Fifteen

2.5K 131 9
                                    

"Maraming salamat po sa palda at blusa, señorita alyssa. Aba'y di kami nagkakalayo ng ganda ni Marian Rivera nito," anitong ang tinutukoy ay ang paboritong artista na pinapanood sa TV. "Kahit paano po ay nagmukha akong tao."

Hapon na nang dumating siya dala ang pinamili niyang pagkain at iba pang pasalubong.  Hindi niya kinalimutan na bigyan pati ang matandang nagaasikaso ng  mansiyon at si Mari. Masayang-masaya ito dahil noon lang daw may nag bigay dito na ibang tao.

"Pasasalamat ko iyan dahil sa pag-aalaga mo kay Dennise."

Inilipat nito ang bolero sa katawan. Maluwag iyon para kumasya sa depekto nito sa likod. "Ako nga po ang inaalagaan ni Señorita Dennise. Kung hindi po dahil sa kanya, baka namatay na ako sa kalye ngayon. Siya ang unang taong tumuring sa akin na normal na 'di nagawa nang kahit na mismo kamag-anak ko."

Mabuti talaga ang loob ni Dennise. Malayo ito sa mga hindi magandang perception ng mga tao tungkol dito. Tinuring nito na tama ang mga tao kahit ano pa ang anyo o pagkatao. Lalo lang niya itong nagustuhan at gustong protektahan.

"Puwede mo ba akong tulungan, Mari?"

Kumislap ang mga mata nito. "Opo. Kahit po ano."

"Totoo ba na may multong lumalabas dito sa Villa Celestine? Usap-usapan na iyon ng lahat ng tao sa bayan. Kinatatakutan ang lugar na ito."

Natawa lang ito. "Laking-maynila po kayo, Señorita. Bakit po kayo nakikinig sa mga tsismis?"

"Pero ako mismo ang nakakita sa babaeng duguan. Ako mismo ang nakalmot ng pusang alaga niya. At nung isang gabi, narinig ko ang boses ng babaeng umiiyak. Sa palagay ko, iisa lang sila. Sino siya? Ano'ng kailangan niya sa akin?"

Naging seryoso ang anyo ni mari, daka marahang itinupi ang damit. "Ano'ng sinabi ko nang unang araw mo rito? Huwag kang lalabas kahit anong marinig mo."

"Ibig sabihin, may multo nga rito? Alam ba ni Dennise ang tungkol dito? Dahil 'di ako papayag na tumira pa siya rito kung hubdi niya alam!"

Tinalikuran lang siya nito. "Puntahan na ninyo si Señorita Dennise. Kanina pa po niya kayo hinahanap. Nag-aalala na siya sa iyo."

It was so damn frustrating. Mukhang may alam si Mari pero bakit ayaw nitong diretsahin siya? Hindi ba ito nag-aalala para kay Dennise? Natatakot din ba ito kaya hindi na lang nagsasalita?

Hindi siya magpapadala sa takot niya. Handa na siyang protektahan si Dennise.

----
Nakapangalumbaba si Dennise habang nakatingala sa mga nakatiwarik na paniki sa labas ng bintana ng attic. Puro naka bitin ang mga iyon sa bubong. Papalubog na ang araw. Anumang sandali ay naghahanda na ang mga iyon na lumipad at maghanap ng pagkain. Naging permanent resident na ang mga iyon sa Villa Celestine.

"Aba! May baby paniki na pala kayo. Ilang araw lang akong 'di nakaakyat dito, ang dami-dami na ninyo. Ang cute!"

Hindi na niya pinaakyat si Luna sa attic dahil ayaw niyang bulabugin pa nito ang mga paniki. Itinuturing din niyang kaibigan ang mga paniki. Nakakakuha siya ng inspirasyon sa mga ito. Kaya kahit sina Mari at ang mag-asawang katiwala roon ay hindi ginagambala ang mga ito.

"Ah! May ikinuwento si Lola tungkol sa lolo ninyo. Babasahin ko sa inyo, ha," aniya, saka binuklat ang koleksiyon ng istoriya ng Lola niya. Mga kathang isip lang iyon nang Lola niya na ikinukwento sa mga anak nito. Iniwan nito ang libro para maikwento pa rin daw nito kahit sa mga apo nitong isisilang pa
lang.

Madilim na noon at hindi na niya mabasa pa ang mga letra sa limang papel. Sinidihan niya ang kandila. May ilaw naman sa kwarto pero mas gusto niya ang liwanag ng kandila kapag binabasa ang mga lumang libro ng lola niya sa attic. Minsan, gusto niyang balikan kung paano mamuhay ang mga ninuno niya. Weird man pero nakapagbibugay iyon ng saya kay Dennise.

"Heto, ha. Makinig muna kayo sa akin bago kayo umalis," aniyang binitbit ang kandila ng isang kamay at ang aklat sa kabila.

Natigilan siya sa pagkukwento nang bulabugin siya ng mga katok.
"Dennise! Dennise!" Tawag sa kanya ni Alyssa.

"Sandali lang ha!" Sabi niya tsaka inilapag ang libro sa mesa. Binukasan niya ang pinto na hawak ang kandila sa usang kamay. "Bakit?"

"Whoa!" Pasigaw na sabi ni Alyssa.ñ, saka bigla siyang napaatras. "Dennise?"

"O, bakit?  Parang nakakita ka ng multo."

Huminga ito ng malalim at humawak sa dibdib. "Bakit tinapat mo yang kandila sa mukha mo?" Hinablot nito ang kandila. "Paano kung masunog iyan?"

"Hindi naman, ah. Saan ka nanggaling? Nag-alala ako sa iyo kanina." Ang usapan nila ay ipapasyal niya ito sa buong bahay sa hapon. Kaya nag-alala siya nang lagpas tanghalian na ay hindi pa rin ito bumabalik. Ang akala niya ay tuluyan na itong umalis at wala na itong planong kilalanin at pakasalan pa siya.

"I'm back. Hindi ba, itinawag ko naman kanina na may aasikasuhin ako?"

"Sorry. Nag-alala lang ako." Excited kasi siya na ipasyal ito sa buong bahay. Nagpalinis pa nga siyang mabuti para lamg hindi siya mapahiya rito. "Baka kasi hindi ka pa kumakain." Dagdag niya. Hinahanap-hanap din niyang makasabay ito sa pagkain. Siguro ay dahil naghahanap lang siya ng ivang kausap na may bagong ideya at karanasan. Maeami siyang natututuhan dito.

"Kumain na kami ni Daniel. May importante lang kaming pinag-usapan." Pumasok ito sa loob ng kuwarto at pinindot ang ssitch bg ilaw. "Sinong kausap mo?" Tanong nito, saka inilakad ang paningin sa paligid. Nang walang makitang kakaiba ay isinara niti ang bintana. Nabulabog ang mga paniki at nagliparan. "May paniki!"

Hinatak nito ang kamay niya at patakbong hinila siya palabas ng kwarto. Bitbit pa rin nito ang kandila hanggang makababa sila sa second floor. Tila halimaw ang mga tinakbuhan nito.

"Aly, mga paniki lang iyon."

"Paano kung maging bampira sila at kagatin ka sa leeg? Ubusin ang dugo mo."

"Nagpapaniwala sa ka sa mga gano'n?"

Hinigpitan nito ang paghawak sa kamay niya. "Basta! Pinoprotektahan lang kita." Kumalma lang ito nang makababa na sila sa sala. "Tignan mo ang pasalubong ko."

Mga magagandang moderbong damit ang laman ng mga paper bag na dala nito. Pawang makukulay at presko sa paningin. Masasaya rin ang disenyo ng mga iyon. It was definitely nit her style. "Sana, di mo na lang ako binili. Marami akong damit—"

"Gusto kong ito ang isuot mo. Lulutang ang ganda mo rito."

"Okay," mahinang usal niya. She didn't have the heart to say 'no' to Alyssa. Hindi naman siya matutunaw kung pagbibigyan niya ito minsan.

"Sino nga pala ang kausap mo kanina?"

"Ha?" Nadinig pala siya nito. Hindi naman niya pwedeng sabihin mga paniki. Baka ideretso na siya nito sa mental hospital. "Binabasa ko ang libro ni Lola Celstine. I prefer to read them out loud. Marami siyang iba't ibang lumang libro. And some of them, she made herself. Iyon ang binabasa niya sa mga lolo at lola ko. Sa palagay ko sa kanya ko nakuha ang talent ko." Tiningala niya ang painting ng Lola Celestine niya na nakasabut sa sala. "Magkahawig pa kami. Kaya nga bata pa lang ako, gustong-gusto ko na ang bahay na ito. Pakiramdam ko, pinoprotektahan din niya ako."

Aly's eyes sparked as if someting dawned her. Nagulat na lamang siya ng bigla siyang hilahin at yakapin nito ng mahigpit. "Poprotektahan din kita, Dennise."

She stood still for a while. Ninanamnam niya ang init ng mahigpit na yakap ni Alyssa. Hanggang unti-unting pumikit ang mata niya. She embraced Alyssa's promise. Gusto rin niya ang pakiramdam na may ibang magpoprotekta sa kanya.

Pero kilala ba siya ni Alyssa ng lubusan? Kaya ba siya nitong itago sa mga multong kinatatakutan niya? Kalilimutan muna niya ang mga multong iyon. Sa ngayon ay isa siyang normal na babae. Mamayang gabi na siya babalik sa tunay niyang mundo. Sa ngayon ay hahayaan muna niyang lumaya ang sarili niya.

-------
Boo! Sorry guys ngayon ko lang na publish. Super busy from work. Andami kong na missed!

Anyways, babawi ako. Update ulit tomorrow!

🐱🐱

My Nyctophilic WifeWhere stories live. Discover now