Forty Eight

265 16 4
                                    

"MAMA!" Iyak ng bata pagkatapos makipagtitigan kay Dennise. Nakasaklob ang itim na hood ng cult's robe sa ulo niya. At dahil sa pulang contact lens niya ay parang umiilaw iyon. Nagmistula tuloy siya halimaw.

Nasa isang sulok lang siya ng masayang children's party na iyon. Parang nasa iba siyang mundo. Walang taong lumalapit sa kanya, kahit pa ang ibang mga kaibigan ni Alyssa. Hindi rin nakaligtas ang mga bata sa kanya.

Tinanggal niya ang robe niya nang may isa na namang matapang-tapang na bata na gustong makita siya.

Tumambad dito ang kulay itim niyang labi at itim na itim ding mata dahil sa makapal na mascara at eyaliner. Nang mulagatan niya ang bata ay nagtatakbo rin ito sa nanay.

Nilapitan siya ni Alyssa na may dalang punch. "O, bakit umiiyak iyong bata?"

"Minulagatan ko. Tingin ng tingin, eh!"

"Ayaw mo ba rito sa party? Masama ang pakiramdam mo?"

Umangat ang gilid ng labi niya. "I am actually having fun."

"You are terrorizing the kids. Baka lagnatin ang mga iyon sa takot," sabi nito sa mababang boses. "Bakit ba ganyan ang isinuot mo?"

"Malamig ngayon. Lalamigin ako sa mga damit ba bigay mo."

Mahabang sandaling tinitigan siya ni Alyssa. Kapagkuwan ay tumayo ito at hinila siya patayo. "Let's go! Magpaalam na tayo."

Tahimik na sumunod siya rito. Parang nakahinga nang maluwag ang kumare ni Alyssa nang magpaalam sila.

"Papakasalan ba talaga ni Aly ang babaeng iyon?" Narinig niyang tanong ng isa sa mha ninang ng bata. "Nakakatakot."

Tinignan niya nang matalim ang nga nag-uusap at panaantanda na lang ang mga ito ng krus sa takot at saka siya tinalikuran. Tiyak na nanginginig ang mga ito sa takot.

Huminga nang malalim si Alyssa nang paandarin ang sasakyan. Hindi ito nagsalita maliban na lang nang papasok na sila sa Villa Celestine.

"Hindi mo naman kailangan manakot sa mga bata sa party. Pati ibang bisita, natatakot na rin sa iyo."

"Akala ko ba, okay lang sa iyo kung anuman ang hitsura ko?"

"Yes. Pero nasanay na akong normal ang hitsura mo. Hindi ba, sinabi mo sa akin na magko-costume ka lang kapag nasa mansiyon ka?"

Sa harap lang tingin niya at hindi ito sinusulyapan. "Ano ang masama sa hitsura ko? Ito talaga ako. If you have a problem with that, then let's call off the engagement party."

"What?" Bigla itong napapreno. "Dennise, that's crazy!"

Bumaling siya rito. "Alyssa, look at me. Sa palagay mo ba, magiging komportable ako na tinitignan lang ng mga tao na maganda? Sinubukan ko lang kung kaya ko para sa iyo. But I can't. Mas komportable ako nang ganito."

"Naiinitindihan ko iyon. Hindi madali ang magbago. Hindi ko rin naman gustong baguhin ka. Pero bakit gusto mong pati engagement party natin, ma-cancel?"

Pumikit siya nang mariin. "I don't think I'm fit for a lifetime with you. Parang napaka-idealistic natin noong una. We will fight for each other. 'Di natin bibitiwan ang isa't isa. But that simply won't work. Mabuti pang huwag na tayong magkita."

"Bibisitahin na lang kita sa ibang araw. I will give you time."

"No! Huwag ka nang magpakita sa akin. I'm thankful for the good things you did for me. Pero gusto ko na lang mapag-isa... habang buhay."

"Dennise!" Tawag nito sa kanya "Sandali!"

Tuluy-tuloy na pumasok siya sa mansiyon  kahit nanunuot ang sakit sa puso niya. She loved Alyssa. She wanted to change her self for her. Pero kung ilalabas niya ang kagandahan niya, hindi siya titigilan ni Walter.

Kailangan niyang itago ang kagandahan niya para makaligtas kay Walter. Kailangan din niyang palayuin sa kanya si Alyssa para hindi ito masaktan.

Ayaw niyang mawalan pa ng isang minamahal. Subalit bilang sakripisyo, kailangan, ngayon pa lang ay mawala na si Alyssa sa kanya.

Siya na lang ang mananakit dito.

------

Sana all, maganda! Charr.

Love, love

🐱🐱🐱

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Jul 23, 2023 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

My Nyctophilic WifeUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum