Part 36

26.7K 688 13
                                    

NAMULA ang mukha ni Apolinario, halatang nahiya sa naging outburst nito. Nawala na rin ang tensiyon sa katawan nito at lumambot ang facial expression. Nakahinga ng maluwag si Sheila at hindi napigilan na ipaikot ang mga braso sa katawan nito. She squeezed him tight. Paano niya ito hindi yayakapin kung hanggang ngayon nag-e-echo pa rin sa isip niya ang mga sweet at nakaka-touch na sinabi nito tungkol sa kaniya? Paano siya hindi magpapakita ng affection kung ang puso niya, parang puputok na sa sobrang pagmamahal niya sa lalaking ito.

"So I misunderstand?" namamanghang bulong nito.

Tumango siya. "Hindi mo naintindihan ang papa mo at sinigawan mo pa siya. Kaya dapat mag sorry ka," malumanay na sabi niya.

Huminga ng malalim si Apolinario, pinisil ang balikat niya at saka humarap sa ama. "I'm sorry, papa."

Nawala na rin ang tensiyon ni Dr. Basil Montes. Bumuntong hininga ito at umiling. "It's fine. I'm sorry too. Masyado akong naging obsessive na tuparin ang pangako ko sa mama mo na magkakaroon tayo ng sariling ospital kaya naisip mong mas importante iyon para sa akin kaysa sa kaligayahan mo. I will properly apologize to Katarina and her uncle too. Makakahanap pa naman tayo ng ibang paraan para matuloy ang plano natin."

"Ah. Tungkol diyan, wala na tayong dapat pang alalahanin, papa. May nakausap na akong tao na willing mag invest sa atin. She is far better than PhilMed."

"Sino?" takang tanong ng matandang lalaki.

"Matilda St. Clair."

Tumaas ang mga kilay ni Sheila kasi parang narinig na niya ang pangalan na iyon. Hindi lang niya matandaan. Pagkatapos namangha siya kasi natuwa at na-excite ang tatay ni Apolinario dahil lang sa pangalan na iyon. Hindi na niya nasundan masyado ang usapan ng mag-ama pero napapangiti na siya kasi nagkabati na ang mga ito. Nang magpaalam silang babalik na sa hospital room niya ay niyakap pa ni Dr. Basil ang binata. Pagkatapos ganoon din ang ginawa nito sa kaniya. "I gladly accept you as my future daughter-in-law, Sheila. Kapag nakarecover ka na talaga, sumama ka kay Apolinario sa weekly dinner namin sa bahay, okay?"

Natigilan siya at uminit ang kanyang mga mata habang yakap siya nito. Kasi buong buhay niya ay never siya nakaranas ng yakap ng isang ama. Nang mapasulyap siya kay Apolinario at magtama ang mga paningin nila, narealize niya na alam nito ang nararamdaman niya kahit hindi siya magsalita. At nang pakawalan na siya ng papa nito ay automatic na hinawakan ng binata ang kanyang kamay at pinisil iyon.

Hindi na nito binitawan ang kamay niya kahit nang naglalakad na sila sa hospital hallway. Marami silang nakakasalubong na nurse at hospital staff na napapatitig sa kanila pero mukhang wala itong pakielam.

"Montes, may gusto akong sabihin sa'yo," basag ni Sheila sa katahimikan nang nasa isang pasilyo na silang walang katao-tao. Huminto ito sa paglalakad at tumitig sa mukha niya. Seryosong pinagtama niya ang kanilang mga mata. "Mas magiging maingat na ako mula ngayon. Hindi kita basta iiwan, okay? Pero siyempre dapat ikaw 'din iingatan mo ang sarili mo. Let's live a very long life so that we can grow old together, okay?"

Umawang ang bibig ni Apolinario at nagulat siya nang mamasa ang mga mata nito. Pagkatapos bigla siya nitong niyakap at mariing hinalikan sa mga labi. Nang tingnan siya nito uli ay ngiting ngiti na ito. "Tigilan mo na nga ang pagtawag sa akin sa apelyido ko. It's going to be confusing soon."

Natawa siya. "Bakit naman magiging confusing? Ikaw lang naman ang kakilala namin na Montes ang apelyido ah?"

Umiling ito at masuyong hinaplos ang pisngi niya. "Soon, dalawa na tayong kilala nila na Montes ang apelyido. Sheila, I love you and I want to marry you. Alam ko na hindi ka komportable sa konsepto ng marriage so I won't pressure you to suddenly accept my proposal. Maghihintay ako at gagawin ko ang lahat para kumbinsihin ka na hindi ka magsisisi na pakasalan ako."

Namasa ang mga mata ni Sheila. Ikinulong niya sa mga palad ang mukha nito at masuyo itong hinalikan. "Hindi mo naman kailangan maghintay ng sobrang tagal. Hindi mo na rin ako kailangan kumbinsihin o patunayan pa ang sarili mo sa akin. Nakumbinsi mo na ako 'no. Kaya oo, pakakasalan kita, Apolinario. Ibibigay ko sa'yo ang buong tiwala at pagmamahal ko. Kasi alam ko, ganoon din ang gagawin mo 'di ba?"

Ngumiti ito at niyakap siya ng mahigpit na mahipigt. Pagkatapos bumulong ito sa tainga niya. "I already did, Sheila. My trust, my heart and everything I have, I already gave it to you."

Bachelor's Pad series book 12: THE PERFECTIONISTWhere stories live. Discover now