23

683 36 1
                                    

Trisha's POV

Dahil sa bilis ng pangyayari hindi agad ako nakapagreact basta ang alam ko na lang nakahiga na si Dean at may sugat sa mukha. Napalingon ako sa gumawa no'n at balak niya pa sana itong sipain pero nakailag na ang dean.

"'Di ka pa rin pala talaga nagbabago," nakangisi nitong sambit sabay tayo.

"Eh magaling ang nagturo sa 'kin, thanks to you," sagot ni mrs. Joyce saka nagcross-arms. Akalain mo nga naman, iyong itinuro mo ang gagamiting panlaban sa 'yo. Nays.

"Gagamitin mo talaga ang tinuro ko, laban sa 'kin?" tatango-tango niyang tanong habang palayo sa amin. Mukhang may binabalak siyang gawin kailangan naming bantayan ang bawat galaw niya. Mayamaya na lang ay may hawak ng tubo si Jarell at balak sana niyang paluin sa batok ngunit may taong biglang lumabas kung saan at sinangga ang papalapat na tubo sa batok ni William.

"Ba't ngayon lang kayo?!" pasigaw na tanong nito sa lalaki.

"Pasensya na—" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng bigla siyang sapakin sa mukha ni Jarell at mukhang malakas 'yon dahil dumugo kaagad ang mukha nito. Nagsimula ng magsi-pasok ang mga lalaki at nasisigurado kong napakarami nila. Nagsama-sama naman kami at dahil doon ay tumakbo palapit si William sa mga lalaki at pinagalitan ito.

"Asan na?!" sigaw nito sa isang lalaki agad naman itong may binulong kay dean na kinangiti nito.

"Pasalamat ka at maganda ang balitang dala mo kung hindi makakatikim ka sa 'kin ng flying kick!" Agad akong kinabahan, parang may nangyaring masama kila mama. Oh please huwag naman.

"Kapag nakakuha ng tyansa tumakbo na kayo," bulong sa amin ni mrs. Joyce pero sabay-sabay kaming umiling. Laban ko ito at ayokong may madamay pang iba.

"Laban ko ito at maaari niyo na akong iwan dito. Ayokong may madamay kahit isa sa inyo." Agad akong sinamaan ng tingin ni Jarell.

"No! Kahit ayaw mo tutulong kami,"sabi ni Crizell na nagpangiti sakin. Paano ko nga ba naman pababayaan ang mga taong ganito?

"Nakapagdasal na ba kayo?" nakangising tanong sa amin ni Dean.

"Oo, nagdasal na kami para sa kaligtasan namin." Alam kong wala akong lakas, hindi ako gano'n kagaling makipaglaban pero kung si God ang kakampi ko kahit demonyo hindi ako matatalo.

"At para na rin sa kaluluwa mo," pagpapatuloy ni Jarell.

"Ewan ko lang kung tanggapin, sabi bawal daw bakla sa langit tapos makasalanan pa," mapang-asar na sambit ni Xandra. Okay pwede bang tumawa? Hahahaha.

"Eh kung pagsisipain ko kaya mga bunganga niyo?!" Eh, ba't ka pikon? Hahaha.

"Ano tutunganga na lang kayo?Ubusin niyo na 'yan!" Agad naman nagsisugod ang mga alagad niya. Yung iba may mga dos por dos at ang iba naman ay ang lalaki ng katawan kaya no need na
ng pamalo.

"Yaahh." Napaigtad ako dahil sa sigaw ni Crizell. Muntik na pala akong mapalo, mabuti andito si Crizell. Tumingin siya sa 'kin na parang nagtatanong kung okay lang ba daw ako? Ngumiti ako at tumango. Huminga ako ng malalim. Kaya ko 'to!

"Yah."
"Bogsh."
"Argh."

Sapak diyan, sipa do'n. Ba't ba naman kasi kami nasa loob ng library mabuti na lang medyo maluwag. Magaling pumili ng lugar si Bakla. Haha.

"Ayahh."
"Bogsh."
"Aray."
"Aba, taena mo!"

Napalingon ako sa paligid ng mapansing lumabas si Bakla, aba tatakas ka pa. Porket paubos na ang mga alagad mo tatakas kana. Akala mo makakatakas ka. Tumakbo ako palabas pero bago 'yon ay may sumalubong sa aking tubo. Napahiga kaagad ako dahil sa sakit ng aking sikmura. Tinignan ko kung sino 'yon at siya 'yong lalaking may binulong kay bakla. Ngayon ko lang napansing umaga na pala mabuti na lang sabado ngayon.

Papaluin niya sana ulit ako pero agad akong umiwas at sinipa siya sa paa dahilan para ma-out balance ito. Agad akong tumayo at nakipag-unahan na kuhain ang tubo na kaniyang nabitawan. Syempre ako ang nakakuha. Tumayo siya nang ayos at pumorma na parang pang karate ata. Umayos din ako ng tayo at hinigpitan ang kapit sa tubo. 

"Yahh!" sigaw niya pero agad akong umiwas dahil kung hindi masisipa ako. Hahatawin ko sana siya pero agad itong gumulong at sinipa ako sa likod. Hindi naman ako natumba pero sumakit kaagad ang aking likod, matamaan lang kita hindi kita bubuhayin. Inayos ko ulit ang aking sarili ng mabatid kong sisipain niya na naman ako, agad kong hinanda ang tubo at ng malapit na siya sa 'kin ay yumuko ako at hinampas ng malakas ang kanyang tyan kaya ngayon ay uubo-ubo siya ng dugo. Ano sabi ko kanina? Matamaan lang kita hindi kita bubuhayin.

Pinagpapalo ko siya hanggang sa mawalan nang hininga. Agad akong naguilty ngayon lang ako pumatay.

"Trisha!" Agad akong napalingon sa pinaggalingan ng boses na iyon.

*****
VOTE and COMMENT!❤

Malapit na ito!

Montville Academy (COMPLETED)Where stories live. Discover now