Thirty Five

1.3K 79 9
                                    

Naalimpungatan si Dennise nang marinig niya ang nagtataasang boses. Mahaba ang tulog niya nang nakaraang gabi pagkatapos niyang uminom ng gamot. Lumabas siya ng kwarto at sinilip mula sa hagdan ang pinanggagalingan ng mga boses. May mga tao sa garden.

"Anong karapatan ninyo na ipa-blotter ang mga anak namin? Hindi niyo ba ako nakikilala? Konsehala ako rito! May kapatid akong general sa Crame. Puwedeng-pwede ko kayong ireklamo bata pa ang anak namin."

Si Konsehala Paulina Gaston ang namamayagpag na boses. Minsan na itong naging bisita sa mansiyon nang minsang umuwi ang lolo Miguelito niya at makipag dinner sa mga maipluwesiyang tao sa bayan. Si Paulina din ang ina ni Pauline.

"Konsehala, nahuli mismo silang gumagawa ng violation," mahinahong salita ng barangay captain. "Ano'ng laban sa kanila ng dalawang babae at isang pusa? Mga bata pa nga sila, pero di naman puwedeng palagpasin ang ginawa nila. May isinugod sa ospital dahil sa kanila."

Lumapit siya sa pinto at pasimpleng sumilip. Kung ganoon ay nagrereklamo pala ang mga magulang ng mga bata dahil ipina-blotter ni Alyssa.

Nilapitan siya ni Mari. "Señorita, bakit bumangon agad kayo? Magagalit si Señorita Alyssa kapag nalamang nandito kayo."

"Shhh," saway niya rito. "Dito lang naman ako. Hindi ako magpapakita."

Kahit gusto niyang humarap sa mga ito, mas kayang  i-handle ni Alyssa ang mga ito. Kaya pinabayaan na lang siya ni Mari.

"Magrereklamo ba kami kung wala silang ginagawang masama? Hanggang ngayon, hindi pa pinapabangon si Dennise ng doktor. Dadalhin din siya sa ospital para ipa-CT scan." Nakatagilid si Alyssa sa kanya pero nakita niyang pagsalubong ng kilay nito at pagtiim ng labi nang ilapag sa mesa ang batong ginamit sa pagpukol sa kanya. "Nakikita ba ninyo ito? Ang matino bang bata, babatuhin ba nang ganito ang ibang tao? I'm sure magpoprotesta rin ang animal rights group kapag malamang ibinitin nila si Luna sa puno."

"Alyssa, pangit lang na pusa iyon. Isang pusa. Why should you bother with them? At hindi naman masasaktang si Dennise kung hindi siya humarang," katwiran ni Pauline. "Iyong kay Dennise di naman sinasadya."

Matamang tinignan ito ni Alyssa. "Kahit ano pang itsura ng tao o hayop, di ba dapat inirerespeto natin?"

Hinampas ni Konsehala Gaston ang outdoor coffee table. "Inilalayo mo sa issue, Ms. Valdez. Paano mo nagagawang isipin ang mga pangit na iyon habang ang anak kong may magandang kinabukasan ang mapeperhuwisyo? Ipapasok ko pa siya sa University sa amerika pagka-graduate niya. At tatakbo pa ako sa eleksiyon. Masisira ang reputasyon ko!"

"Kung may basic values ang anak ninyo. Hindi aabot sa ganito. Dapat nga, itinuturo iyon sa bahay pa lang," ani Alyssa na hindi na nakapagtimpi.

Natameme ang konsehala. Ang nagsalita tuloy ang asawa nito. "Disiplinahin mo kasi ang anak mo! Masyado mo kasing ini-spoil. Ilang beses nang nasangkot sa gulo. Dapat nga yata makulong na lang para madala."

"Ang sabihin mo, nagrerebelde siya dahil sa pambababae mo!" Sagot naman ng konsehala. "Ikaw ang may kasalanan nito."

"'Pa, 'Ma tama na iyan! Sa bahay na lang kayo mag-away," saway ni Pauline sa mga magulang nito sa sobrang kahihiyan. "Alyssa, paano ba mapapatawad ang kapatid ko at mga kaibigan niya? If it's about the money—"

"We don't need your money. I want thise kids to apologize to Dennise, Mari at Luna," putol ni Alyssa sa panunuhol nito.

Nagprotesta ang lahat. "Bakit pati sa pusa at kubang iyon?"

"Kanino ba sila may kasalanan? Kung may problema kayo sa kondisyon ko, hindi mawawala ang reklamo sa kanila."

Walang nagawa ang mga nagrereklamo sa kanila kundi umalis na lang. Tuloy-tuloy na pumasok si Alyssa sa bahay at umakyat agad sa hagdan. Plano siguro siyang puntahan. "Alyssa!" Tawag niya rito.

Muntik nang masubsob ng paghakbang nito nang makita siya. "Drat! Akala ko, may multo sa katanghaliang tapat." Dali-daling lumapit ito sa kanya. "Bakit bumangon ka agad? Nagising ka ba sa ingay?"

"Mabuti nga narinig ko." Hinawakan niya ang dalawang kamay nito. "Thank you sa pagtatanggol sa amin nina Luna."

"I used to be one of them, remember? Tumitingin din ako sa labas na kaanyuan ng mga tao. Sabi mo nga sa isang isinulat mo, pantay-pantay naman ang tingin ng Diyos sa mga tao. Mga tao lang ang gumagawa ng sarili nilang sukatan."

Yumakap siya sa baywang nito. "Kung ako ang humarap sa kanila, baka hindi ako makapagsalita. There are times that I feel helpless. Akala ko malakas ako kapag katatakutan ako. Pero hindi iyon sapat. Hindi lahat ng gustong manakit sakin ay kaya kong takutin. Hindi ko laging maipagtatanggol sarili ko.

"Hindi mo kailangan katakutan ka dahil kakaiba ka. Basta alam mo kung paano mo ilalaban ang karapatan mo. Hindi lang ang mga batang iyon ang tururuan natin ng leksiyon. Pati iyong mga kamag-anak nilang makikitid ang isip."

"Kasama si Pauline sa kanila. Di ba crush mo iyon?"

Kinintalan siya nito ng halik sa labi. "Kahit mag-vampire costume ka pa at sipsipin mo lahat ng dugo ko, mas maganda ka pa rin sa kanya."

"Hindi naman kita ginagayuma ahh! Bolero ka lang talaga siguro!"

"I'm just being honest here." Hindi na niya kinotra pa ang sinasabi nito. Naramdaman ang sinaseridad nito. She'd treasure that moment in her heart.

-----

🐱🐱🐱

My Nyctophilic WifeWhere stories live. Discover now