihintayin natin?" tanong ko ng maalalang hindi ko pala alam kung sino hihintayin namin.

"Si insan," maikli niyang sagot sabay balik ng tingin sa kaniyang phone. Nagcross-arm na lang ako at tinignan ang mga estudyanteng naglalakad sa hallway. Nagkwekwentuhan at nagtatawanan parang mga walang problema. Busy ako sa kakatingin ng biglang maagaw ng atensyon ko ang nagtatakbuhang estudyante patungo sa gymnasium kaya gano'n din ang mga nasa hallway nagsitakbuhan din ito patungo sa gymnasium. Anong meron?

"Crizell, pupunta lang ako sa gymnasium, huh," paalam ko, hindi ko na hinintay na sumagot siya bagkus ay tumakbo na ako. Kinakabahan ako habang palapit ako nang palapit sa gymnasium. Nakipagsiksikan ako hanggang sa makita ko na ang kanilang tinitignan. Isang teacher na walang awang pinatay, puro saksak sa dibdib at mukhang binugbog bago saksakin. Nakaaawa. May mga estudyante ng lalaking lumapit sa bangkay at binuhat. Saan nga pala nila dinadala ang mga bangkay? Tapos sabi walang mga pulis na nagingialam. Alam kaya ng mga pulis na may nangyayaring ganito? Kasi kung alam nila gagawa at gagawa sila ng paraan para mag-imbestiga. Kunti-kunti ng nagsisialisan ang mga estudyante hanggang sa ako na lang ang natira. Lumakad naman ako sa lugar kung saan kanina nakapwesto ang bangkay at tinitigan ang sahig. 

Pakiramdam ko kasi may mahahanap akong clue. Mukhang may alam ang teacher na 'yon kaya siya pinatay ng killer at 'yon ang kailangan kong malaman.

"Anong nangyari?" Napatalon ako ng biglang sumulpot ang magpinsan. Lagi naclang ba nila ako gugulatin at lahat ba ng students dito may lahing kabute huh?! Mga kabuteng estudyante.

"May namatay na naman," malungkot kong sagot. May susunod pa ba? 

"Again and again," bulong ni Crizell. Yah, again and again. Ano pa nga ba?

**********
VOTE and COMMENT!❤

Guys, sino sa tingin niyo ang killer?





Montville Academy (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin