Thirty Seven

963 52 1
                                    

Lalong diniinan ng Kuya Deive ni Dennise ang braso nito sa leeg ni Alyssa. "Anong pakakasalan si Dennise? Baliw ka ba? Ni hindi ng naglalalabas ang pinsan ko, 'tapos pakakasalan mo."

"At kilala ko siya, Deive," wika ni Lee. "Kaibigan siya ni Victonara Galang. She is a notorious player. Tiyak na sasaktan lang niya si Dennise.".

Malaking problema ang kinakaharap nina Dennise at Alyssa ngayon. Hindi maganda ang reputasyon ni Alyssa. Overprotective ang mga pinsan niya sa kanya. Pagkatapos ng mga trahedyang pinagdaanan niya, gustong tiyakin ng mga ito na hindi siya masasaktan. Magkakagiyera kapag may nanakit sa kanya.

"Ikakasal na talaga kami," giit niya. "Hindi ba sinabi sa inyo ni Lolo?"

It was her grandfather's plan. Dapat ay alam ng mga pinsan niya, lalo na si Deive dahil ayon sa tradisyon ay ito ang dapat na magman ng Villa Celestine.

"Walang sinasabi si Lolo sa amin," sabi ng kuya Lee niya. "Pero kahit pa alam ni Lolo, hindi kami papayag na pagsamantalahan ka ng Alyssa Valdez na iyan. Baka takbuhan ka niyan tulad ng ibang babaeng naikama niya."

"Wala akong babaeng tinakbuhan," tanggi ni Alyssa. "Can we talked about it peacefully? Hindi naman ako tatakas."

"Talk peacefully?" Ngumisi ang Kuya Deive niya. "Gagawin ko iyon kapag naibitin na kita ng patiwarik sa puno ng mangga habang umaamin."

"Señorito Deive, nandito na po si Don Miguelito," wika ni Mang Lito. Humihingi ng paumanhin na tumingin ito sa kanya. Mas matagal na tumira si Deive sa Mansiyon at mas matagal nitong pinagsilbihan. Marahil ay utos ni Deive na hindi ipaalam sa kanya ang biglaang pagdating nito.

"Nandito rin Lolo?" Tanong niya sa Kuya Lee niya.

"We are surprised as well," nagkibit-balikat na sabi nito.

"Mabuti nang si Lolo mismo ang magpaliwanag nito," matigas na wika ng Kuya Deive niya. "Oras na matiyak kong pinagsasamantalahan mo lang si Dennise, hihilingin mo na hindi mo na nakilala ang pamilya namin."

Hinila ni Kuya Deive niya si Alyssa. Hindi pumalag si Alyssa bilang respeto na rin dito.  Mabuti at naroon na ang Lolo nila. Ito lang ang makakatulong sa kanila ni Alyssa. Bingi na ang Kuya Deive niya sa mga paliwanag nila. Komolikado rin kasi ang sitwasyon nila ni Alyssa.

Kausap ni Don Miguelito si Mari nang pumasok sila sa bahay. Nawala ang ngiti nito ng makita ang mga hitsura nila. "Ano'ng nangyayari dito?"

"Nahuli namin ito, Lolo." Turo ng Kuya Deive niya kay Alyssa. "And she is molesting Dennise's innocence," akusasyon nito.

"I told you we are getting married. At hindi ko siya pinagsasamantalahan. I respect her," giit ni Alyssa.

"Miguelito, hindi ba nila alam na ikakasal na sina Dennise at Alyssa?" Tanong ng lalaking kasing-edad ng Lolo Miguelito niya.

"Lolo," narinig niyang usal ni Alyssa. So it was Antonio Valdez himself. Kung ganoon ay may iba pa silang kakampi.

"Paanong ikakasal na sila? Tingnan po ninyo ang pinsan ko. Wala siyang alam sa mundo, lalo na pagdating sa mga taong katulad nito," anang Kuya Deive niya at saka pinakawalan si Alyssa. "Matibay ang relasyon natin sa mga Valdez, alam ko. But this dyke doesn't deserve Dennise. Hindi ako anti-LGBT community but this Alyssa, hindi maganda ang reputasyon niya."

"Mas kilala ko siya kaysa sa iyo, Kuya," depensa niya kay Alyssa. Saka kumapit sa braso nito. She saw Alyssa transform from chauvinistic and self-centered  to someone who could genuinely care for someone. Nagustuhan siya nito kahit ano pa ang katauhan niya. "Saka matanda na ako. Kung gusto ko man siyang pakasalan, desisyon ko na iyon."

"Apo, mag-uusap tayong dalawa tungkol kay Dennise at Alyssa mamaya. Ipapaliwanag ko lahat. Hindi ito ang tamang pagbati sa bisita natin," malumanay na wika ng Lolo Miguelito niya kay Deive. Saka sinulyapan si Don Antonio.

"Good morning po," bati niya kay Don Anton.

"Welcome to Villa Celestine. Hindi namin inaasahan ang pagdating ninyo..."

"Ikaw ba si Dennise?" Tanong sa kanya ni Don Anton. Tumango siya nang marahan at iniangat ang ulo. "Opo."

Nakagat niya ang ibabang labi nang maramdaman niya ang nanunuot na titig nito, saka niya naalala ang hitsura niya. She was wearing a cult's high priestess black robe, Itim ang lipstick niya pati ang kanyang nail polish. Bagaman nakataas ang buhok niya ay tumatakip sa mga mata niya ang kanyang bangs.

It was not exactly the image she wanted Anton Valdez to see. Hindi niya inaasahan ang pagdating nito kaya hindi niya napaghandaan.

At hindi niya gusto ang pakiramdam niya lalo na nang mariing nagdikit ang mga labi nito at itinutok sa marmol ang tungkod.

"Miguelito, mag-usap tayong dalawa."

-----

🐱🐱🐱

Hola. What's next? Hehe. Thank you for reading guys.

My Nyctophilic WifeWhere stories live. Discover now