Part 20

22.4K 556 7
                                    

ILANG araw na mula noong birthday party ng papa ni Jesilyn at tapos na magtiis at magmatigas si Sheila. Hindi siya nagkusang i-text o tawagan si Apolinario kasi hindi rin ito nag text o tumawag sa kaniya. Pero nagising siya kaninang umaga at narealize na walang silbi magpataasan ng pride sa binata. Isa sa kanila ang dapat mag give in para magkaroon sila ng compromise at magkasundo na uli sila.

Kaya nang makita niya ito sa store pagsapit ng lunch break ay hindi niya napigilan ipakita ang saya niya. Kasi hindi rin ito nakatiis at willing din ibaba ang pride para sa kaniya. Kasi narealize niya na sobra niya itong na-miss sa nakaraang mga araw na hindi sila nagpansinan. Kasi kahit halatang frustrated at uncomfortable ito ay pinuntahan pa rin siya nito. Masama bang matuwa siya na hindi ito kalmado ngayon? Sa sobrang tuwa niya hindi niya napigilan hawakan ang kamay nito. Hinila niya ito palabas ng store at ngiting ngiti siya kasi hindi nito binawi ang kamay.

"May coffee shop banda roon, eh. Huwag na tayo gumamit ng sasakyan at lakarin na lang natin. Malapit lang naman." At ayoko pang bitawan ang kamay mo. Sinulyapan ni Sheila ang mukha ng binata. "Okay lang ba?"

Tumitig ito sa mukha niya. "This is weird."

Kumurap siya. "W-weird na magka-holding hands tayo? Sorry," Niluwagan niya ang hawak sa kamay nito.

Aatras sana palayo pero mabilis na humigpit ang hawak ni Apolinario sa kamay niya. "That's not what I'm talking about."

Kumunot ang noo ni Sheila. "So anong weird?"

Bago sumagot ay nagsimula na itong maglakad uli, this time ito na ang mahigpit ang hawak sa kanyang kamay. Kaya umagapay siya sa paglalakad nito kasi kung hindi ay makakaladkad siya. "Nagtalo tayo noong huling beses na nagkita tayo. We didn't contact each other for a few days. May nasabi akong masasakit at may nasabi ka rin na hindi ko gusto. So ang inaasahan ko kapag nagkita tayo uli ay maiilang tayo sa isa't isa. Pero hindi iyon ang nangyari kasi ngumiti ka kaagad na parang walang nangyaring away sa pagitan natin. And now... we are even holding hands. This is weird."

Mahina siyang natawa. "Siguro nga weird pero at least okay na tayo 'di ba? Nagsisisi ako sa mga sinabi ko sa'yo at alam ko na nagsisisi ka rin sa mga nasabi mo. Sorry nga pala ha?"

Sinulyapan siya nito at pinisil ang kamay niya. "Apology accepted. I'm sorry too. It was wrong of me to intentionally hurt you just because I felt so off balance that day."

Umiling siya. "Totoo naman na wala akong alam kaya wala akong karapatan magsalita ng ganoon. Ako ang mali. Sinadya kitang saktan kasi na-hurt ako na umakto kang hindi ako kilala habang nasa party tayo."

Ngumiwi si Apolinario. "I'm sorry."

Huminga siya ng malalim at nginitian ito. "Don't be. Tapos na iyon. Basta okay na tayo ngayon. Iyon ang importante."

Gumanti ito ng tipid na ngiti at parang relieved na bumuntong hininga. "To be honest, may duda ako kung magkakasundo pa tayo."

"Bakit ka naman nagduda na magkakasundo pa tayo?"

"Well, I never had a fight with someone I'm seeing so I don't know how to make up with you. Pero as always, ikaw na naman ang naunang mag reach out sa akin. When you smiled and held my hand, I suddenly felt that everything is going to be okay."

Umawang ang mga labi ni Sheila at napatitig sa mukha ni Apolinario. Uminit ang kanyang mga mata at may umusbong na emosyon sa puso niya. Hindi siya nakapagpigil, niyakap niya ang braso nito at isinubsob ang mukha sa balikat nito. "Ikaw kaya ang naunang nag reach out sa akin," mahinang sabi niya kasi kapag nilakasan niya siguradong manginginig ang boses niya. "Sumulpot ka sa trabaho ko, 'di ba? Kaya ako ngumiti kasi natuwa akong pinuntahan mo ako."

Hindi sumagot ang binata kaya pasimple niyang sinilip ang mukha nito. Nanlaki ang mga mata niya at parang may nagliparang mga paru-paro sa sikmura niya nang makitang namumula ang tainga at leeg nito.

Mahina siyang natawa. "Montes, nahihiya ka ba? That's adorable," biro niya.

Sumimangot ito. "Of course not."

"Sus! Namumula nga ang mukha mo eh," pang-aasar pa rin niya.

"Shut up, Sheila."

Malakas siyang tumawa. "Alam mo, ang guwapo mo kapag cool and collected ka pero mas gusto kita kapag ganiyang ang hitsura mo. Ang cute cute."

"I'm not cute," inis na tanggi ni Apolinario.

"Cute ka," giit niya.

Bigla itong huminto sa paglalakad, mukhang napikon na yata talaga. Umawang ang bibig niya para humingi ng sorry pero bigla itong yumuko at mabilis siyang hinalikan sa mga labi. Ilang segundo lang iyon pero sapat na para mawindang siya. Nang ilayo nito ang mukha sa kaniya ay tulala siyang bumulong, "Akala ko ikaw ang tipong hindi mahilig sa public display of affection. Nasa kalsada tayo, Montes."

Tumikhim ito at iniwas ang tingin. "Bilisan na nga natin. Akala ko ba gutom ka na?" Pagkatapos hinila na nito ang kamay niya at nilakihan ang mga hakbang. Tulala pa rin si Sheila pero umagapay naman siya rito. Hindi siya makapaniwala na hinalikan siya nito. Hindi siya makapaniwala na hawak pa rin nito ang kamay niya. Mas lalong hindi siya makapaniwala sa mga emosyong naglalaro sa puso niya ngayon. Not good. Hindi na yata niya mapipigilan pa ang totoong nararamdaman niya. She's falling in love with Apolinario Montes.

"SUSUNDUIN kita mamaya pag-uwi mo. I want to spend the night with you, is that okay?"

Muntik na mahirinan si Sheila sa sinabi ni Apolinario habang nagmemeryenda sila sa loob ng isang coffee shop. Dapat matuwa siya pero nang matitigan niya ang mukha nito ay nanlamig siya at kinabahan. Seryoso kasi ang tono nito at may kakaiba sa kislap ng mga mata habang nakatingin sa kaniya. "Bakit?"

Huminga ito ng malalim. "May sasabihin ako sa'yo."

"Hindi mo puwedeng sabihin ngayon?"

Umiling si Apolinario. "I want to tell you in private. Besides, kulang ang oras natin ngayon para masabi ko lahat ang kailangan ko sabihin sa'yo."

Lalo lang siyang kinabahan. Akala pa naman niya masaya na sila. Nag-uusap lang sila kanina at nagkakangitian pa. Pero bigla na lang, habang nakatitig ito sa mukha niya at pinapanood siya kumain, nagbago ang facial expression nito na parang may naalalang kung ano. Pagkatapos n'on naging seryoso na ito.

Huminga ng malalim si Sheila at pilit na ngumiti. "Okay. Pero hindi mo na ako kailangan sunduin sa trabaho. Sa apartment ko na lang tayo magkita."

Tumango ito. "Go on. Finish your food."

Tumango rin siya at ibinalik ang atensiyon sa pagkain. Kaso hindi na niya malasahan pa iyon sa sobrang kaba. Anong gusto nitong sabihin sa kaniya? Kakabati lang nila pero posible bang... makikipaghiwalay na ito sa kaniya? Anong gagawin niya kung iyon nga ang kaso? No. Ayoko pang matapos ang mayroon kami. Hindi pa ako ready. Pero darating ba talaga ang araw na magiging handa siya? Ngayong naamin na niya sa sarili na nahuhulog na ang loob niya rito?

Bachelor's Pad series book 12: THE PERFECTIONISTWhere stories live. Discover now