Part 33

24.5K 594 7
                                    


SA MGA SUMUNOD na araw nakasanayan na ni Sheila ang presensiya ni Apolinario sa hospital room niya. Ito ang personal na nagdadala ng pagkain niya tuwing umaga, tanghali at gabi. Kung wala naman ito dahil may pasyente, palagi itong nagte-text sa kaniya o kaya tumatawag para lang kamustahin kung okay siya. Sa gabi na kailangan umuwi ng nanay niya sa Marikina, ang binata rin ang kasama niya sa gabi kahit pa sinasabi niyang kaya naman niya matulog doon na walang kasama.

Na-o-overwhelm siya sa sobrang pag-aalaga nito sa kaniya. Pero at the same time kinikilig siya at lalo lang nahuhulog ang loob dito. At madalas, kahit hindi ito nagsasalita ay nararamdaman niya sa bawat kilos at titig nito sa kaniya na hindi lang siya ang lumalalim ang feelings. Hindi nga lang nila napag-uusapan ang tungkol doon kaya hindi niya alam kung ano na ba ang relasyon nilang dalawa. Hindi siya makapagtanong kasi hindi siya makakuha ng tiyempo. Besides, she feels as if Apolinario is holding something back. Para bang may struggle itong hinaharap na ayaw i-share sa kaniya. Sa tingin niya may nireresolba itong kung ano. Kaya nagdesisyon siyang maghintay.

Isa pang nakakamangha para kay Sheila ay maraming bumibisita sa kaniya araw-araw. Sina Jesilyn, Lyn kasama ang asawa ng mga itong sina Ryan at Benedict. Si Sylve. Ang staff nila sa Happy Mart convenience store. Ang mga asawa at girlfriend ng friends ni Apolinario na nakasama niya sa girls' night out. At kahit ang parents ni Jesi ay binisita siya.

Nang pati sina Keith at ibang residente ng Bachelor's Pad ay sumulpot sa hospital room niya na may bitbit na mga bulaklak at basket ng prutas, hindi na siya nakatiis magreklamo. Tinapunan niya ng tingin si Apolinario na palaging present kapag may bisita siya. "Hindi naman malala ang lagay ko. Ilang araw na lang din puwede na tanggalin ang neck brace ko kaya nakakahiya naman umabala pa ng mga tao para bisitahin ako."

Apolinario just crossed his arms and raised his chin. "Hindi ko sila inabala. Kusa silang nagsabi na gusto ka bisitahin."

"He's telling the truth," sabi ni Trick Alfonso na sa totoo lang ay ngayon lang nakausap ng personal ni Sheila. "Besides, I want to thank you for taking care of Anika. Ikaw ang nagrekomenda sa kaniya sa apartment niya ngayon, 'di ba?"

Bigla tuloy niyang naalala ang umagang nahuli ni Anika na lumabas sa apartment niya si Apolinario. Mukhang tinupad nito ang pangako na hindi sasabihin kahit kanino ang nakita nito. Ngumiti siya. "Ayos lang. Bayad na niya ang pabor na 'yon."

Umangat ang mga kilay ni Trick pero hindi na nagtanong pa at ngumiti na lang.

"You see? So just accept other people's kindness. Don't be stubborn," sabi ni Apolinario.

Sumimangot siya. "Nagsalita ang hindi stubborn."

Natawa ang mga bisita niya. "Naku, Montes. Nakahanap ka na talaga ng katapat," biro ni Keith na sinang-ayuan ng iba. Sandali pang nanatili roon ang mga lalaki bago nagpaalam sa kaniya. "Aalis na rin muna ako pero babalik ako mamayang dinner," sabi ni Apolinario.

Ngumiti si Sheila. "Sinabi ko na sa'yo na ayos lang naman ako mag-isa rito. Saka wala na akong neck brace at maganda ang resulta ng CT scan ko kahapon 'di ba? Kung tutuusin puwede na nga ako umuwi. Hindi mo kailangan bantayan ako palagi."

Seryosong sinalubong nito ng tingin ang kanyang mga mata. "But I want to."

Nagliparan ang mga paru-paro sa sikmura niya at uminit ang pakiramdam niya. Masuyo siyang ngumiti. "Fine. Pero huwag mo puwersahin ang sarili mo, okay? Ayoko rin na masyado kang mapagod at kulangin sa tulog dahil pinagsasabay mo ang trabaho at pagbabantay sa akin."

Ngumiti ito. "I am perfectly fine, Sheila. Then see you later," sabi nito at saka tuluyang lumabas ng kanyang hospital room.

KINABUKASAN nagulat si Sheila sa bumisita sa kaniya. Ni hindi niya inaasahang may dalaw siya kasi kakapaalam lang ni Apolinario na may trabaho raw ito at lunch time pa babalik. Wala rin ang nanay niya na pinapunta niya sandali sa kanyang apartment para kumuha ng ilang gamit niya. Kaya mag-isa lang siya nang pumasok sa hospital room niya si Katarina.

Sa gulat niya hindi siya nakapagsalita agad at napatitig lang sa babae. Mukhang hindi rin ito kasing confident na katulad noon kasi hindi ito makalayo-layo sa pinto at hindi siya matingnan ng maayos sa mga mata.

"I... I'm sorry," basag nito sa katahimikan. "It was my fault that you got into the accident. I swear hindi ko intensiyon na may mangyaring ganito sa'yo. N-nabigla lang ako nang maitulak kita. I'm sorry," nanginig ang boses ni Katarina at mukhang iiyak na.

Napakurap si Sheila at biglang hindi alam ang magiging reaksiyon habang pinagmamasdan ang babae. Kasi obvious na sobrang nakokonsiyensiya at nagsisisi ito sa nangyari. Lalo niyang nare-realize ngayon na mabait naman talaga si Katarina kahit hindi halata sa unang impresyon. Nagkataon lang na pareho sila ng nagustuhang lalaki. Kahit siya naman, magagalit kung siya ang fiancée ni Apolinario at umaaligid pa rin ang ex nito.

"Umupo ka." Itinuro niya ang silya sa tabi ng kama. "At huwag ka masyado makonsiyensiya. Hindi ikaw ang dahilan kaya ako naaksidente. Sigurado ako na hindi mo naman inaasahan na ganoon kalayo ako matutumba 'di ba? At mas lalong hindi mo naman sinadya na may parating na sasakyan?"

Sunod-sunod itong tumango habang dahan-dahang naglalakad palapit sa kaniya. Bumuntong hininga siya at tipid na ngumiti. "Iyon naman pala eh. Okay na."

Umupo si Katarina sa silya at tinitigan ang mukha niya. "Natakot talaga ako nang tumilapon ka at mawalan ng malay. I thought you're going to die. I'm so thankful na hindi naging malala ang kalagayan mo. Kasi kung higit pa sa simpleng injury ang nakuha mo sa aksidente... siguradong hindi ako patatawarin ni Apolinario. Sobrang nakakatakot siya nang araw na dinala ka sa emergency room! Hindi niya ako sinigawan pero ang tingin niya sa akin... parang sinasabi na hindi niya ako mapapatawad. Actually pinagbawalan pa nga niya akong lumapit sa'yo. Nakasingit lang ako ngayon kasi nakita kong may pasyente siya."

Ngumiwi si Sheila. "Hindi ka niya kailangan pagbawalan na lumapit sa akin. Hindi ka dapat nakinig sa kaniya. Masyado lang siyang overprotective."

"I just can't help it, okay? He's really really scary and cold to me after the accident." Namamasa na naman ang mga mata ni Katarina at napayuko. "Isa pa... nang makita ko ang hitsura niya habang nagbabantay sa'yo noong wala ka pang malay... narealize ko kung gaano ka kaimportante sa kaniya. I swear when I saw his face, it's as if he had made a decision or something. Ni hindi na siya nag-effort maging polite sa akin. He even clearly told me that he doesn't want anything to do with me again. Masakit ang naging rejection niya pero alam ko na hindi ko na mababago ang isip niya. Ikaw na lang talaga ang babaeng nakikita niya."

Uminit ang mga mata ni Sheila at sumikdo ang puso niya. Kasi ngayon nasiguro niyang hindi lang siya ang nakapansin sa naging pagbabago kay Apolinario mula nang magising siya sa ospital na iyon. She smiled softly. "Siya lang din naman ang lalaki na nakikita ko."

Napatitig si Katarina sa mukha niya. Pagkatapos ay pabuntong hininga itong ngumiti. "You two are a handful huh? Kung ganiyan ang nararamdaman niyo sa isa't isa bakit siya pumayag sa marriage arrangement ng mga pamilya namin? At ikaw, bakit ka rin pumayag? You two are so weird."

Mahina siyang natawa pero hindi na nagpaliwanag. Sandaling natahimik lang sila pareho pero naging komportable na sila sa isa't isa. Kasi ngayon kapag nagtatama ang mga paningin nila ni Katarina ay nagkakangitian na sila.

Mayamaya bumuntong hininga ito. "But it will be tough on both of you from now on. Kasi noong araw na maaksidente ka 'di ba may lunch date kami with his father? Nagalit si tito Basil kasi na-cancel ang lunch. Tapos the next day, dapat meeting naman kasama ang tito ko pero hindi rin sumulpot si Pol. Tito Basil was so angry. Hindi naman nag-e-explain sa kaniya si Pol kaya ako ang kusang nagsabi kay tito ng nangyari. Kaso... lalo siyang nagalit at sinugod ang anak niya sa opisina. Sinubukan ko siya pigilan pero hindi ko nagawa. Hindi naman ako nakapasok sa office ni Apolinario kasi nga galit din siya sa akin. Hindi ko rin masyado naintindihan ang usapan nila pero nagsigawan sila. Nang lumabas si tito, galit pa rin siya at narinig kong sabihin niya na, 'I don't have a son like that'. At sa tingin ko hanggang ngayon may cold war pa rin sila."

Bachelor's Pad series book 12: THE PERFECTIONISTWhere stories live. Discover now