Part 4

26.1K 726 14
                                    

Nagkatinginan silang dalawa, parehong nagtataka. Imposible naman na hindi sila napansin ng mga kaibigan nito. At si Jesilyn, hindi man lang nag goodnight sa kaniya.

"Oorder po ba kayo ng drinks bago magligpit ang bar area, ma'am, sir?" tanong ng waiter.

"Inaantok ka na ba?" tanong ni Sheila sa binata.

"Ikaw?"

"Hindi pa."

Tumango si Apolinario at saka hinarap ang waiter. "I'll have a bottle of beer, then."

"Ako rin," sabi ni Sheila. Humangin ng malakas at nangikig siya sa lamig kaya lalo niyang binalot sa katawan ang suot niyang coat. Sinulyapan niya ang binata na tumingin sa wristwatch.

Bumakas ang pagkagulat sa mukha nito at ipinakita sa kaniya ang oras. "It's already three in the morning. Paano nangyari 'yon?"

"Wala akong ideya," nanlalaki ang mga mata na sagot niya. Nakakagulat na hindi nila namalayan ang oras. Ni hindi nga nila napansin na unti-unti nang nawala ang mga bisita. Ganoon ba sila ka-absorbed sa pag-uusap nila? Nakakamangha.

Bumalik ang waiter at inabutan sila ng tig-isang bote ng beer. Pagkatapos nagpaalam ito na maglilipit na raw ang staff pero puwede naman daw sila mag stay sa pool area hanggang kailan nila gusto. Kaya ganoon nga ang ginawa nila ni Apolinario. Pumuwesto sila sa magkatabing reclining chairs at sandaling tahimik lang tumutungga ng beer habang nakatitig sa kalangitan. Ngayon lang niya napansin na bilog na bilog at maliwanag ang buwan.

"Ang weird na magkasama tayo ngayon dito," komento ni Sheila nang tuluyang umalis ang lahat ng staff ng hotel at maiwan silang dalawa sa rooftop. Nagpatay na rin ng mga ilaw at ang natira na lang ay ang dim lights sa sahig ng swimming pool.

"Really weird," mahinang sangayon ni Apolinario.

Sinulyapan niya ito at ngumisi. "Hindi 'to kasama sa fifty-year-plan mo. Hindi ba nakakatuwa rin na may nangyayaring hindi kasama sa plano mo? Masaya rin na nasosorpresa paminsan-minsan."

Tumitig ito sa mukha niya. "Well, okay lang sa akin kung mga sorpresa na hindi masyadong makakaapekto sa fifty-year-plan ko at hindi magiging dahilan para ma-disappoint sa akin ang tatay ko." Pagkatapos nagulat si Sheila nang bigla itong ngumiti. Nahigit niya ang hininga at parang nilamutak ang sikmura niya. Kasi ngayon ang unang beses na nginitian siya nito. At sa kung anong dahilan, hindi sapat kay Sheila ang matitigan lang ang ngiti na iyon. Kaya bago pa niya napigilan ang sarili ay umangat na ang isa niyang kamay at marahang hinaplos ng daliri ang dulo ng nakangiti nitong mga labi.

"What are you doing?" mahinang tanong ni Apolinario na medyo nawala ang ngiti pero hindi kumilos para lumayo sa haplos niya. Ni hindi kumunot ang noo nito at hindi kumislap sa iritasyon ang mga mata nito na katulad ng normal na reaksiyon nito.

Kumabog ang dibdib ni Sheila. "Ngayon mo lang ako nginitian," bulong niya. "Napipikon ka na sa akin kanina pero ngayon nakangiti ka. Weird."

"Ikaw ang weird. Iniinsulto mo lang ako kanina. So why are you touching me now? Are you drunk?"

Mahina siyang natawa at umiling. Parang may nagliliparang mga paru-paro sa sikmura niya at mainit ang pakiramdam niya pero hindi siya lasing. Labag sa loob niya pero dahan-dahan niyang binawi ang daliri niyang humaplos sa mga labi nito. "Baka ikaw ang lasing. Hindi ka naiirita sa akin ngayon eh." Tinungga niya ang bote na hawak niya, sinaid ang laman niyon. Bigla kasi siyang nauhaw na hindi niya maintindihan.

Bachelor's Pad series book 12: THE PERFECTIONISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon