Thirty two

3.6K 143 45
                                    

"Sa wakas! Makakanood na tayo ng movie nang tayong dalawa lang," wika ni Alyssa at saka iniunat ang dalawang kamay sa sofa. Parang inaakbayan na rin siya nito.

Naging busy kasi siya nang mga nakaraang araw dahil. Bumalik na ang mood niya sa pag tatrabaho. Kaya naman libre silang manood ng movie. Kailangan kasi niya ang bagong ideas at makakatulong ang mga horror movies sa kanya.

Wala na din siyang naging balita tungkol sa naging paguusap ni Marge at Alyssa. Hindi niya iyon tinatanong o inaalam man lang kay Alyssa. Ayaw niyang malaman. Ayaw niyang alamin.

Nakakunot ang noo niya habang nagko-concentrate sa palabas. Ang isang kamay niya ay busy sa pagsusulat ng mga bagong ideas na nagpo-flow sa isip niya. Iyon daw ang bagong pelikula na pinagkaka-guluhan sa Thailand.

"Ayun! Nakakagulat iyon!" Pasigaw na sabi ni Alyssa nang biglang may bumulagang nakabaligtad na bangkay sa harap ng mga bida. Sa isang haunted house. Ang setting.

Tumango-tango lang siya at nagpatuloy sa pagsusulat. "Magaling nga iyon."

Napanganga na lang ito sa kanya at tinitigan siya.

Pagkatapos niyon ay nagpatuloy pa rin siya sa pagsusulat. Tuwing may nakakatakot na eksena ay napapatingin lang sa kanya si Alyssa. Her blood was pumping with each exciting scene. Bawat pagbuhos at pagtilamsik ng dugo ay pabilis din ng pabilis ang sulat niya.

Dalawang bida na lang ang natitira. Pabilis din ng pabilis ang pagbagsak ng tambol. Nangangahulugang papalapit na ang panganib. Halos hindi siya makahinga habang hinihintay ang susunod na edisyon ng pagpatay ng masamang espiritung naghihiganti nang biglang mamatay ang TV.

Tumigil ang pagsusulat ng kamay niya. At gumulong ang ballpen. Natigil din sa pag daloy ng ideya sa isip niya. "Huh! Bakit namatay?" Nang lumingon siya ngingisi-ngisi si Alyssa habang hawak ang remote. "Pinatay mo?"

"Alam mo ba kung bakit kaming mga guwapo gustong manood ng horror movie kasama ang girlfriend namin? Para yakapin kami kapag natatakot."

"Oh, I see," wika niya, saka tumango-tango.

"Ni hindi mo ako pinapansin. Ni hindi ka rin natatakot."

"Bakit ako matatakot? Horror writer ako."

Bumagsak ang balikat nito. "So, my effort is wasted."

Maang siyang napatingin dito. Ang ibug sabihin ay gusto pala nito na yakapin niya ito kapag natakot siya. And now Alyssa was sulking like a kid.

"Try harder next time."

"Okay." Alyssa cupped her face and then kissed her. She got that euphoric feeling of floating on air. She never got that kind of high even during the climax of a horror story. At hindi na kataka-taka kung magpalit-palit ng lugar ang internal oragans niya.

Nagulat pa siya ng biglang bumukas ang TV. Ilang segundo na pala siyang nakatulala rito. "Puwede ka nang manood."

Inunan nito ang palad sa likod ng ulo nito. "That's your punishment for ignorig me."

Nanginginig ang kamay niya nang damputin niya ang ball pen. Hindi ni siya makapagsulat. Nag-freeze na ang lahat ng idea niya. Ni hindi na nga niya maintindihan ang palabas. Even her heart was beating painfully.

"Natatakot ka ba?" Hinawakan nito ang kamay niya. "Nilalamig ka, ah!"

Inihilig niya ang ulo sa balikat nito at tahimik na nanoood. Ngumiti lang siya at tahimik na pinanood ang sumunod na eksena.

Masaya na siyang sumiksik kay Alyssa kahit hindi siya natatakot. Iyon pala ang ginagawa ng normal na babae. And she felt like a normal girl. Kinikilig siya.

------

🐱🐱🐱





My Nyctophilic WifeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora