Thirty Eight

1.1K 73 4
                                    

Hinihipan ni Dennise ang kanyang mga kamay na magkasiklop at nanlalamig. Mainit ang raw sa labas pero parang nagyeyelo siya mula ulo hanggang paa. Nasa library si Miguelito at Don Anton habang pinag-uusapan ang kinabukasan nila ni Alyssa. Kung may kinabukasan pa silang dalawa.

Umuwi pala ang mga pinsan niyang sina Deive at Lee para sa nalalapit na death anniversary ng magulang ng mga ito. Dalawang linggo pa bago iyon pero gusto nang paghandaan ng dalawa. Marahil ay inagahan din ng Lolo Miguelito niya ang pag uwi para sa naturang okasyon at para kumustahin silang dalawa ni Alyssa.

Nilingon niya si Alyssa na nakaupo sa kabilang dulo ng sofa. Malulungkot ang mga mata nito, as if she was waiting for their impending doom.

Pilit siyang ngumiti pero may lungkot sa mga mata nila. Nasa pagitan nila ang Kuya Deive niya na nakahalukipkip at nagsilbing guwardiya nila. Ni hindi nila magawang mag-usap na dalawa.

Bigla nilang nilang inalis ang tingin sa isa't isa ng tumikhim ang Kuya Deive niya. "Hindi ko pa alam kung bakit nagawa ni Lolo na itaya ang Villa Celestine para lang pakasalan mo ang Babaeng ito," anito, saka itinuro si Alyssa.

"Gusto lang niyang maging normal ang buhay ko," sagot niya.

"And it's okay with you?" Tanong ng Kiya Deive niya sa mataas na Boses. "At sa palagay mo, maayos ang buhay mo kasama ang Babaeng ito? Pareho lang kayong napipilitan sa kasunduan na ito. You don't deserve this."

"Kuya, kahit magpaliwanag ako sa iyo, hindi mo rin ako maiintindihan." Kokontrahin lang nito anumang maganda sa relasyon nila ni Alyssa.

Ikinuyom niya ang kanyang mga kamay. Sana ay nasa tabi niya si Alyssa. Gusto niyang hawak nito ang kamay niya habang hinhintay nila ang hatol sa kanila. Bago pa tuluyan mawala sa kanila ang lahat. And she could feel that same energy from Alyssa. They already had a connection that was forged by their pact. Her colorful days wuth Aly were almost over.

She didn't want to end things this way. Sila lang ang magkakampi sa laban habang pakiramdam nila ay napaglalaruan sila ng mundo.

"The deal is off, Miguelito." Mataas ang tono ni Don Antonio nang lumabas sa library kasunod ang Lolo Miguelito niya. "Wala nang mangyayaring kasalan."

Iyon nga ang inaasahan niya. Hindi magugustuhan ni Don Antonio ang tunay na siya. Nanakit ang dibdib niya nang matamang tinignan niya si Don Antonio.

"You promised me a real lady, Miguel. Cult leader or black lady." Huminga ng malalim si Don Antonio. "This is not what I bargained for. My granddaughter is a fine young woman. She has her faults, but they're forgivable, Yes she's a lesbian but It doesn't mean she don't deserve a fine lady. Wala akong itinago sa iyo tungkol sa mga pinagdaanan niya. Kaya nga nagkasundo tayong dalawa, hindi ba?"

"Ako ang may kasalanan, kumpadre," wika ng lolo niya sa mababang tono. Her grandfather was defeated. Hindi nito inaasahan na magkakasundo sila ni Alyssa at tatanggapin siya nito sa kabila ng kaibahan niya. At ang kaibahan na iyon ang hindi matanggap ni Don Anton.

"I'm sorry, Lolo," paumanhin niya sa mahinang boses. She failed her grandfather. Inaasahan nito na magihing normal na siya. Ang gusto nito ay baguhin din ang pagkatao niya, ang magkunwari sa mundo. She could never be that girl.

And Alyssa won't have her any other way either. Mas na-appreciate nito ang tunay na siya. Kung kailan natagpuan na niya ang taong makakatanggap sa pagkatao niya, saka ito aagawin sa kanya ng taong nagbigay rito.

Bakit ngayon pa kung kailan hindi na siya sanay sa dilim mag-isa?

Mas mabuti bang hindi na lang nalaman ni Alyssa ang tunaya niyang pagkatao? O kaya ay hindi siya nito tinanggap nang tuluyan? Baka hindi masyadong masakit kung noon pa ito nawala sa kanya.

My Nyctophilic WifeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang