Twenty Six

2.1K 90 9
                                    


Hindi pa sumisikat ang araw ay nagsisibak nang kahoy si Alyssa sa likod ng bahay. Naabutan siya nina Mang Lito at Aling Soling na may dalang bagong pitas na gulay mula sa farm ng mga Lazaro.

"Aba! Ang sipag ni Senorita Aly. Bakit po naisipan niyong magsibak? Si Lito na ang gagawa niyan," ani Aling Soling.

"Ako na po. Balita ko kasi, paborito ni Dennise ang bulalo. Gusto kop o sanang magluto," aniya, saka ibinagsak ang palakol sa kahoy. Napakamot siya sa ulo dahil dumaplis lang ang talim nito sa kahoy at napingasan lang sa halip na mahati.

Tumawa si Mang Lito. "Senorita, ako na ang gagawa niyan. Hindi pa nga kayo marunong magsibak ng kahoy."

"First time po kasi. Sabi ni Dennise noon, iyong kalang lupa ang ginagamit ang niya sa pagluluto ng bulalo."

"Marunong ka bang magluto ng Bulalo?" tanong sa kanya ni Aling Soling .

Ngumiti siya nang alanganin. "Magpapaturo sana ako sa inyo."

Umiling si Aling Soling. "Di pa rin ba lumalabas ng kwarto si Senorita Dennise?"

Umiling siya nang marahan. "Hindi pa rin po."

Tatlong araw nang nagkukulong si Dennise sa kwarto nito pero hindi pa rin ito lumalabas. Ilang beses na niya itong hinatiran ng pagkain doon pero tanging si Mari lang ang pinapayagan nitong makapasok sa loob ng kwarto.

Nagi-guilty siya. Siya ang naglabas dito mula sa mansiyon. Natuwa siguro ang mga tao dahil napakaganda ni Dennise. Kahit siya ay gusto itong kunan ng picture. Pero kataka-taka ang naging reaksiyon nito. Parang takot na takot ito.

Nagtataka siya kung bakit ayaw nitong maging maganda. Nang tanungin niya ang mag-asawang Mang Lito at Aling Soling, wala raw alam ang mga ito. Basta ayaw raw ni Dennise na magpakita sa mga tao at normal lang daw iyon sa isang tao, lalo na sa mga annonymus artist na kagaya ni Dennise.

But she smelled something fishy. Nararamdaman niya na may mas malalim pang dahilan si Dennise.

Nilapitan siya si Mari. "Senorita Alyssa. Huwag na raw kayo mag sibak ng kahoy, sabi ni Senorita Dennise. Ayaw rind aw niyang kumain ng bulalo lalo na't kayo ang magluluto."

"Hanggang ngayon ba ay galit pa rin siya sa akin? Lahat naman na ay ginawa ko para makabawi sa kanya. Kung malalaman ko lang ang gusto niya at makakusap ko siya... Papasukin mo ako sa kuwarto niya."

Umiling si Mari. "Gusto niyang mapag-isa. Kahit nga pagtatrabaho, di niya ginagawa. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayare, di ko n asana siya pinayagang umalis."

"Kailan ba niya balak na lumabas?"

"Kapag daw pumangit na kayo."

"Ano? Wala naman ganunan."

Napu- frustrate na siya. Lahat na ng klaseng panunuyo ay ginawa na niya. Malapit na nga niyang imbitahin si Dracula at Frankensyein para lang sa ikaliligaya ni Dennise. Mas gwapo na nga ang mga paniki sa kanya, gusto pa nitong pumangit siya.

Iminuwestra ni Mari ang kamay para palapitin siya rito. Bumuwelo ito sa kanya. "Magsisimba siya sa Linggo. Samahan niyo siya."

-------------

My Nyctophilic WifeWhere stories live. Discover now