Part 31

25.4K 668 27
                                    


GROGGY ang pakiramdam ni Sheila at parang ang bigat-bigat ng katawan niya nang magkamalay siya. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at narealize niya na madilim. Gabi ba? At nasaan siya?

Bigla niyang naalala ang naging argumento nila ni Katarina at ang pagtulak nito sa kaniya. Pagkatapos napangiwi siya nang maalala na nabangga siya ng kotse. Hanggang ngayon parang nararamdaman pa rin niya ang sakit ng impact niyon at ang pagbagsak niya sa kalsada. So malamang, nasa ospital siya ngayon.

Sinubukan ni Sheila igalaw ang ulo niya pero may sumirit na kirot sa likod na parte niyon kaya huminto siya. Itinaas niya ang kaliwang kamay at kinapa ang leeg niya kaya narealize niyang may neck brace siyang suot. Sunod niyang pinakiramdaman ang kanang kamay niya. Parang... may nakahawak doon. Isang pamilyar na kamay ng isang lalaki.

Tuluyang nagising ang diwa niya. Sinulyapan ang kanang bahagi ng kama kung saan siya nakahiga. Bumilis ang tibok ng puso niya at umawang ang bibig niya nang makita si Apolinario. Nakasubsob ito sa gilid ng kama, ang mukha ay nakaharap sa kaniya. Kahit natutulog ito nakikita niya ang worry sa facial expression nito. Mahigpit din ang hawak nito sa kamay niya na malapit sa mga labi nito kaya nararamdaman niya ang init ng hininga nito.

Namasa ang mga mata ni Sheila kasi hindi niya inaasahan na ang binata ang una niyang makikita kapag nagising siya. Maingat niyang inilapit ang malayang kamay sa ulo nito, gustong haplusin ang buhok nito pero pinipigilan niya ang sarili kasi ayaw niya itong magising. Matagal niyang tinitigan ang mukha nito. Akala talaga niya mamamatay na siya. Akala niya hindi na niya ito makikita uli. Kaya ngayon... lalo niyang naramdaman kung gaano niya ito kamahal. Kasi natakot siya. Hindi lang dahil muntik na siya mamatay kung hindi dahil muntik na niyang iparanas na naman kay Apolinario ang mawalan ng isang tao sa buhay nito. Kahit pa sigurado siyang kompara sa ina nito ay hindi naman ganoon kalaki ang papel ng kanyang existence sa mundo ng binata.

Tumulo ang mga luha ni Sheila at hindi na rin napigilan ang sarili na haplusin ang pisngi nito. Umungol ito, unti-unting dumilat at automatic na sumulyap sa mukha niya. Sa kabila ng dilim sa hospital room ay nagtama ang mga paningin nila. Mabilis na napatayo ito at inilapit ang mukha sa kaniya. Humigpit ang hawak nito sa kamay niya habang ang isa nitong kamay ay humaplos sa pisngi niya.

"Gising ka na. Finally," pabuntong hiningang bulong nito, halata ang relief sa tono at facial expression.

Pinilit niyang ngumiti. "Masamang damo yata ako," mahina at paos na sagot niya. Pagkatapos naging pabiro ang tono niya. "Akala ko 'di na ako magigising."

"Don't be silly. You scared the hell out of me," sabi ni Apolinario. Inis at pasermon ang tono nito pero iba naman ang emosyong nakikita niya sa mukha nito. Katunayan parang namamasa pa nga ang mga mata nito. Narealize niya na talagang natakot ito. Her accident really shook him to the core.

Hinaplos ng malaya niyang kamay ang pisngi nito. "Sorry," sinserong bulong niya. Namamasa na rin ang kanyang mga mata. "Mag-iingat na ako sa susunod. Hindi na ako uli maaksidente. Hindi na kita tatakutin. Sorry."

Huminga ito ng malalim at yumuko at hinalikan ang noo niya. Pagkatapos isinubsob nito ang mukha sa balikat niya at bumuntong hininga. "I'm just so glad that you're okay. May mga sugat ka sa katawan at dumugo ang ulo mo pero thank God wala kang internal bleeding. Damn, Sheila, habang hinihintay kita magising para rin akong naghihingalo, alam mo ba? I've never been so afraid in my life than that moment when I thought I might lose you. So don't leave me behind. Stay where I can see and touch you."

Naiyak si Sheila sa vulnerability at sincerity na narinig niya sa tono nito. He has never been honest about his true feelings before. Tumango siya at niyakap ito. "Okay." Pumikit siya at hinalikan ang ulo nito. "Okay."

HINDI NIYA namalayan na nakatulog uli siya na yakap si Apolinario. Narealize na lang niya iyon nang magising siya at maliwanag na sa hospital room kung nasaan siya. At hindi na ang binata ang naroon kung hindi ang kanyang ina na pagkatapos siya yakapin, halikan at tulungan makaupo pasandal sa headboard ng kama ay sinermunan siya. Hindi raw kasi siya nag-iingat at muntik na raw ito atakehin ng high blood na ang anak nitong matagal na nitong hindi nakikita ay matatagpuan nito sa ospital.

Nalaman din ni Sheila na hindi naman siya matagal na nawalan ng malay. Kahapon nangyari ang aksidente at bukod sa masasakit na bahagi ng katawan niya, brace sa leeg niya at benda sa ulo niya ay wala naman na siyang ibang nararamdamang hindi normal sa katawan niya. Ayon sa nanay niya si Jesilyn daw ang tumawag dito para ipaalam ang nangyari. Pero dahil hindi prepared ang kanyang ina nang pumunta sa ospital kahapon ay kinailangan nito umuwi kagabi para magdala ng mga gamit. Nag-volunteer daw si Apolinario na bantayan siya magdamag.

Katunayan, nang dumating daw si Nanay sa ospital ay nasa tabi na niya ang binata at mas mukha pang desperado at takot kaysa kina Jesilyn, Lyn at Sylve na dinalaw din daw siya kahapon.

"Mabuti at hindi naman malala ang kalagayan mo. Pero kailangan mo raw dito magpagaling at may test para raw na gagawin uli sa'yo bago ka payagan makalabas. At ikaw na bata ka, nagsinungaling ka pa sa akin! Totoo pala ang sinasabi ng mga kapatid mo na may boyfriend ka. Kung hindi ka pa naaksidente hindi ko pa siya makikilala."

Nanlaki ang mga mata ni Sheila at sasabihin pa lang sana na hindi niya boyfriend si Apolinario pero bumukas na ang pinto at pumasok ang binata. This time nakasuot na ito ng polo shirt, slacks at white robe – outfit nito kapag naka-duty. May tulak-tulak itong trolley na may tray ng pagkain. Calm and collected na rin ito ngayon. Malayo sa naging hitsura nito kagabi nang una siyang magising.

"Good morning. It's time for breakfast." Kahit ang boses nito ay normal na uli.

Ngumiti agad ang nanay niya at lumapit kay Apolinario. "Naku, salamat sa'yo, anak."

Mukhang nagulat ang binata at napatitig sa nanay niya. Ngumiwi si Sheila. "Anak ang tawag niya sa lahat ng mga taong mas bata sa kaniya. Walang ibang meaning 'yan."

"Ah." Nagulat siya at natulala nang ngitian nito ang nanay niya. "That's too bad. Though I won't mind kung may mas malalim na kahulugan ang pagtawag niyo sa akin ng ganiyan."

Humagikhik ang nanay niya at namula pa ang mukha, halatang natutuwa. Pagkatapos nakangiti pa ring inabot ng binata ang isang tray ng pagkain sa nanay niya. "Kain na ho. Ako mismo ang nagluto nito."

"Naku, salamat, anak." Mabilis na pumuwesto sa maliit na lamesa ang nanay niya. Hindi pa nakuntento ang matanda, inusod pa ang lamesa sa pinakadulong bahagi ng silid, malayo sa kama kung nasaan siya.

"Wala hong anuman, 'Nay."

Napanganga siya. 'Nay? 'Nay?! Si Apolinario Montes pa rin ba ang lalaking nasa harap niya ngayon? Nakatulala pa rin siya sa mukha nito nang lumapit ito sa kaniya at ilapag ang tray ng pagkain sa harapan niya. "This is your share. You need to eat a balanced diet from now on para mabilis ang maging recovery mo." Inabutan siya nito ng kutsara at tinidor. Pagkatapos umupo pa ito sa gilid ng kama niya, paharap sa kaniya. "Kailangan mo ubusin lahat 'yan."

Napatitig siya sa mukha nito. "Babantayan mo talaga ako kumain?"

"Yes," seryosong sagot nito. "You're picky when it comes to vegetables, right? Normally, hindi kita pipilitin kainin ang ayaw mo kainin pero iba ang kaso ngayon na galing ka sa aksidente. Gusto ko lang masiguro na hindi mo iiwan ang mga ayaw mo."

Ngumiwi siya at ibinaba ang tingin sa tray ng pagkain.

"Ako ang nag-prepare niyan, Sheila. Normally binibigay ko lang ang menu sa staff na in-charge talaga sa pagluluto. Pero habang nandito ka sa ospital na 'to ako ang personal na maghahanda ng pagkain mo. So at least, eat it for me?"

Bachelor's Pad series book 12: THE PERFECTIONISTWhere stories live. Discover now