Fourteen

4.2K 160 44
                                    

"Good morning!" Bati ni Dennise kay Luna paggising niya. Humikab iyon at nag-inat nang hawakan niya ang ulo. "Masarap ba ang tulog mo? Ako, nag-enjoy akonv matulog. Ang ganada ng pampatulog natin, 'di ba?"

Magkatabi silang matulog dahil ayaw niyang pakawalan si Luna nang nagdaang gabi. Dahil sa halik ni Alyssa, nahirapan siyang matulog. Hindi siya pwedeng mag-piano na naman nang dis-oras ng gabi. Ayaw na niyang takutin pa si Alyssa kaya isinalang niya ang paborito niyang sound effects kapag nagse-set siya ng mood. Ang iyak ng crying white lady. Ilang saglit lang pagkatapos isalang iyon ay nakatulog agad siya. Naka-set ang Laptop niya na mag-shut down pagkatapos i-play ang MP3 file na iyon. Kaya kahit tanghali siya magising ay okay lang. Nag-eenjoy naman siyang matulog. Sana ay hindi niya nabulabog ang pagtulog ni Alyssa.

Paglabas niya ay nagulat siya nang may matapakan siyang magaspang sa sahig. Nang yumuko siya ay nakita niyang iodized salt na nagkalat sa sahig. Bukod doon ay may bawang pa sa tabi ng pinto. Dinampot niya ang bawang. "Anong ginagawa nito rito?"

Pagbaba niya ay naghanda na ng late na agahan si Mari para sa kanya. Nalungkot ang mukha nito nang makitang hawak ang bawang. "Nasa iyo pala iyan. Ano na naman ang inimbento mo at pati bawang ko ay binawasan mo? Mabuti na lang at hindi kinulang ang pinangsangag ko."

"Hindi ko kinuha yan. Nakita ko na lang yan sa labas ng kwarto ko."

"Sino naman ang maglalagay niyan sa labas ng kwarto mo? Aswang ka ba?"

"Si Alyssa!" Maaring ito ang naglagay sa labas ng kwarto niya. Bakit? Iniisip ba nito na may pagkamulto siya o aswang?

"Magsisimba raw siya." Dinuro siya nito ng serving spoon. "Tapatin mo nga ako. Ano ba ang ginawa mo at inaalayan ka ng asin at bawang ni Señorita Alyssa?"

"Diyos ko, patawarin po niyo ako sa lahat ng mga kasalanan ko. Siguro, nangyayari ang lahat ng ito dahil sa hindi magandang nagawa ko dati. Kung may inagrabyado po akong babae, patawarin po ninyo ako. Basta ilayo lang po ninyo kami ni Dennise sa kapahamakan." Taimtim na panalagin ni Alyssa.

Nasa simbahan siya. Maaga pa lang ay umalis na siya ng Villa Celestine para magdasal. Sa unang pagkakataon ay napag-dugtong niya kung ano ang nagyayari sa buhay niya. Ang pagpapakasal niya kay Dennise ay isang malaking hakbang na magpabago sa buhay niya. Maaring ang mga naranasan niyang kababalaghan ay wake-up call para mas seryosohin niya ang buhay.

Wala siyang planong magkaroon ng totoong kasal. Pero unti-unti na niyang nagugustuhan si Dennise kahit pa nga weird ang taste nito sa damit. Iba ito sa mga babaeng nakarelasyon niya. She was classy ang elegant— every inch a lady. Hindi niya ito kayang basta-basta mababalewala. Sa pagsulpot ng mga multo, Dennise even aroused her protective instinct.

Hindi siya takot sa multo. Mas natatakot siya sa maaring gawin ng multo kay Dennise. Maaring hindi ito nagkukwento o nagsasalita. Gagawin niya ang lahat para protektahan ito. Kaya nga inihingi niya ng tawad ang mga kasalanan niya. Baka mamaya ay karma niya ang mga multong iyon. Ayaw niya si Dennise pa ang balingan ng karma niya.

"Kahit po ako na lang ang masaktan, huwag lang si Dennise," nakapikit na dasal niya. Ni hindi niya ininda na nangangawit na siya sa pagluhod.

Nang sa palagay niya ay nasabi na niya ang lahat ng kasalanan niya at naihingi ng tawad ay saka lang siya tumayo. Kahit paano ay may kumpiyansa na siya na may proteksyon si Dennise. Saka lang niya napansin na mahigit dalwang oras na siyang nakababad s simbahan. Ganoon ba talaga karami ang kasalanan at takot na nararamdaman niya na inamin niya? Ganoon din ba karami ang hiling niya?

Pasado alas-diyes na. Tambak na rin ang Missed calls at text messages sa phone niya mula sa Pinsan niyang si Daniel. Kanina pa ito naghihintay sa isang mall. Tinawagan niya ito. "Bro, I am sorry! Kanina ka pa ba?"

My Nyctophilic WifeWhere stories live. Discover now