Part 19

20.7K 582 2
                                    


TATAWAGAN ko ba siya o hindi? And why the hell am I thinking like this, for God's sake? Frustrated na binitawan ni Apolinario ang kanyang cellphone. Inis na sumandal siya sa kanyang swivel chair at tumitig sa kisame ng opisina niya. Naiinis na naman siya kay Sheila kasi sa loob ng ilang araw mula nang magkita sila sa birthday ng ama ni Jesilyn ay wala na siyang ginawa kung hindi ang isipin ito. Alam niya na may mali sa naging approach niya rito pero hindi rin niya kayang patawarin basta ang mga sinabi nito sa kaniya. Yet... malapit na niya kalimutan ang pride niya at tawagan ito.

Nakatitig pa rin siya sa kisame nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ama. Imbes na batiin siya ay may inilapag ito sa lamesa niya, paharap sa kaniya.

"Anong ibig sabihin nito, Papa?" tanong ni Apolinario habang nakatingin sa malaking larawan ng isang babae na inabot ng kanyang ama. Nagulat siya na bigla itong pumasok sa opisina niya. Akala niya kung ano ang pag-uusapan nila lalo at kahit sa iisang ospital sila nagtatrabaho ay bihira sila pumasyal sa kani-kanilang station.

"Meet her. She's a plastic surgeon. Pamangkin ng presidente ng PhilMed, that huge medical insurance company."

Napatitig siya sa mukha ng kanyang ama at agad niyang naunawaan ang sitwasyon. "So ito ang paraan para makuha nating major investor ang presidente ng PhilMed. Hindi ba sinabi mo sa akin noong nakaraan na hindi siya nagbibigay ng tulong kapag hindi niya kamag-anak? So ito ang napag-usapan niyo noong nag meeting kayo?"

May dumaang guilt sa mga mata ng kanyang ama na agad ding nawala. Tumikhim ito. "Yes. It seems she was his favorite niece. Magka-edad kayo at parehong maganda ang family background niyo. She's the right woman for you, Pol. I know our plan was for you to marry Jesilyn pero wala na tayong magagawa ngayong may asawa at anak na siya. Hindi rin ibig sabihin 'non kakalimutan mo na ang pag-aasawa. Alam mo kung gaano ka-importante para sa atin ito. We worked hard for this. Now you need to get a respectable wife with a good family background who will support you and our plans."

Mariing tumikom ang bibig ni Apolinario. "I know."

Noon pa man, alam niyang lahat ng desisyon niya sa buhay, kahit ang pag-aasawa ay dapat makakatulong para sa katuparan ng pangarap nilang mag-ama. Hindi siya nito pinilit na gawin ang ayaw niya kahit kailan kasi never naman siya tumanggi sa gusto nito.

Desisyon niyang gawing sentro ng buhay niya ang kanyang ama. And ever since then that decision became the foundation of who he is. So there is no turning back now. Kaya bakit para siyang nasasakal ngayon? Bakit ang bigat sa pakiramdam ng mga sinabi nito?

"Then meet her. Have dinner with her or something. Nasa likod ng picture ang cellphone number niya. Alam niya ang tungkol sa'yo. Nasabi na ng tiyuhin niya."

Tumango na lang si Apolinario saka tumingin sa wristwatch niya. "Is that all? I need to take a break, Papa. May pasyente ako mayamaya lang."

Naramdaman niyang naging mataman ang tingin nito sa kaniya pero nanatiling nakatutok ang atensiyon niya sa relo niya. Kasi kapag sinalubong niya ang tingin nito ay siguradong makikita nitong nagsisinungaling siya. Wala siyang susunod na pasyente. Ayaw na lang talaga niyang magpatuloy pa ang usapan na iyon.

"Okay. Aalis na ako. May operasyon din akong naka-schedule ngayon. Call me after you meet her, okay?"

"Yes," pabuntong hiningang sagot niya. Lumabas ng opisina niya ang kanyang ama. Ilang segundong nanatili lang siyang tahimik nang mag-isa na lang siya. Sinulyapan niya ang larawan bago tiim ang bagang na hinablot iyon at hindi tinitingnan ang contact number sa likuran na ipinasok niya 'yon sa drawer. Though alam ni Apolinario na titingnan niya rin iyon kalaunan at siguradong makikipagkita rin siya sa babaeng prospective marriage partner niya, ayaw niyang gawin iyon ngayon.

Marahas siyang bumuntong hininga. Saka tumayo at hinablot ang wallet, cellphone at susi ng kotse. He needs to get out of there. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Pero katulad ng dati, natagpuan niya ang sariling ipinaparada ang kotse niya sa Happy Mart convenience store. "What am I doing here?" frustrated na tanong ni Apolinario sa sarili. Pero hindi siya umalis. Katunayan ay bumaba pa siya ng kotse at nagsimulang maglakad papasok doon.

Tumunog ang bell sa pinto at binati siya ng staff na nakatayo sa likod ng cash register. Hindi niya inabalang lumingon kasi hindi naman ito ang ipinunta niya roon. Honestly, kahit sa isip niya ayaw niyang aminin kung sino ang dahilan bakit siya bumabalik doon. Not his ex-fiancee, that's for sure.

Bumukas ang pinto ng opisina sa isang panig ng convenience store. His body tensed and his mind became alert as he looked at the door. May babaeng lumabas mula roon. Napatingin ito agad sa kaniya. Nagtama ang mga paningin nila. Ngumisi ito at naglakad palapit sa kaniya. "Naligaw ka?"

Na-caught off guard siya sa reaksiyon nito. Na para bang hindi sila nag-away noong huling beses silang nagkita. Marahang tumango si Apolinario at tinitigan ang mukha nito. "I'm not here for you."

Tumawa si Sheila. "Okay. Gusto mo mag meryenda?"

Kumuyom ang mga kamao niya at hindi nagsalita. Guarded pa rin siya, nagtataka at nagdududa sa motibo ng mainit na pagbati nito sa kaniya. What am I doing here? Frustrated na namang tanong niya sa kanyang sarili.

Ngumisi ito, para bang alam ang pagtatalong nangyayari sa loob niya. Then she did something she never did to him in public. Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil iyon. "Tara na. Palabas naman talaga ako para kumain." Saka siya nito hinatak palabas ng Happy Mart.

Natutok ang tingin niya sa mga kamay nila. May umusbong na emosyon sa dibdib niya na agad niyang binalewala. No. Hindi puwede. Wala sa plano niya si Sheila. At hindi ito magiging bahagi ng mga plano niya kahit kailan. So why can't he let go of her hand?

Bachelor's Pad series book 12: THE PERFECTIONISTWhere stories live. Discover now