Twenty Five

2.7K 125 15
                                    

"Ayan! Ang ganda ganda mo na!" Patiling sabi ni Alfred pagkatapos nitong lagyan ng hair shine ang buhok ni Dennise bilang finishing touch.

Pagkatapos ng mahigit isang oras na pakikipagbuno ni Dennise sa hair treatment, sa steamer at sa pagblow-dry at pagsuklay sa kanya, sa wakas ay tapos na ang paghihirap niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Pagkatapos ng mahigit isang oras na pakikipagbuno ni Dennise sa hair treatment, sa steamer at sa pagblow-dry at pagsuklay sa kanya, sa wakas ay tapos na ang paghihirap niya. She had been dreading all this for hours. Sumakit na ang leeg at likod niya. Na torture na rin ang utak niya sa pag-iisip kung ano ang kalalabasan ng hitsura niya.

"Thank you," mahinang usal niya at saka hinarap si Alyssa na nakasalubong ang kilay habang nakatingin sa kanya. "Umalis na tayo rito."

Ayaw na niyang makita ang sarili niya sa salamin. Hindi nga niya alam kung paanong iwas ang gagawin niya para hindi na makita pa ang "kagandahan" niya.

Piningilan nito ang balikat niya at sinuklay ng daliri ang bangs niya. "Bakit masyadong mahaba? Baka pwedeng bawasan ito para lalo kang gumanda?"

Tinabig niya ang kay nito. "Tama na yan!"

Tuwang tuwa si Alfred nang bigyan ito ni Alyssa ng malaking tip. "Balik kayo! Ulit Aly. Pagagandahin ko uli si Ma'am ng bonggang bongga."

Umangil siya at tinignan ito ng masama. Napaatras ito sa takot. Ngayon pa lang ay dumudugo na ang mga eardrums niya. Ilang beses na ba niyang narining na maganda siya?

Paglabas niya ng salon ay naramdaman agad niya ang tingin sa kanya ng mga tao. Tingin na may kasamang pag hanga. Nagagandahan ang mga ito sa kanya. Nagtago siya sa likuran ni Alyssa. Halos idikit niya ang mukha niya sa likod nito. Papalimg-paling tuloy ito sa kanya. "Anong ginagawa mo sa likuran ko?"

"Pinagtitinginan nila ako."

"Ang ganda mo, tapos mukha kang sasali sa monster parade sa suot mo."

"Umuwi na tayo. Please?" Pakiusap niya. Hindi na niya matatagalan ang tingin ng mga tao sa kanya. Pakiramadam niya ay matutunaw na siya.

"No. Kailangan pa nating mamili ng damit mo." Ipinasok siya nito sa pinakaunang boutique na pambabaeng nakita nito.

Sinalubong agad sila ng saleslady. "Good Afternoon po."

Bigyan mo ko ng lahat ng damit na nakasuot sa mannequin ninyo." Walang kakurap kurap na sinabi nito sa saleslady ang size na kasya sa kanya.

Maang na napatingin siya kay Alyssa. "Alam mo agad ang size ko?"

Isang mahiwagang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Alyssa. "Talent ko iyon."

Bigla niyang tinakpan ang dibdib niya at humakbang palayo. Pakiramdam tuloy niya ay tumatagos ang tingin nito sa ilalim ng damit noya at kabisado nito ang bawat korte ng katawan niya.

"I'm not maniac, all right. Natural lang iyon dahil gusto kong binibili ng damit ang mga nagiging girlfriend ko. I want them to look pretty for me." Kinuha nito ang isang dress na may tulip design sa laylayan. "And I want you to look good for me as well. Ayokong magmukhang busabos ang magiging bride ko."

My Nyctophilic WifeWhere stories live. Discover now