Forty Five

1.1K 62 23
                                    

"Bruha ka! May engagement party ka pang nalalaman. Ngayon ka lang nagpakita, tapos biglang nagpaplano ka nang magpakasal? Ang daya mo!"

Nangingibabaw ang boses ng kaibigan ni Dennise na si Jorella sa loob ng coffee shop. Matagal nang hindi niya nakikita ang mga kaibigan niya noong college. Nagkipagkita siya sa mga ito para ibigay ang imbitasyon sa engagement party nila ni Alyssa. Noon na lang uli sila nagkabalitaan. May kanya-kanyang pamilya na pala ang mga ito.

"Akala ko naman, forever ka nang magluluksa sa pagkamatay ni Luna," sabi ni Bea. "Guwapo ba ang jowa mo?"

"Pipili ba naman ako ng pangit?" Natatawang sabi niya.

Sa loob mg mahabang panahon ay itinago niya ang sarili sa mundo. Ngayon ay nakakalabas na siya ng bahay nang wala kahit dark makeup. Nagko-costume man siya pero kapag nagsusulat na lang.

Dahil sa pagtanggap ni Alyssa sa kanya ay nagawa rin siyangtanggapin at pahalagahan ng ibang tao. Sa pag-aalis niya ng kanyang maskara at sa muli niyang pagtapak sa liwanag, handa na rin siyang harapin ang multo ng nakaraan niya. Lalabanan niya ang kahinaan.

Nagtilian ang mga ito nang ipakita niya ang picture nila Alyssa sa party ng Valdez Coco Industries at maging sa cosplay-book signing niya.

"Ay! Parang prinsipe. Nakakainggit naman. Kung bakit kasi hindi kasinguwapo niya ang napangasawa ko. Palit na lang tayo," ungot ni Bea.

"Hindi ko ipagpaalit si Alyssa kahit pa kay Brad pitt."

Niyakap siya ni Jorella. "It's good to have you back. Hindi mo kasalanan ang pagkamatay ni Luna. Ipinagtanggol ka lang niya sa obsessed na Walter na iyon. Kahit siguro ikaw ang nasa sitwasyon niya, ipagtatanggol mo rin ang kaibigan mo."

Nasa Cambodia sila noon ng kaibigan niyang si Luna bilang parte ng training nila. Pinag-aaralan kasi nila ang iba't ibang Southeast Asian arts at isa na roon ang Angkor Wat na matatafpyan sa bansang iyon. Nakilala nila ang batang photographer na si Walter Cinco, isa ring Filipino na intersado sa Cambodian Arts.

Noong una ay iniisip nilang mabait ito. Dahil pare-pareho silang Filipino ay ine-entertain naman niya ito. Hilig ni Walter ang photography kaya sanay na siyang kinukunan siya nito ng litrato.

Luna warned her to stay away from Walter. Iyon pala ay napupuna na ni Luna na hindi normal ang ikinikilos ni Walter.

Sa pag-iwas niya, lalo lang siyang hinabol nito. Hanggang pasukin nito ang apartment nila ni Luna. He tried to kidnap her. Ipinagtanggol siya ni Luna sa pamamagitang ng kitchen knife subalit naagaw iyon ni Walter at nasaksak si Luna.

Sumaklolo ang mga kapitbahay nila. Nasukol si Walter subalit huli na. Patay na si Luna. Nakulong si Walter sa isang mental institution. May psychological disorder ito. Subalit hindi iyon sapat. She was marked for life.

It was traumatic to see a friend die. Nang dalhin siya sa pad ni Walter ng mga imbestigador, puno iyon ng mga pictures niya. She had hated looking at her face since then. Sinisi niya ang kagandahan niya kung bakit namatay si Luna.

"Live a life for Luna, Dennise," payo ni Bea.

"Ngayon ko na lang nare-realize iyan. Marami pa akong magagandang bagay na magagawa nang di nagtatago sa mundo." Alyssa would help her with it.

Gusto nga niyang dalawin ang puntod ng kaibigan niya sa Ilocos pagkatapos ng engagement party nila ni Alyssa. Saka siguro niya maikukwento nang buo kay Alyssa ang pinagdaanan nila ni Luna.

"Miss Dennise," untag sa kanya ng waiter.

"Yes?"

"May nagpapabigay po sa inyo."

Iniabot nito ang tray na may Malaysian mums at polaroid picture. Kuha niya sa coffee shop ang larawan kasama ang mga kaibigan niya.  I miss you, ang nakasulat ng pentel pen sa ibaba niyon.

"Wow! How sweet! Padala ba ng jowa mo iyan?" Tanong ni Jorella.

Luminga-linga siya sa paligid. Wala maman doon si Alyssa. Lumabas siya ng coffee shop para tingnan kung naroon ang kotse ni Alyssa sa labas. Nang hindi niya makita ito ay tinawagan niya ito. "Alyssa, nasaan ka?"

"Trapped here at EDSA santolan. May banggan. Hindi ko alam kung anong oras ako makakarating sa Makati."

"It's okay. Thanks for the flowers ang the picture. I love them." Parang sinasabi nito na sana ay katabi niya ito habang nasa malayo ito.

"Flowers? Pictures? Hindi ko alam iyan—"

"Basta! I love you, Alyssa!"

Lumulutang ang pakiramdam niya nang balikan ang mga kaibigan niya sa mesa. Alyssa was indeed the sweetest soul. She was already excited to exchange "I do"s with her.

--------

As I've promise an update.

🐱🐱🐱

My Nyctophilic WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon