Part 35

25.6K 754 17
                                    

"ANONG ginagawa mo rito? Hindi mo babantayan magdamag si Sheila?" gulat na tanong ni Keith nang dumating si Apolinario sa Bachelor's Pad. Naglalakad siya sa ground floor hallway nang bumukas ang pinto ng opisina nito at makita siya.

Bumuntong hininga si Apolinario at umiling. "Puwede na siya lumabas ng ospital bukas kaya dumating ang nanay niya para samahan siya ngayong gabi. Pinilit niya akong umuwi para makatulog naman daw ako ng maayos."

"Well, I also think you need a proper sleep. You look horrible. Gusto mo ng chamomile tea? Binigay ng night janitor natin kaninang umaga sa akin. Para raw sa mga may insomnia."

"Lack of sleep is not the only reason why I look like this." Wala sa loob na minasahe niya ang batok at naglakad para pumasok sa opisina ni Keith.

Nagulat si Apolinario nang makita na naroon pala si Maki, suot ang kupas na pantalong maon at hooded jacket na palagi nitong suot kapag lumalabas ng Bachelor's Pad. Ibig sabihin kauuwi lang din nito. Kung saan pumupunta ang lalaki ay wala siyang ideya.

Umupo siya sa katapat nitong upuan, bumuntong hininga na naman at inihilamos ang mga palad sa mukha.

"Anong problema mo?" tanong ni Maki.

Umayos siya ng upo, huminga ng malalim at sinabi sa mga ito ang naging pagtatalo nila ng kanyang ama. Ganoon din ang naging pag-uusap nila ni Sheila kanina.

"Ah. Nagalit siya dahil mapapahiya kayo sa presidente ng PhilMed kasi bigla mong binawi ang intensiyon mong pakasalan ang pamangkin niya. At nagalit din siya kasi hindi mo sinabi ang tungkol kay Sheila," sabi ni Keith.

"Yes," frustrated na sagot ni Apolinario at saka umiling. "God, why is it so hard to make things right? Sinabi ko sa kaniya na gusto ko rin naman matupad ang ipinangako niya kay mama pero sa ibang paraan at baka mas matagalan. Nag sorry pa nga ako sa kaniya na hindi ko na puwedeng gawin ang gusto niya pero nagalit siya lalo. He said I don't understand why he's angry and seriously? I really don't."

"You're so stupid Montes," biglang sabi ni Maki. Manghang napatitig siya sa mukha nito. "Nakalimutan mo na ba? Someone very powerful and influential owes you. Isang tawag mo lang, ibibigay niya kahit anong hilingin mo. Hindi mo kailangan ang PhilMed para makapagpatayo ng ospital at matupad ang pangako ng tatay mo sa nanay mo. Once she say the word, walang kahit sino sa medical field o kahit saan pang industriya ang hindi susuporta sa inyo."

Nanlaki ang mga mata niya at naalala ang unang beses na nakita niya sina Maki at Keith. At ang naging pag-uusap nila ni Matilda St. Clair. "Yeah. Tama ka," manghang nasabi ni Apolinario. Kasi bakit ba hindi niya naisip agad iyon? No person is as powerful and influential than Maki's adoptive mother. "Nawala na sa isip ko ang tungkol sa 'compensation' na sinabi niya noong una niya kayong ipakilala sa akin."

"Which only means you didn't become our friends out of duty but because you really like us, huh," biro ni Keith.

"Of course. I will never get close to people I don't like."

Ngumisi ito at tinapik ang balikat niya. "So bilang kaibigan mo, makinig ka sa payo ko. Totoo na mali ka ng pagkakaintindi kung bakit nagagalit ang tatay mo sa'yo. Kausapin mo siya uli ng mas maayos para magkaintindihan kayo. And I think you should bring Sheila with you."

Tumiim ang bagang niya pero tumango naman.

Inabot nito sa kaniya ang tasa ng umuusok pang tsa. "Good. Now drink this and then get some sleep."

So that's what he did.

NATIGILAN si Apolinario at kumabog ang dibdib sa pagkataranta nang pagbukas niya sa pinto ng hospital room ni Sheila ay wala roon ang dalaga. Nakabukas ang pinto ng banyo kaya sigurado siyang wala rin ito roon. Imposibleng nakaalis na ito kasi after lunch pa ang schedule release nito.

Bachelor's Pad series book 12: THE PERFECTIONISTWhere stories live. Discover now