Part 12

23.9K 669 31
                                    


"SHEILA, can I ask a favor?"

Umangat ang tingin niya mula sa computer screen sa kanyang harapan nang marinig ang boses ni Jesilyn. "Ano 'yon?"

"Kailangan ko pumunta sa ospital para sa monthly check-up ko. Samahan mo naman ako. Sandali lang tayo. After lunch nakabalik na tayo uli dito."

Sandaling nag-isip si Sheila. Wala naman siyang nira-rush na trabaho at sa totoo lang malaki ang iniluwag ng work load niya mula nang maging office assistant nila si Lyn. Isa pa ngayon lang nagpasama sa kaniya ang bestfriend niya kaya ayaw niya tumanggi. "Okay. Sasamahan kita. Papatayin ko lang 'tong computer sandali ha?"

"Thank you!" masayang sabi ni Jesilyn na nauna nang lumabas ng opisina nila.

Nagbilin muna siya kay Lyn at sa dalawa nilang store staff bago siya tuluyang lumabas ng Happy Mart convenience store kung saan naghihintay ang bestfriend niya.

"Bakit bigla ka yatang nagpasama sa akin magpa-check up? Nasaan si Ryan o kaya ang Mama mo?" tanong ni Sheila nang nasa biyahe na sila.

Tumikhim si Jesilyn. "Busy kasi sila pareho." Kumunot ang noo niya kasi hindi siya nito matingnan. Mukhang may itinatago ito. Hindi nga lang siya makapangulit kasi siya rin naman may inililihim sa babae. Kaya nagkibit balikat na lang siya at iniba ang usapan hanggang makarating sila sa ospital.

May sakit sa puso ang bestfriend niya at kailangan ng regular na check-up sa cardiologist nito. Sinamahan niya ito hanggang sa opisina ng doktor. Hindi na siya sumama sa loob at nagdesisyong maghintay na lang sa hallway. Uupo na sana siya sa bench nang mapatingin siya sa nameplate na nakadikit sa pinto. Bigla niyang naalala na tatay nga pala ni Apolinario ang doktor ni Jesilyn. Kumalat ang anticipation sa buong katawan niya nang maalalang doon din nagtatrabaho ang binata. Sandali siyang nagdalawang isip bago naglakad palayo sa opisina ng cardiologist.

Naglakad-lakad siya at isa-isang binabasa ang nameplate ng mga ward na nadadaanan niya kahit hindi siya umaasang makikita niya ito. Ang isiping nasa iisang lugar sila ng binata ay sapat na para mapasaya siya. Nakangiti pa rin si Sheila nang lumiko siya sa isang pasilyo kung saan may narinig siyang mga boses at yabag ng mga paa. Nilingon niya ang grupo at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Apolinario.

Napahinto siya sa paglalakad at pinasadahan ng tingin ang binata. Slacks at polo ang outfit nito katulad ng dati pero ngayon lang niya ito nakitang nakasuot ng white coat. Alam na niya iyon noon pa na guwapo ito pero iba ang dating nito ngayon. Mas confident at mas komportable ang aura nito.

Nakatitig pa rin si Sheila sa mukha nito nang mapasulyap ito sa direksiyon niya. Kumislap sa pagkagulat ang mga mata nito at natigilan sa pakikipag-usap sa kasama. Bumagal ang paglalakad ni Apolinario hanggang tuluyang huminto nang malapit na ito sa kaniya. "What are you doing here?" manghang tanong nito.

Nailang siya sa curious na tingin ng mga kasama ng binata pero ngumiti pa rin siya at itinutok ang buong atensiyon sa mukha nito. "Nagpasama si Jesilyn. Check-up niya ngayon. Nainip ako maghintay kaya naglakad-lakad ako. Nakakatuwa naman na nagkasalubong tayo."

Tinitigan nito ang mukha niya, parang may iniisip na hindi niya maintindihan. Pagkatapos nilingon nito ang mga kasama. "You all go ahead."

Nagreklamo agad ang dalawang babaeng parte ng grupo. "Pero ngayon ka lang pumayag sumabay sa amin kumain sa labas eh."

Napatitig si Sheila sa nagsalita. Ahah... may gusto siya kay Montes. Halatang halata. Muntik na siya mapangiwi nang tapunan siya ng matalim na tingin ng isa pang babae. Tiningala niya si Apolinario para sana sabihing sumama na ito sa grupo pero bumara sa lalamunan niya ang mga salita nang hawakan nito ang siko niya at medyo hilahin palapit sa katawan nito.

Bachelor's Pad series book 12: THE PERFECTIONISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon