COMOP#30: Kakaiba Siyang Talaga

93 2 2
                                    


Kakaiba Siyang Talaga

*****

Maraming panahon ang tuluyang nagdaan
Bago naunawaan nang siya ay masilayan.
Unti-unting nakilala habang kausap siya
At napagtantong, ‘Kakaiba siyang talaga’.

Palakaibigan, isa sa mga katangian niya;
Minsa'y palabiro at palangiti rin pala.
Masayahing tunay, pusong mayro'n siya.
Sa kanya ang problema'y hindi na halata.

Katulad niya'y ibon malayang nakakalipad
Sa sulok ng papawirin, saanman mapadpad,
Paubos na nilalang siya ay nabibilang;
Nabubuhay kung saan, lupa ma'y tigang.

Nalilito ako, kinakausap ang sarili ko,
Mga katanungan ay sumagi, sa isip nabuo
Sa tabi ng ilog, para siya'y isang dilag,
Magandang kuwento sa aklat ay nalimbag.

Huwag huhulaan ang tinutukoy kung sino
Maaaring siya, sila, o ang nagbabasa nito
Tandaan mo ito, masama ang manghusga;
Basta't sa'kin kakaiba siyang talaga.

Misteryosong tingnan kapag nakatalikod
Kapag humarap matatanggal iyong pagod,
Minsa'y 'di mabasa salita ng kanyang mukha
Animoy blankong papel sa iisang pahina.

Kung 'yong mamarapatin siya'y kilanlin,
Katulad ay dalisay, makinang na bituin.
Sabay sa pag-ihip hangin sa papawirin,
Alikabok na pupuwing sa iyong paningin.

Wala ng masasabi, kakaiba siyang talaga;
Halos pabalik-balik ang iyong nababasa
Pasensya na nagmumukha ng walang kwenta,
Pero tiyak kong, kakaiba siyang talaga.

A/N: Ang tulang ito ay isinulat ko para sa isang taong nagmahal sa akin ng lubusan. Ngunit sirena siya kaya hanggang sa tula ko nalang nailimbag ang pagpapahalaga sa kanya at hindi ko masusuklian ang nais niya...

POEMA || COMOP SpecialWhere stories live. Discover now