Forty Two

1K 45 6
                                    

"Ang tagal mo naman dumating!" Pagmamaktol ni Dennise pagbaba ng kotse ni Alyssa. "Inip na inip na ako rito."

Umalis sila Kuya Deive niya kasama sina Mari at Luna. Mamamasyal daw ang mga ito. Habang siya ay naiwan lang sa Villa Celestine. Gusto rin naman niyang mamasyal katulad ng mga ito. Matagal na panahon na rin nang huli siyang lumabas ng Nagcarlan. Palaging bahay-simbahan lang ang destinaayon niya. Nakakasawa rin.

"Gusto mo bang umattend ng Cosplay event?"

"Cosplay?" Kumislap ang mga mata niya nang maisip ang mga taong nakasuot ng iba't ibang costumes. Hindi mahalaga roon kung sino siya. Hindi rin siya obligadong ipakita ang mukha niya. Anag importante ay maipakita ang character at ang creative side niya. "I love that."

"May cosplay event sa Mall of Asia. Maaga pa kaya makakahabol tayo." Alas-nuwebe pa lang kasi.

"Ngayon na?" Hindi siya mapakali. Excited siya.

Noon lang siya makaka-attend sa ganoong event. Dati kasi gusto niyang magpasama sa mga pinsan niya pero pawang mga killjoy ang mga ito. Pambata lang daw ang mga ganoong event. Tumakbo agad siya sa kuwarto niya nang maalala si Alyssa. "May costume ka rin ba?"

Tumango ito. "Shadow Knight. Ibinigay sa akin ni Bea. Mabuti na ring may paggamitan. Sayang ang creations niya." Character din si Shadow Knight sa isa sa mga graphic novels niya.

"Then I will be Calliope. Para magka-partner tayo."

Wala pang limang minuto ay nakahanda na ang costume niya. Mabuti na lang at nailagay iyon ni Mari sa parte ng closet kung saan madali iyong makita. Kahit ang black knee-high boots niya ay naka-ready na rin. Calliope's costume was perfect. May veil ang hat niya kaya hindi makikita ang mukha niya.

Sa kotse pa lang ni Alyssa ay nakatuwaan na niyang isuot ang Veil niya. Ni hindi niya napansin ang tagal ng biyahe nang makarating sila sa Condo ni Alyssa kung saan sila nagbihis. Bagay na bagay dito ang Shadow Knight costume nito. Kaya naman kitang-kita ang Magandang-guwapong mukha nito. She was was like a gallant warrior with her jeweled sword.

She was so amazed when she entered SMX Convention Center. Nagkalat ang mga cosplayers at karamihan sa mga iyon ay galing sa graphic novels niya ang costume. Nakakataba ng puso.

Pero naroon siya bilang cosplayer at hindi bilang author na si Aphrodite.

Nanlamig ang paa niya nang makita ang malaking tarpulin nang papasok siya sa convention area. APHRODITE BOOK SIGNING .

Ilang beses siyang kumurap. Pen name nga niya ang nakasulat doon. Hindi siya namamalikmata lang iginala niya ang tingin sa mga cosplayer. Nakasuot ang mga ito ng mga characters mula sa libro niya. Kung ganoon ay para sa kanya ang event na iyon at para sa nobela niya.

Napakaraming tao. Kanya-kanyang kuhanan ng pictures ang mga ito. Humakbang siya paatras. Ayaw niya sa lugar na iyon. Hindi niya kayang humarap sa mga taong iyon.

Iniharang ni Alyssa ang katawan nito para pigilan siyang umalis. "Stay. Kanina ka pa hinihintay ng mga taong iyan para makilala at mapirmahan mo ang libro nila. Bibiguin mo ba sila?"

"Ayoko sana, pero..."

"Hindi ka nila makikilala dahil naka-costume ka. You are here as Aphrodite. Walang makakaalam na ikaw si Dennise," bulong nito.

"Wala bang magtatanong kung ano ang hitsura ko?"

"Who cares? Lahat ng andito naka-costume. Even Marco. "

Nilapitan siya ni Marco at iginiya siya papunta sa stage. Hindi niya binitawan ang kamay ni Alyssa. Kahit pa sabihing naka-costume siya, naroon pa rin ang kaba.

"May unang gustong magpaprima sa iyo," wika ni Marco at saka inilapag sa harap niya ang libro.

"Para kanina?" Tanong niya, saka tiningala ito.

"Miguelito Lazaro, Sr."

Nang mag-angat siya ay nasa gilid ng maliit na stage ang Lolo Miguelito niya. Naroon din ang Lolo Anton ni Alyssa at pawang naka-pirate costume. Kanya-kanyang costume din ang mga kaibigan ni Alyssa na sa palagay niya ay puwede niyang pagkunan ng character para sa susunod niyang istoriya. Noon niya nalaman kung saan ipinasyal ng Kuya Deive niya sina Luna at Mari. Naroon din ang mga ito sa convention center at naka costume. Lahat ay sumusuporta sa kanya.

Kumawala si Luna mula sa pagkakahawak ni Mari at sumampa sa kandungan niya. Kompleto na ang costume ni Calliope," anang isa sa mga fans na nasa unahan ng mesa.

Tuluyan na nawala ang kaba niya nang pirmahan niya ang pinakabagong libro niya para sa Lolo Miguelito niya. It was indeed a day for her.

----

🐱🐱🐱

Aphrodite- is an ancient Greek goddess associated with love, beauty, pleasure, passion and procreation. Greek goddess of Love. My favorite greek mythology character.

Zupp guys! Sorry for typo's and errors. Thank you for reading!



My Nyctophilic WifeWhere stories live. Discover now