Part 29

23.3K 630 14
                                    


HINDI PUMASOK sa trabaho si Sheila kinabukasan. Nagdahilan na lang siya kay Jesilyn na mabigat ang pakiramdam niya at mukhang magkakaroon siya ng trangkaso. Ni hindi siya bumangon at nanatiling nakatihaya sa kama. Tumulala lang siya at paulit-ulit na binabalikan ang napag-usapan nila ni Apolinario kagabi.

Nagkasakitan na naman silang dalawa pero this time mukhang wala na siyang chance para humingi ng tawad. Wala ng chance para ayusin pa ang relasyon nila. Kasi sa kanilang dalawa ay mas may point ito. Bakit niya pilit pinupush ang feelings niya rito kung kalaunan naman ay hindi rin naman niya maoovercome ang disgusto niya sa pag-aasawa? Gusto nitong ikasal hindi lang dahil kasama iyon sa fifty-year-plan nito o dahil sa udyok ng tatay nito. He really wants marriage. Hindi katulad niya.

Tumulo na naman ang mga luha niya at para na namang pinipiga ang puso niya kasi sa naging sagutan nila kagabi, may pakiramdam siyang ito ang mas nasaktan sa kanilang dalawa. Nang tanungin siya nito ng, "Are you going to marry me?" nakita niyang seryoso ito. Ang lakas ng loob niyang ipush ang feelings niya rito pero ni hindi siya makasagot sa unintentional proposal nito. Talagang may mali sa kaniya. Kung hindi pa siya na-in love, hindi niya marerealize na hindi pala talaga normal ang pagka-hate niya sa pag-aasawa.

Biglang tumunog ang cellphone niya, may tumatawag. Huminga siya ng malalim at patamad na kinapa ang gadget na nakapatong sa bedside table niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nanay niya ang tumatawag. Mabilis niyang sinagot iyon. "Hello, 'Nay?"

"Sheila, kamusta na? Kailan mo ba balak umuwi dito ha? Dati tuwing linggo umuuwi ka pero sa nitong mga nakaraang buwan hindi ka na pumapasyal. Hindi mo ba ako na-mi-miss?"

Napangiwi siya at nakonsiyensiya sa nahimigan niyang tampo sa boses ng nanay niya. "Sorry, 'Nay. Naging busy lang po ako."

"Talaga ha? Sabi ng mga kapatid mo baka raw nagkaroon ka ng boyfriend kaya hindi ka na nakakauwi? Totoo ba 'yon? Kung oo, aba dapat ipakilala mo sa kain 'yan ha? Huwag ka mag-aasawa na hindi ko muna nakikilatis ang lalaki."

Mariin siyang napapikit at umungol. "Wala ho akong boyfriend, 'Nay. Naging busy lang talaga ako. Pero this coming weekend uuwi ako. Pangako."

"Sinabi mo 'yan ha? Kapag hindi ka nagpakita sa akin sa linggo ako ang pupunta sa'yo, maliwanag ba?"

"Opo 'Nay. Ano na palang balita diyan?" pag-iiba niya sa usapan. Baka lalo lang siya ma-depress kapag ipinilit nito ang topic ng boyfriend.

Nagsimula ang rant ng nanay niya tungkol sa mga kapatid niya. Pagkatapos nauwi sa nakakaaliw na kuwento tungkol naman sa mga pamangkin niya. Napapangiti siya kasi masigla ang boses ng nanay niya. Kahit sa cellphone lang, ramdam niyang malusog ito at wala nang masyadong pinoproblema. Hindi katulad noong buhay pa ang tatay niya.

Isang oras ang lumipas bago ito nagpaalam sa kaniya. Maghahatid pa raw kasi ito ng apo sa school. Nang ibaba niya ang cellphone nakangiti na siya at mas magaan na kahit papaano ang pakiramdam niya kaysa kanina.

NAKAPASOK na sa trabaho si Sheila kinabukasan. Medyo na-tense lang siya nang makita si Jesilyn kasi sigurado siyang magtatanong ito tungkol sa nangyari sa kanila ni Apolinario noong isang araw. Pero hindi nagtanong ang bestfriend niya. She did something worse. Nagpasama na naman ito sa ospital para raw sa check-up nito.

Bumuntong hininga siya at umiling. "Jesi, puwede mo na tigilan ang pagma-matchmake mo sa amin ni Montes."

Kumurap ito, halatang nagulat. "Bakit?"

Ngumiwi siya at bumuntong hininga ulo. "Okay na. Tapos na talaga kami. Nag-usap na kami. Pero huwag mo muna ako tanungin ng detalye, ha? Hindi ko kayang sabihin."

Bachelor's Pad series book 12: THE PERFECTIONISTWhere stories live. Discover now