Part 6

25.1K 667 17
                                    

"WHAT IS WRONG with you?"

"Huh?" disoriented na sabi ni Apolinario at nilingon si Keith. Nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa kaniya.

"Tatlong araw ka nang parang wala sa sarili, Montes. It's weird," sabi naman ni Benedict Barcenas na nakaupo rin sa mahabang sofa na kinauupuan ni Keith.

Nasa common area sila ng Bachelor's Pad, ang tambayan nilang mga residente kasi bukod sa naroon ang lahat ng form of entertainment at bar area, doon lang din may malakas na wifi connection. Bihira siya mag stay doon kasi usually pag-uwi niya galing sa ospital ay diretso na siya sa sarili niyang unit. Alas diyes pa lang kasi ng gabi tulog na siya, araw-araw, walang palya.

Pero sa nakaraang dalawang gabi hindi siya nakakatulog kahit anong gawin niya. At dahil wala siyang tulog ay hindi rin maganda ang work performance niya sa araw. Ngayon ang ikatlong gabi at imbes na tumitig sa kisame at mag-isip ng kung anu-ano ay nagdesisyon na lang si Apolinario na tumambay sa common area. At least dito, hindi siya nag-iisa at maraming distraction.

"I'm fine," malamyang sagot niya.

"You don't look fine though," kunot noong komento ni Trick Alfonso na inalis ang atensiyon sa tablet nito para titigan ang mukha niya.

"Ilang araw na siyang ganiyan. Mula pa noong kasal ni Ryan at Jesilyn," komento na naman ni Benedict.

Biglang naalala ni Apolinario si Sheila. Images of her flushed face, her lips, her naked body and her eyes as she moans his name filled his mind. Parang nilamutak ang sikmura niya at uminit ang pakiramdam niya. Damn, he's getting turned on just by thinking about her. Pero at the same time ay nafu-frustrate siya dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman niya mula nang may mangyari sa kanila. He hates feeling this disturbed and restless.

"Anong pinag-uusapan niyo?"

Na-tense siya nang lumapit sa kanila si Derek Manalili. Ibinuka niya ang bibig para sabihing hindi importante ang pinag-uusapan nila pero naunahan na siya ni Keith magsalita. "Si Montes ang pinag-uusapan namin. He's acting weird since Ryan's wedding."

Nilingon siya ni Derek at nanlamig siya nang kumislap sa amusement ang mga mata nito. "Ah."

"Shut up, Derek," matalim na sabi ni Apolinario.

Ngumisi ito at itinaas ang mga kamay. "Wala naman ako sinasabi ah."

"Wait, you know something?" tanong ni Trick.

"Sabihin na lang natin na... magkatabi ang hotel room namin noong wedding day nina Ryan at Jesilyn," pilyong sabi ni Derek.

"So?" kunot noong tanong ni Benedict.

"So, the last time na nakita natin siya bago tayo nagsipagbalik sa mga kuwarto natin ay sa rooftop. Pero umaga ko na siya nakita bumalik sa hotel room niya."

Inis na tumayo si Apolinario. "I told you to shut up."

Mukhang hindi naapektuhan ang mga kaibigan niya sa pagtataas niya ng tono. Napatingin ang mga ito sa kaniya at lalo siyang nailang nang makita ang understanding sa mukha ng mga ito.

"Ah, may nangyari na wala sa plano mo kaya hindi ka mapakali sa nakaraang mga araw," sabi ni Keith.

Uminit ang mukha ni Apolinario at nagdesisyong umalis na bago pa mapunta sa kung saan ang usapan.

"Huwag niyo na siya asarin. Lalo lang siya malilito. Let him make up his own mind on what to do. Remember what Maki used to tell us about him? Montes is like clockwork. It might be a good thing as long as everything is going according to his plans. Pero kapag may isang turnilyo lang ang nadiskaril, kailangan niya ng oras para magplano uli at makabalik sa normal," sabi ni Benedict.

"Oo nga. Pero minsan mas maganda na huwag mo na pag-isipan masyado. Sundin mo ang instinct mo," sabi naman ni Keith na ngiting ngiti. "What do you want to do now that you slept with a friend?"

"We are not friends!" inis na sigaw niya. At iyon naman ang totoo. Iyon din ang dahilan kaya lalo siya nafufrustrate. He and Sheila are enemies. So why did that night felt so right? Why can't he forget about it?

Natawa ang mga kaibigan niya. "Hindi ganoon ang nakita namin. Para saan pa at iniwan namin kayong dalawa?" sabi ni Derek.

Nanlaki ang mga mata ni Apolinario at bumaha ang realization sa isip niya. "Sinadya niyo kaming iwan nang hindi nagpapaalam sa amin?"

"Hindi kami ang naka-isip 'non. Si Jesilyn," sabi ni Trick.

"What?" Nanlaki ang mga mata niya.

"Yup. Siya ang nagsabing iwan kayong dalawa ng maid of honor niya. Hindi kami nagreklamo kasi mukhang nag eenjoy naman kayong mag-usap eh. You look so relaxed when you were with her," sabi ni Keith.

Umiling si Apolinario. Hindi makapaniwala na napagtulungan siya ng mga kaibigan niya nang hindi niya namamalayan. At si Sheila? Hindi rin ba nito alam ang tungkol doon o nagkunwari lang itong nagulat nang makitang silang dalawa na lang sa rooftop? What if si Sheila talaga ang nakaisip at sinabi lang nito kay Jesilyn? What if he was racking his brains out thinking of a way to face her and apologize to her when all along everything was her plan? Kung ano ang motibo nito, hindi niya alam. Ang sigurado lang niya, hindi si Jesilyn ang tipo ng babaeng makakaisip ng ganoong kapilyahan.

"Huy, Montes, okay ka lang? Pikon na pikon ka na ba? Your expression is scary," komento ni Derek kaya bumalik sa mga kaibigan niya ang kanyang atensiyon.

"Wow. Ngayon ka lang namin nakitang ganito, Montes. Kahit noong nag-away kayo ni Ryan dahil kay Jesilyn hindi nawala ang composure mo," mangha namang sabi ni Keith.

Narealize niya na nakakuyom na pala ang mga kamao niya at lukot na ang mukha niya sa galit. Pero hindi iyon dahil sa pangaasar ng mga kaibigan niya kung hindi dahil sa mga ideyang tumatakbo sa isip niya. Huminga ng malalim si Apolinario para kalmahin ang sarili. "I'm fine. Aakyat na ako sa unit ko." Halatang hindi kumbinsido ang mga lalaki pero hindi na niya hinintay pa may magsalita sa mga ito. Tumalikod na siya at mabilis na naglakad palabas sa common area.

Bago siya makatulog sa gabing iyon ay may nabuo siyang plano. Kailangan niya gumawa ng paraan para maibalik ang kanyang peaceful state of mind na ginulo ng dalaga. Kailangan niya puntahan at kausapin si Sheila Ignacio.

Bachelor's Pad series book 12: THE PERFECTIONISTWhere stories live. Discover now