COMOP#41: Natatagong Pag-ibig

98 5 1
                                    


Natatagong Pag-ibig

*****

Mga panahon ay mabilis na nagdaraan,
Parang kailan lang ng siya'y nasilayan.
Agad nalimbag ng puso ang naramdaman,
Natitik ang pag-ibig na sa kanya ay laan.

Minsa'y nag-iisa at nagsiyasat ang mata,
Walang ibang hiling, ito'y ang makita siya.
Nagmamasid ng palihim, gaya ay espiya,
Kapag siya ay lilingon, agad ililipat sa iba.

Pilit na tinakasan ang lason niyang ngiti,
Hindi maikakila, sagot siya sa panaginip.
Kanyang mga mata parang may sinasabi,
Kaya hopya ngang sa kanya ay makalapit.

Bawat pagtago ng liwanag sa kanluran,
Binabalikan ang ngiti niyang namasdan.
T'wing nag-iisa siya'y sumasagi sa isipan,
Nakangiti ng nasambit ang pangalan.

O, kay hirap sa puso'y may kinikimkim,
Ang aking pagtingin sa kanya ay lihim.
Hindi man lang malapita't makausap,
Bahag ang buntot, at nasa likod ng ulap.

Ba't pagkakatao'y mahirap makisama?
Ito ang himutok ng labi sa tuwina;
Mukhang tutol sa amin yaong tadhana,
Bukas, makalawa pagtagpyin naman sana!

Pustahan tayo, nakaranas ka ng ganito.
Hindi masabi ang pagtingin sa ‘Crush’ mo,
Nangingiming lumapit sa kanya ng husto.
Sulyap palang niya, namumula ka na ano?

Natatagong pag-ibig bakit mayroon pa?
Hindi masabi-sabi, ibinubulong sa iba,
Puro titigan lang nagiging epekto nga,
Kaya naman pareho, nanatiling hopya!

POEMA || COMOP SpecialWhere stories live. Discover now