Part 28

23.1K 618 71
                                    


"Na-mi-miss ko na rin kumain ng dinner kasama ka."

Mukhang nakuha agad nito ang gusto niyang mangyari kasi marahan itong umiling. "I can't enter your apartment again. Lalo na sa gabi. I'm still... attracted to you, Sheila. Kapag napagsolo tayo sa isang pribadong lugar lalo na sa lugar kung saan palagi tayong magkasama noon, hindi ko alam kung hanggang kailan ko mako-kontrol ang sarili kong huwag kang yakapin, halikan at isandal sa kung saan. And that will be really bad. We can't do that anymore."

Parang nilamutak ang puso niya at dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay. Yumuko siya kasi gusto niyang umiyak pero kailangan niya pigilan ang sarili para hindi naman siya magmukhang kawawa. "Talagang tapos na ang mayroon tayo, huh. At sa tingin ko... hindi rin natin kaya maging friends, Montes. Katulad mo, hindi ko rin alam kung ano ang tamang distansiya sa pagitan natin para masabing hindi na tayo lovers pero hindi rin strangers. Ang weird 'no? Wala naman tayong pormal na commitment sa isa't isa. Hindi tayo naging boyfriend-girlfriend. We were just two consenting adults having sex whenever we want.

"Pero bakit nang tapusin mo ang affair natin pakiramdam ko inabandona mo ako? Para akong nakipag-break sa isang lalaki na matagal ko nang karelasyon. At sa mga sumunod na araw pagkatapos 'non palagi akong natutulala at nawalan ako ng gana gawin ang mga bagay na normal kong ginagawa. At nang kausapin ako ni Jesilyn para ikompirma na may plano kang pakasalan... kahit sinasabi ko na okay lang at tanggap ko ang lahat, na hindi ako magpapaka-clingy sa'yo... natagpuan ko pa rin ang sarili kong umiiyak."

"Sheila..."

Lakas loob niyang tiningnan ang mukha nito. This is it. Prangkahan na kasi mukhang wala na siyang iba pang susunod na chance para sabihin sa binata ang totoo niyang nararamdaman. "Narealize ko nang sabihin mo sa akin na may iba kang babaeng pakakasalan na hindi ko kayang maging kaibigan mo lang, Montes. Kasi sa nakaraang mga buwan, kahit na nagsimula sa casual at no-strings-attached ang mayroon tayo, unti-unti nahulog na ang loob ko sa'yo. Ang attraction ko sa'yo, hindi na lang pisikal. Ma –"

"Stop, Sheila," biglang putol nito sa pagtatapat sana niya ng damdamin. Nanlalaki ang mga mata nito at biglang hinawakan ang magkabilang balikat niya. "Don't do this to me, okay?"

Pero lalo lang lumakas ang loob niya sa reaksiyon nito. Itinaas niya ang noo. "Bakit? Kasi kahit ikaw hindi na lang pisikal ang nararamdaman para sa akin 'di ba? Masaya ka kapag kasama ako, 'di ba? Aminin mo na along the way narealize mo rin na hindi na lang sex ang dahilan kung bakit tayo magkasama. Surely, I mean so much more to you, Montes. Because you mean too much to me. At ayokong basta ka na lang pakawalan na hindi mo nalalaman ang totoong nararamdaman ko."

Humigpit ang hawak nito sa mga balikat niya at narealize niya na nanginginig ang mga kamay ni Apolinario. "What you feel about me and what I feel about you will not change anything. I can't just back out from something my father and I have been working on since I was young. It's like turning my back against who I am. To be able to fulfill our dream, I am willing to do anything. Even if I have to stop seeing you and even if I have to kill all the emotions I feel about you. So you should do the same."

Marahas siya nitong binitawan at kusa pang binuksan ang pinto sa tabi niya, hayagan na siyang pinapababa. Manghang napatitig siya sa mukha nito pero nakatutok na sa harapan nito ang tingin. Mahigpit na ring nakahawak sa manibela ang mga kamay nito. May bumara sa lalamunan niya at namasa ang mga mata niya. "Ganoon lang kadali sa'yo na burahin lahat ng nararamdaman mo para sa akin? Ganoon lang kadali sa'yo na hindi na ako makita?"

Tumiim ang bagang nito. "Yes. At ito na ang huling beses na magkikita at mag-uusap tayo ng ganito, Sheila. Maliwanag ba? At please lang, huwag mo isali ang mga kaibigan ko sa issue nating dalawa. Akala mo ba hindi ko naramdaman ang mga tingin nila kanina? Alam ko na may alam silang lahat. It was embarrassing so please don't involve yourself with my life again."

Kumuyom ang mga kamao ni Sheila at ang sakit na nararamdaman niya ay naging pagrerebelde. Imbes na lumabas ng kotse ay ikinulong niya ang mukha nito sa mga palad niya at pinihit ito paharap sa kaniya. Sinamantala niyang gulat at defenseless ito. Hinila niya ang mukha nito palapit at mariin itong hinalikan sa mga labi. At hindi lang iyon basta halik kung hindi malalim at mapusok na halik.

His lips are slightly open so she took advantage of it and slid her tongue inside his mouth. She searched for his tongue and when she found it she sucked on it the way he always do to hers when they were in bed. Sa isang iglap umangat sa magkabilang side ng ulo niya ang mga kamay nito at sumabunot sa buhok niya ang mga daliri nito. Akala niya itutulak siya nito palayo pero hindi iyon ang nangyari. Katunayan nagsimulang gumalaw ang mga labi nito, gumanti ng mainit at mapusok ding halik. Para bang lahat ng emosyong nararamdaman nila para sa isa't isa ay ibinuhos nila sa halik na 'yon. Hindi iyon romantiko o sensuwal na halik. It was more like a fight.

Kaya nang matapos ang halik ay pareho silang hinihingal. Ang mga mata nila parehong nanlilisik habang nakatitig sa isa't isa. Ang mga labi nila parehong nangangapal at namumula. Nakasabunot pa rin ang mga kamay nito sa buhok niya habang mahigpit pa ring nakalapat ang mga kamay niya sa magkabilang pisngi nito.

"Magiging madali lang talaga sa'yo na kalimutan ako?" paos na tanong niya, hinihingal pa rin.

Huminga ng malalim si Apolinario. "Yes. Because I have to marry her, Sheila."

Naningkit ang mga mata niya. "Kung hindi ka passionate o attracted sa kaniya, kung hindi mo kayang maging honest sa sarili mo kapag kasama siya, kung hindi niya maibibigay sa'yo ang space para makapag-relax ka at kung hindi mo kaya magpaka-reckless kapag kasama mo siya, huwag mo siya pakasalan, Montes. Walang mas importante kaysa sa sarili mong kaligayahan. Panghabambuhay ang kasal at ayokong maging miserable ka.

"Sa tingin mo ba, kapag natupad ang pangarap niyo ng tatay mo dahil nagpakasal ka kay Katarina, matutuwa talaga ang mama mo? Hindi ba sabi mo palagi kayong masaya noong bata ka pa kasi mahal na mahal ng parents mo ang isa't isa? Hindi niyo ba naisip ng tatay mo na higit sa sariling ospital, mas ikakatuwa ng mama mo kung makita niya ang nag-iisang anak niya na masaya sa piling ng isang babaeng mahal talaga niya?"

Mariing tumikom ang bibig ni Apolinario. Ilang segundo ang lumipas nang bigla itong magsalita, "Then are you going to marry me?"

Nagulat si Sheila at nanlalaki ang mga matang nabitawan ang mga pisngi nito. Mapait itong ngumiti at puno ng sarkasmo ang kislap ng mga mata. "Sabi mo ayaw mong magpakasal kahit kanino. Pero ako gusto ko magpakasal."

Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig. Sinubukan niya umatras pero hindi nito binitawan ang buhok niya. Sinalubong nito ng tingin ang kanyang mga mata na para bang gusto nitong siguruhin na magreregister sa kaniya ang lahat ng sasabihin nito. "You consider marriage as a prison but for me marriage means security. Marriage is something I want. Gusto ko ng stability ng isang pamilya. Kung ayaw mo ng marriage, kung hindi mo kayang mag take ng risk at pumasok sa isang panghabambuhay na commitment, then please stop messing with my head. Kung boyfriend lang ang gusto mo, kung kailangan mo lang ng taong magiging lover mo pero hindi mo rin naman hahayaang maging higit pa roon, humanap ka na lang ng iba, huwag na ako. I will not waste my time in a relationship with someone who will never even think of marrying me. Even if that person says she loves me. So let's stop this while we still can, Sheila."

Bumuka ang bibig niya pero wala siyang maisip sabihin. Ni hindi siya makahinga kasi parang may mabigat na bagay na dumagan sa puso niya. Dahan-dahan siya nitong binitawan at umayos na ng upo. Itinutok ni Apolinario ang tingin sa harapan nito at hinawakan na ang manibela ng kotse. "Now please, get out," malamig na sabi nito.

Lumunok siya, tinitigan ang mukha nito sa huling pagkakataon bago tuluyang lumabas ng kotse nito. Nakailang hakbang pa lang siya palayo narinig na niya ang malakas na pagsasara ng pinto. Paglingon niya humarurot na palayo ang sasakyan. Hinintay ni Sheila mawala iyon sa paningin niya bago niya hinayaang bumigay ang kanyang mga tuhod. Napadausdos siya patalungko sa kalsada at tuluyang tumulo ang kanyang mga luha.

Bachelor's Pad series book 12: THE PERFECTIONISTWhere stories live. Discover now